Ang Pang-apat na Dugo

4 0 0
                                    

Jonathan's POV

Sobrang hirap pakisamahan ng hayup na 'to. Kung 'di ko lang talaga gusto makuha 'yung mga kayamanan ni Mama at Papa, hindi ko na kakausapin eh. Napaka-drama. Nakakabwisit.

Oo, tama kayo. Ako nga 'yung nawawala niyang kapatid. Salamat nalang at ampon siya dahil mapapatay ko lang siya kung siya ang magiging kapatid ko. Kailangan ko lang talaga kunin ang loob niya para maging close ko din ang mga magulang ko.

Kung 'di ko makukuha ang loob niya ay paniguradong mawawala lahat ng pinaghirapan ko.

Maaga akong nagising para paglutuan 'tong unggoy na 'to. Kailangan ko 'tong gawin para mahulog siya sa akin. Dudurugin ko muna ang puso niya nang unti-unti bago ko siya tapusan ng hininga.

Habang nagluluto ako ay nakita kong nasa likuran ko siya. "Good morning, Kyle!" Wika ko. Nakakainis talaga. Kailangan ko pang magpanggap para lang sa mga plano ko. Bwisit.

"Good morning din." Wika naman nito. Naiinis ako boses nito. Napakapang-init ng ulo.

Agad ko namang tinapos ang aking pagluluto para kumain na kaming dalawa. Habang naghahanda ako ng kakainin namin, bigla nalang ito nagsalita. "Mahaba pa ang araw, pwede ka ba lumabas? Bili tayo ng mga kailangan natin dito sa dorm." Wika nito. May pakamot-kamot pa sa ulo, kala mo nakakatuwa.

Ngumiti ako, "Sige!" Tugon ko dito. Kailangan ko lakasan ang karisma ko para mauto 'tong buwayang ito. Alam kong nagkaroon siya ng karelasyon na lalaki. Kaya gagamitin ko ang karisma ko para akitin siya at para mahulog ang kalooban niya sa akin.

Tahimik lang ang paligid habang kumakain kami. Ayan, tama 'yan! Maging tahimik ka lang para makapag-isip ako ng mga plano ko para sa'yo.

Pagtapos namin mag-agahang dalawa ay agad na kaming lumabas para mamili ng mga kailangan dito sa dorm. Ewan ko ba dito. Napaka-arte.

• • •

Alas-kwatro na nang makarating kami sa dorm na aming tinutuluyan. Sabi niya sulitin na daw namin yung bakasyon kaya namasyal pa kami. Nakakairita talaga. Hindi ko naman gusto mag-gala pero napipilitin ako dahil dito sa walang hiyang 'to.

Nakahiga ako ngayon sa sarili kong kama habang siya ay inaayos ang aming pinamili. "Ah, Jonathan. Ikaw pala, kumusta ang buhay mo?" Tanong nito. Bigla naman umakyat ang dugo ko. Pero sa isip ko ay kailangan kong kumalma. Hindi dapat ako magbigay ng rason para lumayo ang kaniyang loob sa'kin. At saka, kakakilala lang namin, kailangan ko pang suyuin itong bading na 'to.

Kung alam mo lang, Kyle. Kung alam mo lang talaga. "Gusto mo ba talaga malaman? Wala namang importanteng nangyari sa buhay ko eh." Sagot ko dito.

Ayoko talagang inoopen-up 'yung about sa family ko. Nasasaktan lang ako.

I know about my family. Pati yung istorya ng buhay niya, alam ko.

"Siyempre naman. Kahit walang importanteng nangyari sa buhay mo, gusto ko pa rin malaman." Saad nito. Mapilit talaga 'tong hayop na 'to. Kailangan ko mag-isip ng imbentong kwento para lang takpan lahat ng ginawa ko.

* Flashback *

Hindi ko alam kung saan ako nang-galing. Ang sabi ng mga tumayong magulang ko ay inampon lang daw nila ako sa ampunan.

Nagsaliksik ako sa buong pagkatao ko. Pati na rin sa mga totoong magulang ko. Hindi naman ako nabigo dahil nalaman ko ito. "Rain Mallari and Christopher Mallari." Pagbigkas ko habang tinitignan ang mga litratong nandito sa kwarto ko.

Para walang maging sagabal sa akin sa paghahanap ko sa mga totoong magulang ko, pinatay ko ang mga umampon sa'kin. Alam kong magiging sagabal sila kaya hangga't maaga ay mawala na sila sa mundong ito.

Habang natutulog ang mga umampon sa'kin sa kanilang kwarto ay pinasok ko ito. Hawak-hawak ko ngayon ang isang kutsilyo na tatapos sa kanilang mga buhay. "Anak, anong ginagawa mo?" Narinig kong nagising si Mama.

Hinahanap ko ang ebidensya na magpapatunay na inampon nila ako ngunit sa kasamaang palad ay nagising pa si Mama. Maagang matatapos ang buhay mo Mama.

"Ah, Ma. Wala po." Sagot ko sakaniya. Lumapit at tumabi ako sakanya. "Thank you po sa lahat, Ma. Highly appreciated po lahat ng ginawa niyo para sa'kin. Ngunit, ngayon po, magpa-alam na kayo sa mundo." Sabi ko dito. Gumuhit naman sa aking mga labi ang matatamis na ngiti.

Agad kong tinurok nang mangilang beses ang hawak-hawak kong kutsilyo sa kaniyang t'yan. "Anak..." rinig ko pa nitong sabi.

"Paalam, Ma. Hanggang sa pangalawang buhay." Tinurok kong muli ang hawak-hawak kong kutsilyo sa kaniyang t'yan na siya namang nagpalagot sa hininga ng Mama ko na umampon sa'kin.

Agad kong nilinis ang kutsilyo gamit ang aking mga labi. Kay sarap pala tikman ng dugo.

Habang patuloy ako sa paghahanap ng ebidensiyang magpapatunay sa'kin na ampon ako, narinig kong sumigaw si Papa. "Asawa ko!!!" Sigaw nito. Agad ko itong tinignan ng masama.

"Anong ginawa mo sa mama mo?" Tanong nito. Agad ko namang nilabas ang kutsilyo na hawak ko. "Ngayon, magpaalam ka na rin sa mundo." Sagot ko dito. Gumuhit muli ang pilyong ngiti sa aking mga labi.

Ituturok ko na sana ang kutsilyo na hawak ko sakaniya ngunit agad niya itong nahawakan. "Ano ba ang ginagawa mo?!" Pasigaw nitong sambit.

'Di ako sumagot at nakipag-agawan na lamang sa kutsilyo na aking ginamit upang mapatay ang aking ina.

May ilang minuto rin kaming nag-agawan ni Papa sa kutsilyo na aking dala-dala. Ngunit, sa huli. Ako ang nagwagi at agad na tinarak ito sa kaniyang leeg.

Ngayon, wala nang sagabal. Kailangan ko nang hanapin ang ebidensiyang kailangan kong hanapin.

Tumagal ng ilang minuto at nahanap ko na rin ang aking hinahanap. Agad kong hinugasan ang kutsilyo na aking ginamit upang mapatay ang mga umampon sa akin.

Agad akong tumawag sa mga pulis upang pumunta dito sa aming bahay. Kailangan kong magpanggap na hindi ko alam ang nangyari.

"Hello po, mamang pulis. Yung mga magulang ko po-- naki...ta ko--pong nakabulagta dito sa kani--lang kwarto." Hagulgol kong sabi.

"Kumalma ka, bata. Saan ka ba nakatira?" Sagot nito.

Agad ko namang sinabi ang aking tirahan. Ilang sandali pa ay nakita kong nasa labas na ang kanilang kotse. Kunwari ay hinawakan ko ang aking mga magulang habang umiiyak.

Naramdaman kong nasa pinto na nang kwarto ang mga pulis. "Ano ang nangyari dito, bata?" Tanong nito. Agad naman akong nag-isip ng palusot para mapagtakpan ang sarili ko.

"Nakita ko na lamang po sila nakahandusay dito sa kwarto. Hindi ko po alam ang gagawin kaya agad ko po kayong tinawagan." Pagpapaliwanag ko dito. "Osige bata, maupo ka nalang sa kama at kukunin namin ang iyong mga magulang." Saad nito.

* End of Flashback *

Agad ko namang naalala ang mga ginawa ko sa mga umampon sa'kin. Ngayon palang, nalalasap ko na kung ano ang lasa ng dugo nitong si Kyle.

"Actually, same as you, ampon lang din ako. Pero maagang nawala 'yung parents ko. Namatay sila sa mismong bahay namin. Pinatay sila gamit daw ang kutsilyo sabi ng mga pulis. Hanggang ngayon, wala pa rin silang lead kung sino ang pumatay sa mga parents ko." Malungkot kong tugon kay Kyle. Naiinis na ako. Nahihirapan na akong umarte dahil sa bwisit na 'to.

Lumapit ito sa'kin at niyakap ako. "Sorry, I didn't mean to open that." Wika nito.

Agad naman akong napayakap sakaniya. Inamoy ko ang kaniyang leeg. Fuck-- heaven. Mukhang masarap ang dugong makukuha ko dito sa gunggong na ito.

Dahan-dahan siyang bumalikwas sa pagkakayakap sa'kin. "Sana okay lang na na-open ko 'yang ganyang issue mo. Sorry ulit." Wika nito na may lungkot sa kaniyang mga mata.

Kung alam mo lang ang totoong nangyari, 'di ka maaawa sa'kin. "Ayos lang. Matagal naman na iyon." Sagot ko dito.

Bumalik na agad siya sakaniyang ginagawa na pagliligpit ng aming mga pinamili.

"Your blood makes me feel loved." Pabulong kong sinambit sa hangin habang nakatitig sa taong nasa harap ko-- si Kyle.

To be continued...

The Blood of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon