Kyle's POV
Ilang oras na ang nakalipas at nakilala na rin nila Mama at Papa si Jonathan. Naging panatag naman sila na si Jonathan ang kasama ko.
Kasalukuyan akong nasa kwarto kasama si Jonathan, naglalaro.
'Di ko pa nasasabi kila Mama at Papa na mayroong nasaksak sa dorm namin. Baka kasi mag-over act sila. Kilala ko pa naman yung dalawang 'yon pagpatayan na ang usapan.
Kumatok si Manang sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko naman ito. "Kyle, p'wede bang mag-usap tayong dalawa? Tayong dalawa lang sana." Wika nito. Nagdadalawang isip man ay sumama na ako dito at nagpaalam kay Jonathan na may aasikasuhin lang.
Nasa kwarto kami ngayon ni Manang. Wala akong ideya kung ano ba ang sasabihin ni Manang. "Ah kyle... nabanggit mo kanina na nabalitaan mong napatay kaming lahat sa bahay nila Ma'am Johanne... oo, tama ka. Namatay nga kami. Pero, naligtas ako." Paunang sambit ni Manang.
So, meaning to say... nakaligtas siya sa saksak? "Paano po?" Tanong ko rito.
Naikwento niya sa'kin kung paano siya naligtas at kung paano siya nakarating dito sa bahay namin. Sinabi niya na rin kila Papa kung ano ang tunay na nangyari pero 'di pa ito nasasabi sa mga pulisya dahil gusto nila na protektahan si Manang.
"Kyle... kilala ko kung sino ang pumatay sa aming lahat sa bahay na 'yon. Kilala ko, kyle... Si--" bigla mamang napahinto sa pagsasalita si Manang Jana.
"Ah, kyle. 'Di pa ba tayo babalik sa dorm? Mag-gagabi na oh." Pagsingit ni Jonathan sa usapan namin ni Manang.
Napatingin kami sakaniya ni Manang. "Hanggang bukas pa tayo dito, hindi ba? Sinabi ko na iyon sa'yo." Wika ko dito.
"Ay oo nga pala. Tara na, laro na tayo ulit." Wika nito. Agad naman itong pumasok para ako ay hilain. "Sandali lang, may sinasabi pa si Manang." Sagot ko.
"Ah, ganoon ba? Sige, hihintayin na lang kita sa labas ng kwarto." Wika nito.
Tumingin muli ako kay Manang para malaman kung sino ang siyang tunay na pumatay kila Tita. "Sino po, Manang?" Tanong ko muli dito.
"Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo, Kyle. Hinihintay ka ng kasama mo sa labas." Wika naman ni Manang. Ano ba naman itong si Manang, pabitin pa.
Palabas na sana ako ng pinto nang magsalita si Manang, "Basta mag-ingat ka sakaniya, Kyle..." wika ni Manang.
Naguluhan naman ako sa sinabi ni Manang. Sinong siya? Nakakainis kasi si Manang eh. Pabitin pa. Gustong-gusto ko na malaman kung sino para naman mabigyan ko nang hustisya ang pagkamatay nila Tita.
Umakyat na ako sa kwarto upang puntahan si Jonathan.
• • •
Ilang oras na ang lumipas at dumating na ang hating gabi. Alas-onse pasado na ng hating gabi pero hindi pa rin ako maka-tulog. Kwarto ko naman 'to pero bakit namamahay pa rin ako?
"Ah, Kyle... hindi ka ba makatulog?" Nagulat ako nang biglang magsalita sa tabi ko Jonathan. Oo, magkatabi kami. Ayoko naman siyang patulugin sa sofa dahil bisita ko siya.
Umupo muna ako bago sumagot, "ewan ko ba, namamahay na ata ang katawan ko." Sagot ko dito.
Sa totoo lang, sumasagi pa rin talaga sa'king isipan ang sinabi ni Manang kaya siguro hindi ako makatulog. Sino nga ba 'yung taong pumatay kila Tita? Tsaka kung kilala niya, bakit hindi niya ito agad nireport sa mga pulis? Saksing buhay si Manang sa mga nangyari.
Tinignan ko si Jonathan, nakatulog na ulit. Kahit kailan talaga 'to si Jonathan, napaka-antukin. Pang ilang beses niya na ba ako natulugan? Isa? Dalawa? 'Di ko na mabilang haha..
Napangiti ako sa inisip ko. Bumalik na ako sa pagkakahiga ko. Pinagmasdan ang mala-anghel na mukha ni Jonathan 'pag tulog.
"Ang ganda ng mga pilik-mata mo, Jonathan." Bulong ko dito. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng mala-anghel na mukha.
Sa sobrang pagka-mangha ko sa kaniyang wangis ay parang may sariling mga utak ang aking kamay upang hawakan ang kaniyang makinis na mga balat sa mukha.
Dahan-dahan kong pinagmasdan at hinawakan ang lahat ng parte ng kaniyang mukha. Mula sa baba, pataas hanggang sa kaniyang mga noo.
"Ay!" Impit kong sigaw nang makita 'kong nakadilat pala ang mga mata ni Jonathan. "Pasensiya ka na, Jonathan. 'Di ko sinasadya. Nabighani lang ako sa kagandahang dala ng iyong mukha." Dagdag ko pa.
Agad naman akong tumalikod sa kaniya dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Shet! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon eh! Napaka-rupok. 'Di ko na alam mukhang maihaharap ko kay Jonathan. Grabe.
Naramdaman kong hinawakan ni Jonathan ang balikat ko. Dahan-dahan niya akong hinirap sa kaniya. Magkatatitigan na kaming dalawa.
Kinakabahan ako. Ambilis ng tibok ng puso ko. Parang mga kabayo sa sobrang bilis ng pag-pantig nito. Hindi ko alam ang wari nitong iparating sa akin. Ngunit, masaya ako at muli ko itong naramdaman.
Pangalawang beses ko pa lang 'to naramdaman. Una, kay Jake. At ito ngayon, kay Jonathan.
Papalapit ng papalapit ang mukha ni Jonathan sa mga mukha ko. Hinanda ko na ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata upang ipahiwatig na handa ako sa kaniyang gagawin.
Dinilat ko ang aking mga mata dahil ramdam kong hindi na siya nakatingin sa'kin. Ngunit, pagdilat ko, nakita kong sobrang dilim ng paligid dahil nakapatay na ang lamp shade na nakalagay sa side ng kama.
Inabot ko 'to upang buksan muli. Sa kasamang palad, hindi ko ito maabot. Pinilit ko itong abutin hanggang sa makaramdam ako ng may humawak sa aking mga kamay.
Nasisiguro kong si Jonathan ang humahawak sa aking mga kamay. "Huwag mo nang buksan. Hindi ako sanay na may ilaw." Bulong nito sa aking tainga na siya namang nagbigay sa'kin ng kakaibang sensasyon.
Sa pagkaka-alam ko nga, hindi ito sanay na bukas ang mga ilaw pag siya ay matutulog.
Agad na akong bumalik sa pagtalikod sakaniya. Pinilit kong matulog para mawala ang hiya sa pinag-gagawa ko ngayong gabi kay Jonathan.
• • •
'Di ko mawari kung anong oras na ngunit hindi pa rin ako makatulog gawa ng pag-iisip sa sinabi ni Manang Jana at sa mga kakahiyang ginawa ko ngayong gabi kay Jonathan.
Bigla na lang bumulong si Jonathan sa aking mga tainga na siya namang nagpa-tayo ng mga balahibo sa aking buong katawan. "Make love with me, Kyle." Bulong nito gamit ang mapang-akit na tono na kaniyang boses.
Tama ba ang narinig ko? "Make love with me, Kyle."?
Agad akong nagpalit ng pwesto upang makita ang mukha ni Jonathan. Umulit-ulit ang mga kataga na binulong sa'kin ni Jonathan ngayon lamang.
"Make love with me, Kyle."
"Make love with me, Kyle."
To be continued...
BINABASA MO ANG
The Blood of Love
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Kyle pakiramdam niya ay malas siya sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng mga taong nag-mamahal sakaniya. Ngunit, limit sa kaniyang kaalaman na may isang taong nagna-nais umangkin sa kayamanan ng pamilya nila. Matagal na itong nagmamasid...