Chapter 2

852 31 0
                                    

Bob's POV

Meet the COFFEE GUY.

"Hey Bob, I heard you bump into a beautiful young lady! " bungad ng tsimoso kong pinsan na si Kenji. "Hindi nga tol? Maganda talaga? " tanong ulit nito. Saan ba kasi nito nasagap ang balitang yan... bilis naman yata.

"Wait, san mo ba nasagap yan? "di na ko nakatiis tinanong ko na talaga. Ngingiti ngiti pa tong inabot sakin ang celphone nya. It was a video of me, and that "MASUNGIT GIRL". Pero ang bilis naman nung nakapag video nun...
"Teka teka, san mo naman nakuha yan?" Nag aalalang tanong ko.

Tinapik nya ko sa balikat. At ngumiti, "Don't worry tol, Si Sam nag video nyan kanina. Magkasama kayo sa Coffee shop diba? " Ou nga pala naalala ko na, Papasok pa lang Si Masungit Girl sa Coffee shop bago kunin yung kape in-Order ni Sam ay naka ready na ang video record nito. Loko talaga tong mga Pinsan ko. Buti nalang di ako gaya ng mga to.

"Uhh no, hindi nya to in. upload kung saan saan. kaya don't worry Hindi mapapahiya ang mystery girl mo. " Ani kenji ng mabakat nya ang pag aalala sa mukha ko. Hindi naman kasi makakabuti kung iba viral pa yung video na yun. Hindi sa inaalala ko ang kapakanan ko. Alam kong bilang isang sikat na businessman sa bansa kailangan kong protektahan ang image ko. Pero mas nag aalala ako sa Masungit na babaeng natapunan ko ng kape sa coffee shop these early morning. Maganda sya, sexy, Maputi, nasa Tanyang 5'5 o 5'4 ang height. At nakakabuhay sya ng katawang lupa. Natawa ako ng sumagi yun sa isip ko., Muntik na. Muntik ko na syang punasan dahil sa pag papanic ko kanina. Kung nagkataon di lang yung taklesa nyang bibig aabutin ko. Malamang magugulpi di gulat ako ng wala sa oras.

"Bob! " tapik ulit ni kenji sa balikat ko.. "Nangyayari sayo? Ngumingiti ka mag isa dyan, naingkanto ka ba? o iniisip mo yung mystery girl mo? " biro ulit nito sakin. Lapad ng ngiti ng loko. Kala mo nanalo sa lotto, ganito talaga kaming magpipinsan para kaming magkakapatid kung magturingan. Sanay narin ako sa kakulitan ng mga to, Lalo na pag babae ang pinag uusapan.. Gaya na nga ngayon yung babae nanaman sa Coffee shop ang bida lagi sa usapan.

Pero ah, di talaga mawala sa isip ko ang mala dyosa nyang mukha. Sobrang sungit nga lang. Sabagay ikaw ba matapunan ng kape hindi mo rin naman ikatutuwa eh, Nakaka guilty tuloy sobrang nakaka guilty.

I went home early. Kailangan kong magpahinga, Galing kasi kami ng Palawan ni ng Pinsan kong si Sam., Business meeting, Balak kasi naming magpatayo ng Hotel & Restaurant dun. Hindi lang pang negosyo, pang Family purpose narin. Gustong gusto kasi ng family ko ang Palawan.

Hindi na ako nag dinner. Dumeretso na ako sa kwarto. Medyo masakit kasi katawan ko. Pagod yata sa byahe. Nahiga muna ako sa bed ko, Mayamaya na ko mag sa shower. I closed my eyes kahit wala pa akong balak matulog.

Napadilat ako. Someone's knocking at my door.

"Yeah, who's that? " tanong ko sabay bagong mula sa pagkakahiga.

"Kuya, its me. Denisse. " Si Denisse pala. Younger sister ko.

"Come in. " pagkasabi ko ay bumukas na ang pinto. Nakakaloko ang ngiti nya. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. She hug me. Ramdam ko may kailangan ito. Pagkabitaw nya sakin mula sa pagkakayap agad ko syang tinanong kung ano na namang kailangan nya.

Ngumiti ito. "Have you forgotten that tomorrow is the first day of school?" Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Bukas pala ang first day nito bilang College student. Na-late sya ng enroll, di nya kasi sure kung san nya ba talaga gustong mag college. At least now she picked the one of the most well-known university here in the country.

I smile at her, "No i didn't forgot Den. I already deposit your allowance in your account. Just call me tomorrow if you need anything else." Napansin kong umaliwalas ang itsura nito... Parang na relieved. Akala nya siguro makakalimutan yung allowance nya. Tumayo ito at nagkiss sa cheek ko bilang thank you. Lalabas na ito ng biglang napatigil. Lumingon sya sakin, Nag pout.

"Kuya, sinong maghahatid sakin tomorrow? "

"If you want, sumabay ka nalang sakin pagpunta kong office. "

"Okay. " mabilis nito sagot at lumabas na ng kwarto ko.

Pagkaalis ni Denisse ay nag shower na rin ako... Gusto ko ng matulog at magpahinga.

Sandy's POV

Maaga akong gumising. 2nd week of school and this is my last year in College. Kunti na lang gagraduate na ko.. And Sooner magiging Doctor na.. Napangiti ako sa isiping yung. This is it, I will make lola and Mommy proud. Lalo pa't nasa Dean's List ako. Kaya naman ibubuhos ko na ang lahat ngayong taon.

Nang bumaba ako, wala pa si lola at Mommy. Marahil ay tulog pa ang mga ito. Alam kong pagod din sila mula sa byahe kahapon. Kaya naman hindi ko na sila ginising. Nag beep ang phone ko. Message from Arriane, usapan kasi naming sabay kaming papasok. Kaya dadaanan ko pa sya sa kanila. Nag ayos na nga ako at nagtungo na kina Arrianne. Pag dating ko sa kanila nandun narin si Grace. Ready na silang pareho. Mas excited pa yata sakin tong mga to. akala mo naman nag aaral ng mabuti... haha.. Itchos. Nag aaral naman talaga kami ng maayos. Good influence kasi ako..

Nag unahan pa silang sumakay sa driver side. Mga may sapak talaga tong dalawang to.

"Ako na kasi sa front Yan. " Si Grace. Sumimangot naman ang mukha ni Arrianne at nginuso ang lips nitong Putok na putok sa lipstick.. Red na red.. Tinalo pa si Anne Curtis.

"No... " tanggi nito. "Do I need to remind you na dapat kaming dalawa lang ni Sandy ang sabay.? Bigla bigla kang sumusulpot dyan ehh.. " Pagsusungit nito kay Grace. Lagi kaming ganito. Pero I got used to it. Halos araw araw ba naman kaming magkakasama ehh. At yun ang real friends.. Nagsisigawan nagtatarayan, Nagsasabihan ng Negative and positive... Walang Plastikan. Lantad kami.. Kaya nga we're Bestfriends since grade school. Di narin kami ng hiwahiwalay.

"Grace, "napatingin to sakin. "Just let her... Wala namang pinagka iba yung front at back ehh... Tsaka matatagalan pa tayo dahil lang sa upuan. Eh kung ngda diet lang sana kayo para pwede kayong magsisikan sa isang upuan diba? "
Di na to sumagot sa halip ay lumipat na to sa back seat. Mga Bestfriend ko, may pagkaisip bata.. Sabagay we're just 21.. That only means hindi pa kami matanda...

Pagkasakay nilang Dalawa ay mabilis ko ng pinaharurot ang kotse papuntang school. Ayaw kong maabutan ng traffic. Ayaw kong ma-late.

Nakarating na kami sa school. Agad kaming bumaba sa kotse ni Grace habang si Arrianne nag reretouch pa yata. Iniwan ko na yung susi ng kotse sa kanya. Tagal nya ehh... On the way na kami sa main building ng school ng may biglang humintong sasakyan sa tapat namin... Mukhang may bababa lang naman. Siguro may Hinatid...

At yun tama nga ako. May bumabang girl. Mukhang Freshman, mas Bata to ng ilang taon samin. Iniwasan nalang namin to. Mukha kasing nag uusap pa sila. Nagulat ako ng naramdaman kong tinampal ni Grace ang braso ko. Napalingon ako sa gawi ng nginunguso nya sakin.

"Ano ba kasi yun? " Napatingin ako sa nag uusap. "Why? " tanong ko rito. At ngumuso ulit. "Bakit ba?" Napatigil ako sa paghakbang at tiningnan ulit yung Freshman student ( I guess ). Malaki ang pagkakabukas ng pinto ng kotse pero di ko talaga maintindihan tong si Grasya.

"Look.. " she said "Yung driver. hindi yung girl." Aga aga tsismusa...

"Why? who is she? "Tanong ko. kahit di ko naman talaga nakita. Nakaharang kaya yung girl. Tsaka ano naman sakin.? Hindi ako interesado sa kung sino man yan.

"The COFFEE GUY. " Bulong nito...

"huhhwHaaaaaaat??? " Sabay titiG ko, kahit di ko masyadong maaninag.. "Ohh Sh*t, sya nga yun. Lets go na best. " Hinawakan ko si Grace sa Braso at hinila na to palayo. Ayaw kong makita ako nung lalaking yun., Baka mamaya maalala nito yung kahapon at pagtawanan pa ko. At ayaw ko makita pagmumukha nun... Nakabadtrip lang. Dapat good vibes tong araw na to eh., mukhang hindi pa yata...

Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon