Epilogue

8 1 0
                                    

Ilang taon na ba ang nakalipas?

Isa..

Dalawa...

Tatlo...

Tama, tatlong taon na simula nang mapatay ko ang demonyong si Jonathan. Nang dahil sakaniya kaya ako nakakulong ngayon.

Hindi ko pa rin lubos maisip na magagawa ko ang mga bagay na 'yon-- ang pumatay ng tao. Ngunit, alam kong nagawa ko lamang iyon sa lahat ng nagawa niya.

Mula noon, dito na ako nabuhay sa kulungan. 'Di ko na natapos ang pag-aaral ng dahil sa lalaking 'yon. Hindi ko na natupad mga pangarap namin ni Jake.

Kala ko makakasama ko na siya. Nakakatawa lang dahil isang beses ko lamang pala naitarak ang kutsilyo sa aking t'yan. Kaya nabuhay pa ako. At ito ako ngayon, nakabilanggo.

Tinanggap ko na rin ang kapalaran kong ito. Dahil dito, naramdaman ko din na may pakialam sa'kin ang mga magulang ko. Hindi nila ako sinisi. Hindi rin nila ako itinakwil.

Ako ang pinaniwalaan nila dahil alam nilang tama ako. 'Di lang din nila lubos maisip na ganoon na lamang ang kagustuhan ni Jonathan sa kayaman na mayroon kami. Mali, nila pala. Dahil 'di naman ako tunay na anak.

Nalaman ko rin kung sino ang aking mga tunay na magulang. Kaya naman hindi ako nagsisi na mapunta sa lugar na ito. Bagkus ay nagpapasalamat pa ako.

Simula ng araw rin na iyon, hindi na ako nagtiwala pa sa mga taong nakakasalamuha ko. Malay ko bang magkaroon din sila hidden plans para sa'kin. Takot na ako.

Natakot na rin akong sumugal sa pag-ibig. Mabuti na lamang at hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal ko kay Jonathan.

Nakakatakot kasing sumugal sa pag-ibig na wala kang kasiguraduhan kung mananalo ka o hindi.

Nakakatakot ding magtiwala sa mga taong kahit lagi mong kasama ay gagawan ka pa rin nito ng masamang mga plano.

Napasinghap na lamang ako, "Mallari, may bisita ka." Wika ni mamang pulis.

Agad na akong tumayo dahil alam kong sila Mama at Papa 'yon. Sila lang naman ang bumibisita sa'kin mula nang makulong ako dito.

Nagtataka naman ako dahil 'di ko makita ang mga magulang ko. Sino naman ang bibista sa'kin? Agad namang binitawan ni mamang pulis ang kamay ko. "Ayan na ang bisita mo." Wika ni manong.

Sa porma nitong itim na pantalon at pantaas, aakalain mo talagang may angking kagandahan ang mga pangagatawan nito.

Mula sa pagkakayuko nito, nakita ko ang mala-anghel nitong mga mukha. Ang mukhang matagal ko na gustong muling makita. Ang taong siyang nagparamdam sa'kin ng tunay na pagmamahal kahit na ganito pa ako. Ang taong una at huli kong minahal.

Napabulong nalang ako sa hangin dahil 'di ko inakalang muli ko siyang makikita. Inakala kong patay na siya. Ngunit, tignan mo. Nandito siya sa harapan ko. Binisita ako mula sa aking pagkakabilanggo.

"Jake..."

End.

The Blood of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon