"Kyle, will you be mine?" Tanong ng lalaking nakaluhod sa aking harapan. Naka-ilang tanong na ba ito nang ganito? Isa? Dalawa? Hindi ko na mabilang.
Sa tagal naming magkasama naging komportable talaga ako sakaniya ng sobra-sobra.
Halos baguhin niya rin ang lahat sa ugali ko. Mula sa tahimik na Kyle, binago niya ako upang maging mapagmatyag. Mula sa malungkuting Kyle, binago niya ako upang maging masiyahin. Iilan lamang ang mga iyan sa binago niya sa'kin pero naging masaya naman ako dahil dito.
Handa na ba ako upang sagutin siya? Handa na ba ako pumasok sa isang relasyon? Siguro, handa na.
Ilang beses na itong nagtatanong sa'kin at puro sagot ko lang ay "hindi."
Baka mamaya ay magsawa ito at maghanap ng iba diyan.
Kaya naman ngayon, ngayong gabing ito. Magiging saksi ang mga damo, puno, at mga butuin sa pagsasagot ko sa kaniyang paghihintay.
"Yes, Jake. Yes!" Sagot ko dito. Agad naman akong binuhat nito na siya namang ikinagulat ko pero at the same time nasiyahan.
Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ang taong matagal mo nang gusto ay sabihan ka nang ganiyang mga kataga 'di ba?
Kala ko dati, ako na ang pinaka-malas na tao. Pero, pinatunayan ni Jake na hindi ako malas sa lahat. Dahil ang swerte ko ay siya.
Sa gabing ito ay maglalakbay kami patungo sa pinakamagandang lugar dito sa aming syudad-- kung saan, makikita mo ang buong lugar na aming nasasakupan.
Habang nasa biyahe kami, sobrang bilis ng tibok ng puso. Hindi ko alam kung dahil sa kilig ba ito o kung ano pa man. Basta, ang mahalaga ay masaya kami ngayong gabi.
Hanggang sa 'di namalayan ni Jake na may babangga sa aming harapan na malaking kotse na siya namang naging mitya nang kaniyang pagkamatay.
"Jake! Gumising ka! Hindi ka p'wedeng mamatay!"
• • •
BINABASA MO ANG
The Blood of Love
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Kyle pakiramdam niya ay malas siya sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng mga taong nag-mamahal sakaniya. Ngunit, limit sa kaniyang kaalaman na may isang taong nagna-nais umangkin sa kayamanan ng pamilya nila. Matagal na itong nagmamasid...