three.

36 5 4
                                    


Mabilis lang ang mga araw. Friday nanaman. Sabi ni Ali samin kahapon ay may mini celebration daw sa condo ni Isaac dahil kakatapos lang ng Hell week nila.




Nandito kami ni Ali sa condo ni Reiah dahil as usual, sabay sabay kaming pupunta don. Di makakasama si Chian at Cj dahil uuwi sila sa kani-kanilang probinsya ngayong weekend.




Nagsuot lang ako ng Plain black Sleeveless dress na above the knee at black heels. Nagsuot lang din ako ng gold accessories at light make up. Kinulot din ni Alix ang buhok ko para maiba naman daw at para mapansin ako ni Sol.




Alix was wearing a little tight black dress which emphasize all her nice features and black heels. While Ali was wearing a little white dress and black heels.




Sumakay kami sa kotse ni Ali at pumunta na kami sa condo ni Isaac. Sinalubong kami ni Nicole na may hawak na red cup at medyo lasing na. Agad naman naming nakita si Isaac na naglalaro ng beer pong, kakampi nya si sol at kalaban naman nila si Sean at Xavier.




Napabaling ang atensyon samin ng apat nung lumapit kami ni Alix sa beer pong table nila.




"Nice party! Congrats sa pag survive nyo sa hell week," Bati ni Ali. Si Alix naman ay dumiretso na sa bar at kumuha ng drinks.




"Glad you guys made it, inom lang kayo diyan tapos laro tayo ng beer pong," Aya ni Isaac.




"Talagang hinahamon mo kami? E nasa amin ang ace," Sabi ni Alix sabay turo sa akin. Hinatak ko naman ng mahina ang buhok nya.




"Kala nyo kayo lang may ace? Kami din kaya," Sabi ni Isaac sabay turo kay Sol.




"Tabi nga pre, pag laruin natin si Ali tsaka si Luna," Sabi ni Isaac kay Sean at Xavier. Gumilid naman ang dalawa at uminom nalang ng alak nila.




Nginitian ako ni Sol at nginitian ko nalang sya pabalik bago mag umpisa ang laro.




"Oh pano ba yan? Panalo kami!" Sambit ni Ali sabay akbay sakin. Tinawanan ko nalang sya.




"Pinanalo lang namin kayo kasi babae kayo," Depensa naman ni Sol sabay inom ng alak.




Umupo ako sa couch dahil masakit na ang mga paa ko. Uminom nalang ako ng alak habang kumakain ng pulutan sa table. Naupo si Sol sa tabi ko at nakikuha ng pulutan.




"How's the party so far? Ayaw mag invite ni Isaac masyado dahil mahirap daw maglinis kaya tayo tayo lang nandito," Sabi ni Sol sabay inom ng alak.




"Okay lang, masaya naman. Ayaw ko din minsan ng masyadong maraming tao," I told him while taking a shot from my drink.




Inaya ako ni Sol sa Balcony ng Condo ni Isaac dahil masarap daw hangin don. Nag kwentuhan lang kami about life and sa mga kanta nya na napakinggan ko.




"Hobby ko lang talaga kumanta, pantanggal stress lang ganon," Sabi nya.




"Napakaganda ng boses mo," Sabi ko sabay inom ng alak.




"Really? Thankyou," Sambit nya at natawa pa ng mahina sabay inom din ng alak.




"Bakit Sol Pangalan mo? Ang unique naman," Tanong ko sakanya habang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin.




"Short for Prince Solasta, ayoko kasing tinatawag ako na Prince. Ayoko rin na tinatawag ako na Solasta. Kaya Sol nalang. Tsaka nung pinanganak ako e may total Solar eclipse," Paliwanag nya. "Ikaw, Bakit Luna?" Dagdag nya.




"Real name ko si Luna Katherine. Pero walang tumatawag sakin na Katherine. Tsaka katulad mo, nung pinanganak naman ako e may total Lunar eclipse. Ang galing no para tayong destined for each other," Sambit ko sabay tawa. Napatingin naman sakin si Sol at nangiti.




"Baka nga," Mahina nyang bulong. "Ano?" Tanong ko kahit medyo narinig ko yon, gusto ko lang marinig ulit. "Wala. Tara na sa loob," Pag aya nya sakin.




Naglaro ulit kami ng beer pong at nakipag kwentuhan kay Nicole, since junior highschool pala e ka tropa na nya si Sol,  para na daw syang nanay ng tropa nila dahil sya lang ang babae. Nagtatawanan kami nila Nicole ng ayain na ko ni Alix umuwi.




We said our goodbyes to each other. "Bye Luna, see you when I see you," Sambit ni Sol bago kami tuluyang umalis nila Ali.




Pagkauwi namin ay Nag linis lang kami at natulog na.




"Naniniwala din ba siya sa destiny?" Sambit ko sa sarili at tuluyan nang natulog.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon