four.

33 6 6
                                    

"Luna, free cut tayo ngayon ah. May lakad ka ba?" Tanong ni Alix sakin. Parehas kasi kaming Bs Pharma yung course plus magkaklase pa kami kaya kami yung madalas na magkasama.



"Wala, ikaw ba?" Tanong ko sa kanya habang kumakain ng siomai dito sa may tambayan namin.




"May ime-meet ako e." Sabi nya sakin sabay ngiti. Typical Alix.




"Uwi nalang siguro ako sa dorm." Sabi ko sabay tayo.




"Bye Luna!!" Sigaw ni Alix sakin




"Bye Alix, ingat ka! Love you!!" Sambit ko sabay lakad palabas ng campus.




Naglalakad ako ngayon sa may AdU, dito kasi ako dumadaan kasi malapit to sa dorm namin nang biglang tumunog ang phone ko.




@sol_c sent a message.




Agad ko namang in-open ang phone ko at chineck and DM ko sa Twitter.




(Look behind you.) Message nya sakin. Napangiti naman ako ng konti bago lumingon sa likod ko.




Nakatayo siya don, naka uniform pa at nginitian ako ng maliit tsaka lumapit sakin.




"Aga naman ng uwi mo?" Bungad nya sakin.




"Free cut e." Sagot ko naman. "Oh talaga? Same!! Kami din e." Sambit nya. Nginitian ko lang sya.




"Uhm, tara kain? May alam akong masarap na street foods dito." Aya ni Sol sakin. Pumayag naman ako dahil nag crave ako ng street foods ngayon.




Pag ka bili namin ng Sol ng Pagkain ay naupo kami sa table malapit don. Bumili lang ako ng kwek kwek at kikiam tsaka avocado shake. Si Sol naman ay bumili ng Fishball at mango shake.




Nag take lang ako ng boomerang para i post sa ig story nang biglang sumingit si Sol sa boomerang. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tumawa.




"Ipopost ko to sa ig story ko e." Sambit ko sabay tawa. "Follow mo ko para ma mention mo ko." Sabi ni Sol habang kumakain ng fishball. Sinave ko muna yung boomerang at tsaka finollow si Sol, agad nya namang inaccept yung follow request ko kaya na mention ko sya sa ig story ko.




Nilagyan ko lang ng gif yung ig story tsaka ko pinost. Ang sarap ng kain ko sa kwek kwek nang mapatingin ako kay Sol na kinukuhanan ako ng picture.




"Hoy ano ba! Di ako prepared! Isa pa!" reklamo ko sa kanya. Tinawanan nya lang naman ako.




"Boomerang lang naman 'to, okay na yan." Depensa nya sabay post ng ig story nya. Inirapan ko lang sya. Hay nako baka ang panget ko don. Ugh! Bahala na.




Pagtapos naming kumain ni Sol ay hinatid nya na ako pabalik ng dorm. "We should hang out more often." Ani nya sabay kamot ng batok, halatang nahihiya.




"Sabihin mo lang kung gusto mong kunin number ko di yung dami mo pang sinasabi." Biro ko sabay tawa.




"Can i get your number then?" Sagot ni Sol sabay abot sakin ng phone nya. Tinype ko naman yung numbers ko don at nilagay yung pangalan ko with moon emoji as contact name. Binalik ko kay Sol yung Phone nya. Tinawagan nya naman yung number ko para ma save yung number nya.




I put "sol🌞" as his contact name. we bid our goodbyes at umalis narin si Sol. Pag akyat ko sa dorm ay nagulat ako nang makita ko don si Alix.




"Kala ko may imemeet ka?" Bungad ko sa kanya. "Kala ko dito ka na didiretso? Nakita ko ig stories nyo ni Sol ah." Balik nya sakin sabay tawa. "Dalaga na tropa ko!!" Sigaw nya sabay bato sakin ng unan.




Nagluto lang ako ng dinner for us dahil nag crave daw si Alix ng Adobo ko. We peacefully ate our dinner while we talk about our day. "Basta ingatan mo yang puso mo ha, ayokong nasasaktan bestfriend ko." Sabi nya sakin. Napangiti naman ako at napatango sa kanya.




"Ikaw din, Malandi ka pa naman." Biro ko sabay tawa. Nagtawanan lang kami ni Alix at nag advance reading para sa lessons namin bukas. Pagkatapos namin mag basa ay nahiga na kami. I decided to open my instagram at bumungad saken ang first post ni Sol sa Ig.




It was the place where we ate earlier, he put "happy place🌙" as caption. Napangiti naman ako at ni-like yon. Pumunta ako sa twitter para mag tweet ng nararamdaman ko. Twitter talaga ang diary ko. I tweeted "I had fun with you, I hope we can get along well🌞" and then i put my phone back to the side table and slowly drifted to sleep.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon