Ang Pangatlong Dugo

5 0 0
                                    

Kyle's POV

Naging komportable na ako dito kay Jonathan. Sobrang saya niya kasama. Inaamin ko, sa bawat ngiti niya, gumagaan loob ko sakaniya.

Kaninang tanghali ay pinaghain niya ako ng pagkain at ang nakakagulat ay ang paborito ko pang ulamin. Adobo with pineapple ala Jonathan daw ang lutong iyon. Sa sobrang sarap halos maubos ko na ang buong hain niya.

"Ah, Kyle... ano... ahm... may sasabihin sana ako sa'yo." Pautal-utal na sabi ni Jonathan. Halata sa mukha nito ang hiya dahil namumula ang kaniyang mukha.

"Ano 'yon? At bakit parang namumula pa ang buong mukha mo?" Pagbibigay pansin ko sakaniyang mala-tisoy na mukha na siya namang binalutan ng pulang kulay.

"Ah... kasi ano-- 'yung parents mo, kumusta?" Tanong nito. Nagulat ako. Siyempre, ngayon pa lang naman kami nagkakilala.

"Bakit mo naman natanong?" Pagbabalik ko nang tanong. Hindi ko kasi mawari kung ano ang gusto niyang malaman.

"Gusto ko lang malaman yung pakiramdam ng may mga magulang pa na nand'yan para sa'yo." Wika nito. Nalungkot naman ako sa kaniyang sinabi. Naawa rin ako at the same time.

"Ikaw pa lang ang pangalawang taong sasabihan ko nang tungkol sa aking pamilya kaya sana 'wag mo akong kaawan o ipagkalat man 'to sa iba. Kasi ayoko. Mas gusto ko yung mamuhay ako nang tahimik. Yung tipong ako lang sa buhay ko." Paglilinaw ko dito.

Tinaas niya ang kaniyang kanang kamay na parang bata. "Promise! 'Di ko sasabihin sa iba. Hindi ko ipagkakalat at hindi rin kita kakaawaan." Wika naman nito na parang batang nangangako. Natuwa ako nang kaunti sa kaniyang ginawa.

Inumpisahan ko na ang pag-kwento ng aking buhay.

* Flashback *

Hindi mapakali si Mama at may hinahanap siyang isang bagay sa kaniyang kwarto. Sumingit ako upang tulungan siya. "Ma, ano po ba ang hinahanap niyo? Tulungan ko na po kayo." Pagmamagandang-loob ko.

Ngunit, 'di ko inasahan na tatatruhin niya ako nang ganoon. "Umalis ka muna dito, wala kang alam sa hinahanap ko. Layas!" Pagalit nitong sambit sa akin.

Sa sobrang takot ko, agad akong lumabas at naupo na lamang sa gilid ng pintuan.

"Bakit mo naman ginawa 'yon sa bata? Parang 'di mo naman anak yung pinagsabihan mo ng ganoon." Wika ni Papa sa may katamtamang boses.

Hindi ko alam kung maaawa ako sa sarili ko o matutuwa dahil andiyan si Papa para ipagtanggol ako kay Mama.

Nagulat na lamang ako ng makarinig ako ng isang malakas na sampal. "Hindi ko naman talaga anak 'yang si Kyle! Ewan ko kasi sa'yo kung bakit mo pa kinuha 'yan sa ampunan. Kung hinanap mo lang sana yung tunay na anak natin, natuwa pa ako sa'yo!" Pagalit na sagot ni Mama.

'Di ko maintindihan ang sinasabi ni Mama. Ngunit, isa lang ang tumatak sa aking isipin. Hindi ako totoong anak ni Mama at Papa. Inampon lang nila ako.

Sa sobrang gulat ko sa mga nangyari ay tumakbo na lamang ako papunta sa aking kwarto pero 'di ko inaasahang madulad at mahulog ako sa hagdan.

Habang dahan-dahang sumasara ang aking talukap ay naririnig ko ang sigawan ng aking mga magulang.

• • •

Pag-gising ko ay agad kong nakita sa aking tabi si Mama. Napa-iwas ako ng tingin dito. "Nak, pasensiya ka na sa mga nasabi ko nung nakaraan sa'yo ha? 'Di ko naman sinasadya 'yun eh. May hinahanap kasi akong importanteng bagay nun." Wika ni Mama. Halata sa boses nito ang sinseridad sa bawat letrang kaniyang mga sinasambit.

Hindi ko pa rin nakakalimutan lahat ng kaniyang mga sinabi. Kaya tinanong ko siya ukol dito upang maliwanagan ang aking buong kaisipan. "Totoo ba, Ma? Ampon niyo lang ako?" Tanong ko rito.

Hindi agad nakasagot si Mama. Batid kong ampon lamang ako ngunit gusto ko na sa labi mismo ni Mama ito mang-galing. "Ano, Ma? Totoo ba?" Pag-uulit ko dito.

"Oo 'nak, inampon ka namin ng Papa mo. Pero alam mo naman na tinuring ka na rin naming--" Hindi ko na pinatuloy pa ang pagpapaliwanag ni Mama.

"Hindi niyo po talaga ako anak?" Pag-uulit ko nang tanong. Pero wala na itong naging sagot pa.

Hindi ko lubos maisip na ampon lang pala ako. Ang masakit pa ay mas gusto niya pang hanapin yung tunay niyang anak. Ako yung nandito eh, bakit hindi na lang ako? Halos maluha-luha ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung paano ko pa sisimulan yung buhay ko.

Biglang pumasok si Papa at tinanong kung maayos na ako. Sumagot naman ako na maayos na ako at gusto ko nang lumabas sa hospital na ito.

Pero bago ako umalis sa hospital na iyon ay nangako ako na hahanapin ko 'yung kapatid ko bago pa mawalan ng buhay ang aking mga magulang kahit hindi ako ang tunay na kanilang anak makabawi man lang sa mga bagay na kanilang ginasta para sa akin.

* End of Flashback *

Naikwento ko na ang isa sa mga dahilan sakaniya kung bakit ako naaawa sa sarili ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako nag-kwento dito kay Jonathan kahit kakakilala lang naming dalawa.

Marahil, magaan na loob ko sa kaniya upang magsabi ng ganitong mga bagay sa buhay ko.

"Eh kunwari, ako 'yung kapatid mo, tatanggapin mo ba 'ko?" Tanong nito. Nagulantang ako sa sinabi nito at nagdalawang isip sa kaniyang mga sinabi. May isang parte sa puso ko na nagsasabi na paano nga kung siya ang kapatid ko? Paano kung siya ang tunay na anak nila Mama at Papa?

Andaming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sakaniya. Kaya pinakalma ko ang sarili ko bago ako sumagot sakaniya. "P'wede naman siguro." Wika ko na may galak sa mga labi.

Tumayo ito nang mabilis at niyakap ako patalikod kahit na nakaupo ako sa aking kama. Bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko na parang mga kabayo sa bilis.

"Hoy, Jonathan! Kumalas ka nga sa pagkaka-yakap mo!" Sigaw ko rito.

Hindi pa ito tumigil kaya't nagpumiglas ako para makatakas sa bisig niya.

Hanggang sa makawala ako at hinabol ko siya upang bawian ang ginawa niya sa'kin. Habulan dito, habulan doon.

Nang makaramdam ako nang pagod ay agad na akong nahiga sa sarili kong kama dito sa dorm. Ansaya pala, ansaya pala magkaroon ng bagong kaibigan.

Tinignan ko si Jonathan ngunit mapayapa na itong nahihimbing sa kaniyang kama.

'Di ko na namalayan na sa sobrang pagod ko ay bumibigat na ang aking talukap at hudyat na kailangan ko nang ipikit ang aking mga mata upang magpahinga.

"Nice to know you, Jonathan."

To be continued...

The Blood of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon