twenty-nine.

22 3 15
                                    

"Bakit naman kasi the day after our anniversary yung flight na bi-nook mo?" I asked him as I placed the food on the table.


He just looked at me and gave me an apologetic smile, "Iyon nalang kasi yung may bakante pa, lahat fully booked na." I just sighed as we started eating.


"Hey don't be sad, we have enough time pa to celebrate our anniversary. May 4 days pa ako babe." He said as he tried to give me a genuine smile, but I can see the opposite in his eyes. Halatang malungkot sya.


4 days. Apat na araw nalang ang natitira? Napakadaya naman pala talaga ng panahon. Handa na ba ako? Kailangan ko ba talaga syang pakawalan?


"We can go to Sagada again, tutal doon naman kita sinagot noon." I said as I tried to lift the atmosphere up. "Sure, Let's go there tomorrow." Sol said as he finished his food.


Dahil nga biglaan itong trip namin, nag ayos na ako ng mga dadalhin namin. Isang gabi lang naman kami doon kaya konti lang ang dala namin.


Umaga na kami umalis ng Manila para abutan namin ang sunset sa Sagada. I took a lot of photos dahil nga ito na ang huling roadtrip namin. We tried to forget the sad thoughts, we decided to enjoy the remaining moments.


Sakto malapit na mag sunset noong naka akyat kami sa Sagada, We set up the tent quickly para mapanood namin yung sunset.


"Tapos nanaman ang isang araw." Sol said as he rested his chin on the top of my head. I'm trying my best to hold back my tears kaya naman nag take nalang ako ng photos.


"I love you, Luna." Sol said as his voice broke. Hindi ko narin napigilan ang mga luha ko. I broke down in tears. Humarap ako kay Sol at niyakap sya ng mahigpit.


"I love you so much, Sol." I said as I continue to cry on his chest.


"You'll always be my home Luna, always remember that."


Hindi na ko nakapag salita at umiyak nalang ako ng umiyak. Kasabay ng pagkadurog ng puso ko ang tuluyang pagbaba ng araw. Hanggang sa nabalot na ng kadiliman ang paligid.


We decided to lay outside, to watch the moon and the stars.


"Ang ganda ng buwan ngayon." He said as he raised his hands, acting like he can touch the moon. Napabaling naman ang tingin nya sakin noong narinig nyang humihikbi ako


"Should I cancel my flight?" He said.


As much as I want him to stay with me forever, I can't do that. It's his responsibility to manage their company sa Australia, and also sa kanya 'yon pinagkatiwala ng parents nya.


"No. Don't do that because of me." I said as I tried to give him a smile. He then pulled me into a hug, at tuluyan nanamang bumagsak ang mga luha ko. We stayed like that for a while.


"Tulog na tayo baby." He said. Kaya naman pumasok na kami sa loob ng tent. He sang me a song while slowly caressing mg hair as I cried myself to sleep. I used his voice as my lullaby.


"Huwag kang matakot, Hindi mo ba alam nandito lang ako, sa iyong tabi hindi kita pababayaan kailanman." He softly sang.



I hope we can stay like this forever. But we can't. Kakayanin ko bang numingning nang wala ka? You're the one who brought color to my world, and the one who gave light to my life. Ikaw ang nagbibigay init sa mga gabing malamig. Paano na ang mga gabi ko kung wala ka?


"Love, wake up. We're gonna watch the sunrise." He softly said. I opened my eyes to the sight of the man that I truly love.

Sabay kaming lumabas ng tent. Bumungad sa amin ang araw na dahan-dahang umaangat. As always, we took photos for memories. Nakayakap lang sa akin si Sol habang pinapanood namin ang pag angat ni haring araw.


EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon