Kyle's POV
Ilang linggo na ang nakalipas ng magsimula ang klase at habang tumatagal ay mas lalo kaming nagiging close ng roommate ko. Nagkaroon din ako ng iilang bagong kaibigan pero mas madalas kong kasama si Jonathan.
Actually, parang nakikita ko na sakaniya si Jake. Lagi siyang nasa tabi ko. Parehas kami ng course na kinuha at katabi ko lang siya ng room. Sayang nga at hindi ko siya naging kaklase.
Sa gitna nang aking pag-iisip habang hinihintay ang kanilang labasan, bigla na lang pumasok sa isip ko si Mama at Papa. Kumusta na kaya sila?
"Hoy! Tara na, Kyle. May gagawin ka pa ba? Balik na tayo dorm." Pag-gulat sa'kin ni Jonathan.
Itong si Jonathan, habang tumatagal ay nagiging makulit din. Katulad na katulad niya talaga si Jake. "Wala na. Tara na, uwi na tayo." Wika ko dito.
Madalas kaming magkasabay kumain kasabay ng mga bago kong kaibigan. Naikwento pa sa'kin ni Jonathan na wala sakaniyang tumatabi at nakikipag-kaibigan. 'Di naman niya sinabi ang dahilan.
Pabalik na kami ng dorm ng bigla namang sumulpot sa harapan namin si Ivan. Si Ivan ay kaibigan ko. Isa rin siya sa mga kasabay namin kumain pag napupunta kami sa school canteen.
Hinintay namin itong magsalita dahil hingal na hingal pa ito galing sa kaniyang pagtakbo. "Kyle, Jonathan! Hindi niyo ba nabalitaan? Si Neith daw-- sinaksak." Saad nito.
"Ano?!!!" Sabay naming tanong ni Jonathan kay Ivan. Isa rin kasi si Neith sa mga nakakasama namin ni Ivan pati Jonathan.
Sabay-sabay kaming tumakbo papuntang dorm ni Neith. Ngunit, nakita namin na wala siya doon. "Wala naman siya dito eh." Wika ko dito.
Bigla namang lumabas si Neith sa banyo ng kaniyang dorm. May dala-dalang bulaklak. Nakabihis ng pormal. "Ano bang eksena 'to, Ivan?" Tanong ko sa taong katabi ko.
Papalapit na ng papalapit sa'kin si Neith at habang lumalapit siya ay siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Neith..." bulong ko.
Inabot niya naman sa'kin ang bulaklak na kaniyang hawak. "Kyle... pwe--de ba ki--ta ma--ging boy--friend?" Tanong nito habang kakamot-kamot sa kaniyang ulo.
Kinakabahan ako kung ano ang isasagot ko. 'Di ko alam at nakakabigla naman ang ganitong tagpo. Parang kailan lang ay kakakilala lang namin.
Bigla namang umalis si Jonathan. Naalala ko, kasama pala namin siya. Pero, bakit bigla namang umalis ang isang 'yon? 'Di man lang ako hinintay. "Sundan ko lang siya ah?" Wika ko sa dalawa.
Naging palusot ko na rin siguro si Jonathan para hindi masagot ang tanong ni Neith. Hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang palitan si Jake dito sa puso ko.
'Di naman ako nabigo dahil naabutan ko si Jonathan bago pa kami dumating sa dorm naming dalawa. "Uy! Bakit ka naman agad umalis?" Tanong ko rito.
"Sana 'di ka na lang umalis doon 'di ba? Anong sagot mo? Oo ba? Oo ba, huh?" Tumaas ang boses nito at ngayon ko lamang nakita ang ganitong side ni Jonathan. Hinawakan pa ako nito sa magkabilang balikat ko.
Hindi agad ako nakasagot sa kaniyang mga tanong dahil na rin sa pagkabigla at kaba na aking dinadamdam ngayon. "Ano, sumagot ka!?" Dagdag nitong sabi.
"A--a-no ba 'yang pi--nagsasabi mo, Jona--than?" Naninginig kong sagot dito.
Agad naman nitong binatawan ang magkabilang balikat ko at agad pumasok sa dorm. Sumunod naman ako agad upang malaman kung bakit ganoon ang kaniyang inasta kanina lamang. Ngunit, ako ay natatakot sa kaniya.
Dumiretso siya sa kusina upang magluto ng makakain namin. Siya ang laging nagluluto saming dalawa kasi wala naman akong alam sa pagluluto.
"Jonathan--" Hindi ko pa natutuloy ang aking sasabihin ngunit agad naman itong nagsalita. "Wala lang 'yon. 'Wag mo na lang pansinin." Ani nito sabay ngiti sa akin.
Sa mga ngiti niya naging panatag ako. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko tuwing ngumingiti siya. Napawi lahat ng katanungan sa aking isipan.
Natulala na lamang ako sakaniya habang nagluluto siya. Ngayon ko lang napansin na magka-parehas pala sila ng mata ni Papa. Ngayon ko lang din napansin na may angking kagwapuhan palang dala ito si Jonathan.
"Kain na!" Saad nito na nagpabalikwas naman sa'kin. Ngumiti pa ito habang kakamot-kamot sa batok. Marahil ay nahihiya siya sa kaniyang ginawa kanina lamang. "Ah, pasensiya pala sa nagawa ko kanina. 'Di ko sinasadya. Sana hindi kita natakot. Hehe." Dagdag pa nito.
Panatag na ako na hindi siya galit sa'kin. Nginitian ko na lamang siya upang tugon.
Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan namin tutal siya naman ang nagluto.
"Ah, Jonathan. Biyernes na pala bukas. Sa sabado, bibisitahin ko sina Mama't Papa. Gusto mo sumama?" Tanong ko rito. Ngunit, lumipas ang ilang segundo ay hindi ito sumagot kaya nilingon ko siya.
Sobrang payapa niyang natutulog. Mala-anghel ang kaniyang mukha. Teka, bakit ngayon ko lang ito napapansin? Matagal na kaming magkasama pero ngayon ko lang siya napagmasdan ng ganito.
"Nakatulog na pala." Bulong ko na lang sa hangin.
Matapos kong maghugas ay agad na akong dumiretso sa banyo para mag-halfbath. Ang lagkit ko na kasi. Habang nasa banyo ako, 'di ko maiwasang isipin si Jonathan.
'Di ko talaga malilinlang sarili ko. Alam agad ng aking sundalo kung bakit ko siya iniisip ng ganito. Paano ba naman ay nakasaludo na agad ang aking pagkalalaki. Ipinikit ko lamang ang aking mata habang minamasahe ang maugat at mabuhok kong sundalo.
Patuloy ko itong minamasahe nang taas baba. Taas, baba. Taas, baba. Habang ginagawa ko ito, 'di ko maalis sa aking isipan si Jonathan. Inimagine ko kung nakahubad siya sa'king harapan.
"Acchhkkk-- fuck-- Jonathan..." impit kong ungol. Binilisan ko ang pagtaas baba sa aking pagkalalaki. Pabilis ng pabilis hanggang sa makaramdam ako na lalabas na ang puting likido na matagal ring naipon sa tagal ng panahon.
"Fuck, Jonathan. Ugh--" tuluyan na ngang sumabog ang puting likido sa sumbrelo ng aking sundalo. Ngunit, napahinto ako sa pagtaas baba nito ng makarinig ako ng kaluskos.
Shit! Mukhang gising pa ata si Jonathan! Patay! Baka narinig ako no'n! Patay na! Pero humihilik na siya kanina ah?
Dahan-dahan akong lumakad patungo sa pinto ng banyo at dahan-dahan ko ding binuksan ito upang silipin kung nagising nga ba si Jonathan. "Hay, salamat. Buti nalang at tulog siya." Pagpapakalma ko sa sarili ko.
Agad naman akong bumalik sa pagbuhos ng tubig. Grabe, bakit ko ba siya iniisip? Nawala na sa isip ko Jake. Papagalitan ako n'on.
• • •
Pagtapos ko magbuhos ay agad na akong dumiretso sa kama upang matulog. Nakaharap sa'kin si Jonathan. Mula sa silaw na nangga-galing sa liwanag ng buwan, napagmasdan kong muli ang mala-anghel na wangis ni Jonathan.
"Ang pogi mo pala 'no?" Pabulong kong sambit. Napangiti ako sa sinabi ko at sabay na nagtalukbong sa kumot.
'Di ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Basta, iisa lang natitiyak ko. Masaya ako sa piling ni Jonathan katulad ng kay Jake.
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Blood of Love
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Kyle pakiramdam niya ay malas siya sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng mga taong nag-mamahal sakaniya. Ngunit, limit sa kaniyang kaalaman na may isang taong nagna-nais umangkin sa kayamanan ng pamilya nila. Matagal na itong nagmamasid...