Kyle's POV
Simula nang araw na iyon ay madalang na lang kami mag-usap ni Jonathan. 'Di na rin siya sumama sa'kin pabalik kila Mama. Ewan ko ba kung anong nangyari sa kaniya.
Nandito kaming dalawa ngayon sa dorm. Sobrang tahimik ng kwarto. Walang sinuman ang gustong bumasag sa nakaka-binging katahimikan.
Nakaupo ako sa kama habang siya ay ganoon din. Ang pinagkaiba nga lang ay hawak niya ang kaniyang cellphone at ako naman ay libro. Tinignan ko siya, nakangiti lang habang pinipindot ang kaniyang cellphone.
'Di ko mawari ngunit mukhang naninibugho na ako sa kausap niya. Ilang araw na siyang sa cellphone lang nakatitig. 'Di niya na ako kinakausap tulad ng dati.
Ilang linggo na ba ang nakalipas? 'Di ko na mabilang. "Ah, Jonathan..." pagbasag ko sa katahimikan.
'Di sumagot si Jonathan. Nakakainis naman 'to. Kaya nagpasiya na akong kunin ang kaniyang cellphone para magkausap kami.
"Ano ba, Jonathan huh? Bakit ayaw mo ba akong kausapin? Dahil ba sa nangyari sa'tin, huh? Putang ina naman, Jonathan. Napaka-immature mo kung ganoon lang kababaw 'yang dahilan mo para 'di mo ako pansinin..." bulyaw ko dito. 'Di ko na mapigilin ang sarili ko.
Tumayo naman ito, "Ano ba! Akin na nga 'yang cellphone ko. Tsaka hindi dahil doon kaya hindi kita pinapansin." Balik-bulyaw nito sa'kin.
"Eh anong dahilan, Jonathan? Sagutin mo naman ako. Hindi 'yung nagmumukha akong tanga dito na suyo ng suyo sa'yo para sa atensiyon mo. Hindi na tayo bata, Jonathan!" Bulyaw kong muli.
'Di ko talaga maintindihan itong si Jonathan. Nung nakaraan lang ay ang saya-saya pa namin bago kami pumunta sa bahay at bago may mangyari sa'min. Tapos ito na ngayon. Nakakainis lang.
"Dahil sabi ni Maxine, layuan na kita!" Sambit nito. "Sino naman si Maxine? Paano siya napasok dito, Jonathan?" Sagot ko rito.
"Girlfriend ko, Kyle. Girlfriend ko. Kaya p'wede ko na bang makuha ang cellphone ko?" Wika nito.
Bigla akong nanlamya sa sinabi ni Jonathan. May girlfriend na siya. Samantalang ako, umaasa dito. Ang masakit pa, may nangyari na sa amin.
Agad akong tumingala bago pa bumagsak ang mga likido na naipon sa aking mga mata. Tumakbo na rin ako palabas ng dorm para 'di makita ni Jonathan ang aking pagluha.
Hinayaan ko na lamang ang aking paa kung saan ako ipupunta nito. Habang naglalakad ay patuloy ko pa ring iniisip kung paanong nangyari na nagkaroon siya ng girlfriend. Matapos na may nangyari samin? 'Di pa ba ako sapat? Nakulangan ba siya sa'kin? Putang ina lang.
Napadpad ako sa harap ng kwarto ni James. Isa sa mga kaklase kong lalaki. Kinatok ko ito. "James.." wika ko habang patuloy pa rin sa pag agos ang aking mga luha.
"Oh, Kyle. Ikaw pala. Anong-- bakit ka umiiyak? Tara nga dito." Si James. Agad naman kaming pumasok sa kaniyang kwarto.
"Ano ba ang nangyari at bakit ka umiiyak?" Tanong nito. 'Di ko na lang ito sinagot at niyakap na lamang siya. Kailangan ko nang masasandalan ngayon.
"Sige, iiyak mo lang 'yan. 'Pag handa ka ng magkwento. Andito lang ako." Wika nito.
• • •
'Di ko na namalayan na halos isang oras na pala akong nakayakap at umiiyak sa bisig ni James. Bumalik na lang ako sa aking katinuan ng muli kong maisip si Jake.
Kung nandito lang sana siya, hindi ako iiyak ng ganito. Ayaw pa naman n'on na makita akong umiiyak. Lalong lalo na sa harap niya.
"May alak ka ba diyan, James? Inom tayo." Pagyaya ko kay James. Batid kong mabait 'tong si James kaya wala akong pangamba na mag-inom kasama siya.
BINABASA MO ANG
The Blood of Love
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Kyle pakiramdam niya ay malas siya sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng mga taong nag-mamahal sakaniya. Ngunit, limit sa kaniyang kaalaman na may isang taong nagna-nais umangkin sa kayamanan ng pamilya nila. Matagal na itong nagmamasid...