five.

26 4 14
                                    

Weeks passed and lalo kami naging close ni Sol, almost everyday magkasama kami. I feel happy when I'm with him. Napapansin din ng mga kaibigan ko na iba ang saya ko kaya support lang nila ko.




Tahimik lang akong na tu-twitter nang biglang mag text sakin si Sol.




sol🌞: Luna this might sound crazy but, let me court you.




Agad akong napatalon sa kama at nagulat naman si Alix sakin. "Hoy Luna anong nangyari? Okay ka lang? May ipis ba?" Sunod sunod na tanong nya sakin.




"Nag-text si Sol, liligawan nya daw ako." Sambit ko sabay talon sa tuwa.


"Finally, he asked you formally." Sabi ni Alix. Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Pansin na pansin na namin matagal na, halatang halata na may gusto sayo si Sol. Di ko ba alam bakit ayaw nyang gawing official. Finally he had the balls to ask you." Dagdag nya sabay inom ng milktea nya.




sol🌞: Luna? Okay ka pa? Tara alis tayo, I'm taking you somewhere.


Text ulit ni Sol. Hindi ko pala siya agad nareplyan agad dahil sa kilig.




luna🌙: I'm okay, Sige sunduin mo nalang ako dito. Gagayak lang ako, see you, Sol.


Reply ko at dali daling nag bihis at nag ayos.




I'm wearing a pastel pink crop top and high waist pants with some white sneakers. I also put my necklace and some earrings. I put a light makeup on and also put my hair up in a ponytail.




Sol texted me at nasa labas na daw sya. Nagpaalam ako kay Alix at binilinan nya ko na mag ingat. Pagbaba ko ay bumungad sakin ang white na Ford Mustang, naka sandal don si Sol na naka white shirt and black shorts with white sneakers. Nakasuot din sya ng gold necklace nya.




Nginitian ko sya pag kita nya sakin and I gave him a hug. "San tayo pupunta?" tanong ko. "You'll know when we get there." Sambit naman nya at pinagbuksan ako ng pintuan. He also went to the other side of the car to get into the driver's seat.




Naki connect ako sa speaker ng car nya at pinatugtog ang Marilag by Munimuni. "Ang ganda ng kanta na yan no?" Tanong nya sakin while being focused on the road. "Favorite ko 'to e," Sagot ko naman habang sinasabayan ang kanta.


Napatingin si Sol sakin at napangiti. "You have a nice voice," Sabi nya. "Duet tayo minsan," Dagdag nya pa sabay tawa. Nginitian ko nalang sya at tinanguan.




Nagulat ako nang makita ako ang signage na Tagaytay sa labas kaya agad naman akong napalingon kay Sol. "We're going to Tagaytay?" Tanong ko.




"Yup," Maikling sambit nya. Napangiti nalang ako at in-enjoy ang mga nakikita sa labas.




Huminto kami sa isang malaking bahay, Modern ang design neto at ang color pallete ay black, white, and gray. Bumaba si Sol sa kotse at lumipad sa side ko para pag buksan ako ng pinto. I gave him a smile at bumaba na rin ng sasakyan.




"Sainyo to?" Tanong ko.


"Yup, kaso wala namang madalas nakatira dito kaya empty tignan yung bahay," Sabi nya habang nililibot namin ang tingin namin sa bahay. May pinindot syang switch which made the backyard lit up.




He prepared something for me, Mayroong nakalatag na picnic mat at may picnic basket don. Meron ding sunflower boquet na inabot si Sol sakin. Siguro tinanong nya si Ali kung ano favorite kong flower.




Naupo kami ni Sol sa picnic mat habang pinagmamasdan na dahan dahan lumubog ang araw. Kinain na rin namin ang foods na nasa picnic basket.




"Ang ganda ng sunset no?" Sabi ko sa kanya while staring at the sun slowly setting. "Oo nga, ang ganda," He said while staring at me. "Lulubog na Si Sol at si Luna naman ang papalit," Dagdag pa nya. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti. He slowly leaned in to give me a slow passionate kiss. The kiss lasted for a while and then he pulled me for a hug.




"Thankyou for giving me a chance to prove myself to you, My Luna," Sambit nya habang nakayakap sa akin. "Anything for you,  Sol," Sagot ko sa kanya. We had few drinks at nung napansin ni Sol na nilalamig na ko ay inaya na niya ako na pumasok sa loob.




Kinuha nya ang mga gamit namin sa kotse at tsaka ako nag linis ng katawan at nagbihis. Dalawa kasi Cr dito kaya pag punta ko sa kwarto ay nandon na si Sol. Tinabihan ko naman sya kaya binaba nya na ang phone nya sa side table tsaka ako niyakap.




"Ano plans mo after college?" Tanong ko sa kanya. "My parents will send me to Australia, para mag lead sa company namin don." Sagot nya sakin. Aalis din pala sya. Iiwan din nya ko. Parang Araw. Lulubog din sya, aalis din sya.





Nakatulog akong iniisip ang mga katagang sinabi ni Sol sakin.

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon