two.

49 5 8
                                    

"Ano ba!!" Sigaw ko sa mga tropa ko dahil binato nila ako ng unan. Nag talunan naman sila sa kama na hinihigaan ko kaya wala na kong choice kundi gumising.




"Baka may balak kang mag kwento?" Bungad ni Ali sakin.



Hindi pa nga ako nakakapag mumog hino-hotseat na agad ako ng mga bruha na to. Agad akong dumiretso sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush tsaka bumalik kung nasaan ang mga tropa ko. Nakita ko silang naka upo sa kama at halatang naghihintay ng kwento ko.




"Sabi ni Cj tagal mo daw nakatitig kay Sol kagabi ah? type mo ba? Gusto mo ireto kita?" Sambit ni Ali.




Inirapan ko lang si Ali at napatingin sa Chian na pumasok sa kwarto. "Breakfast is ready, kumain na muna tayo bago gisahin si Luna," Tawa nya at pumunta na nga kami sa Dining para kumain.




After we ate our breakfast, Nagsalang si Reiah ng movie sa Netflix. "So Luna, ano na? Magkwekwento ka ba?" Lingon nya sakin pagkapili ng movie.




"Una kasi kaming nagkita ni Sol sa simbahan ng AdU kahapon bago ako pumasok sa school. Nahuli ko syang nakatingin sakin tapos nginitian nya ko." Kwento ko. Halata namang intrigang intriga sila sa kwento ko dahil nakatingin silang lahat sakin .




"Di ko naman ineexpect na mamemeet natin sila sa bar.Di ko rin ineexpect na kilala sila ni Ali." Patuloy ko. Matapos kong ikwento ang lahat ng nangyari kagabi ay agad akong binato ng unan ni Alix.




"Girl, crush mo siya!" Dugtong nya. Inirapan ko lang sya.


"Hindi no!! Ang ganda lang ng ngiti nya!" Depensa ko naman.




"Luna, Halatang halata ka na wag mo na i deny." Dagdag ni Cj.




"Follow mo na siya sa social media niya dali!!" Dagdag ni Ali. Sabay enumerate ng social media accounts ni Sol at nanood na sila ng movie sa Netflix.




Una kong tinignan ang Instagram nya.

@sol_c

0 posts 300 followers 100 following




Ano ba yan, Wala namang ka post post e. Sunod kong vinisit yung Facebook nya.




Sol Cruz.




Naka white button down polo shirt lang sya na naka unbotton lahat ng buttons at board shorts. Naka suot lang sya ng sunglasses at may bandana sa ulo para hindi mapunta yung buhok nya sa mukha nya. He was just looking at the view. It looks like he's on a cruise ship.




Wala din syang cover photo as well as featured photo. Wala din akong makitang photos nya. Aba naka private ang Facebook. Sumunod kong tignan ang twitter nya. Di na ko nabigla dahil naka private din ito.




@sol_c
future chem eng.

50 following  300 followers




Syempre di ko sya finollow dahil ayoko gumawa ng  first move no. Binaba ko na ang phone ko at nanood nalang ng movie. We are currently watching dead kids nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko naman ito at napasigaw sa gulat.




@sol_c followed you.




Agad na napatingin sakin ang lahat ng kaibigan ko at tinanong ako kung bakit ako napasigaw bigla e di naman horror pinapanood namin.




"Si Sol kasi, finollow ako sa twitter." Sambit ko sa kanila. Pinagbabato naman nila ako ng unan dahil sa inasta ko. Binato ko rin sila pabalik ng mga unan.




"Dalaga na si Luna!!" Sigaw ni Alix. Nagsigawan din ang iba at napailing nalang si Chian sa amin. Napatawa nalang ako sa mga kagaguhan ng tropa ko.




"Finollow lang naman ako sa Twitter, bakit nyo binibigyan ng malisya?" Sabi ko sa kanila nung kumalma na kami.




"Uhh duh nabanggit ni Isaac sakin non na hindi basta basta nag fo-follow si Sol ng kung sino-sino sa mga social media accounts nya no! Special ka girl" Sambit ni Ali saken sabay kurot ng pisngi ko. Agad ko namang inalis ang mga kamay ni Ali sa pisngi ko dahil masakit kaya.




Hinawakan ko ang phone ko at pumunta sa twitter, Finollow back ko si Sol bago ituon na ulit ng pansin ko sa movie.




Nakabalik na kami sa dorm namin at nakahiga na ko sa kama.




Magkasama kami ni Alix sa dorm dahil since junior highschool close na kami. Simple lang naman tong dorm namin. Merong dalawang single bed at dalawang study table. Meron kaming sariling Cr, aircon, at kitchen. May ref din kami at microwave.




Abala si Alix sa laptop nya kaya napagpasyahan ko nalang na i-stalk si sol sa Twitter. Nakita ko na may mga song covers sya kaya I grabbed my earphones ang played the videos.




Madilim lang ito at tanging boses lang ni Sol ang maririnig mo. Una kong pinakinggan yung cover nya ng Marilag by Munimuni, Ito kasi ang favorite song ko di ko naman ineexpect na i cocover nya to.




Habang pinakikinggan ang mga boses ni Sol habang kumakanta ay hindi ko maiwasang mangiti dahil napakaganda ng boses nya.




Di ko na namalayan na unti-unti na kong nakatulog habang nakikinig sa boses nya.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon