Kyle's POV
Kumalat ngayon sa school ang pagkamatay ni Maxine sa loob mismo ng C.R. ng school. Wala nang pinili ang mamatay na 'yon at C.R pa siya pinatay. Kalat din na bago ito kitilan ng buhay ay nagawa pang makipag-talik nito. Dahil sabi sa imbestigasyon ay may similya ang kaniyang maselang parte. Ilang beses din daw itong sinaksak ng paulit-ulit.
Narinig ko ring may saksi daw ngunit 'di niya kilala ang pumatay dito. Inilarawan niya na lamang daw niya ito sa mga pulis.
Nang matapos ang klase ay agad na akong dumiretso sa dorm at naghanda upang umuwi sa bahay namin. Gusto kong makausap sila Mama at Papa sa mga nangyaring ito kahit pa alam kong mag-o-over act sila.
• • •
Pinindot ko na ang doorbell para ako ay pagbuksan ni Manang Jana. Batid kong wala pa sina Mama at Papa dahil ito ay nasa trabaho pa. Mangilang pindot pa sa doorbell nang pagbuksan ako ni Manang.
Agad na akong pumasok kasama si Manang. Bigla kong naalala na tanungin kung sino ang pumatay kila tita at tito dahil alam kong may lead na ito sa mga pulis. "Manang, about po doon sa pumatay kila tito at tita, sino nga po ulit 'yon?" Tanong ko rito.
"Nung una ay namukhaan ko lamang ito. Ngunit, nang makita ko siya at nakasama ay nakilala ko na ito. Kyle... gusto kong itago mo muna ito gaya ng pagtago ko dito. Dahil 'di pa ako handang tumistigo sa korte." Pangunang sabi ni Manang Jana. "Opo, Manang." Sagot ko dito.
"Matagal mo na siyang kilala, Kyle... ngunit, 'di mo lang kaya buoin ang mga nangyari dahil ikaw ay bata pa." Wika ni Manang.
Nagtaka ako. Matagal ko nang kilala? Marami akong matagal ng kilala. Tsaka buoin ang mga nangyari? Bakit ano ba ang mayroon? Isip-isip ko.
"Sabihin niyo na po, Manang. Please..." pamimilit ko.
Nakita kong humugot pa ito nang malalim na hininga bago sabihin kung sino ang pumatay kina Tita. "Si--" pabitin nito.
"Sino, Manang? Sabihin mo na." Sambit ko. Bumibilis na ang tibok ng puso ko. Gustong-gusto ko na malaman kung sino ang pumatay kila tita.
"Si-- si Jonathan, Kyle. Si Jonathan!" Bulyaw nito.
Bigla naman akong nabigla sa kaniyang sinabi. Mabait si Jonathan. Bakit niya naman magagawa iyon?
"Totoo pa ba iyan, Manang? Baka nagbibiro ka lang ah!" Sagot ko rito.
"Hindi mo ba napapansin, Kyle? Lahat ng malalapit sa'yo ay pinapatay niya. Una, si Jake--" nagulat ako sa sinabi nito. Si Jake? Napatay siya ni Jonathan? Paano?
"Hindi ba, si Jake ay namatay sa car accident? Siya ang may kagagawan n'on. Pangalawa, sila madam Johanne at sir Alex. Pati ako, pati ako, Kyle. Muntik na. Tinakot pa ako nito nang pumunta siya dito kaya hindi ko nasabi sa'yo agad ang lahat. Naging piping bulag ako sa lahat. Naalala mo ba nung sinabi ko na nagkamali lang ako? Hindi, Kyle. Hindi. Tinakot lang niya ako noon." Maluha-luhang wika ni Manang.
"Ngayon, handa na akong sabihin sa'yo 'to dahil wala na akong oras. Baka patayin niya na ako." Wika nito. Umiiyak na ngayon si Manang kaya naman niyakap ko ito.
"Manang, paano niyo po nalaman na si Jonathan ang pumatay kay Jake?" Tanong ko rito. "Pinakita ng mga pulis sa akin ang na-sketch nila mula sa paglalarawan ko. Pero 'di ko akaling makikita ko siyang muli..." Sagot nito.
Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Jonathan. Ngunit, bakit? Ano ang dahilan?
"Manang, may iba ka na po bang pinagsabihan nito?" Tanong ko ulit kay Manang. "Wala pa. Ikaw pa lang." Sagot nito.
BINABASA MO ANG
The Blood of Love
Mystery / ThrillerBuong buhay ni Kyle pakiramdam niya ay malas siya sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng mga taong nag-mamahal sakaniya. Ngunit, limit sa kaniyang kaalaman na may isang taong nagna-nais umangkin sa kayamanan ng pamilya nila. Matagal na itong nagmamasid...