Chapter 28

421 16 0
                                    

Sandy's POV

Nagising ako at exactly 3:00AM. Agad akong nagtungo sa kitchen upang tulungan sa pagprepare ng mga kailangan ang mga kasama namin doon. Nakaready na ang coffees and sandwiches para sa lite breakfast. Nagpahanda rin ako ng Coffee thumbler para sa mga sasamang umakyat. Agad akong nagtungo sa kwarto ng mga kaibigan ko.

Ilang minuto rin ang tinagal bago ako pagbuksan ng pinto ni Grace. Namumungay pa ang mga mata nito ng dahil sa antok. Sunod kong kinatok sina Mom and Dad. Diba effective? Magkasama silang natulog kagabi. At sinunod ko na ang kina tita Lorraine at Tito Miguel. Pati narin ang iba pa.  And the last but not the least,kina Bob. Inangat ko na ang kamay ko upang kumatok ng biglang bumukas ang pinto nila. He was standing in front of me. At in fairness ready na sila. As in silang tatlo.

"Morning Sandy." Bati ni Sam na asa likoran ni Bob.

"Morning. May bread and coffee na sa dinning. Pwede na kayong magbreakfast. May sinangag din para sa mga gustong mag rice." Sabi ko sabay talikod na sa kanila. Sumunod naman sila agad at nagtungo narin sa dinning. Maya maya pa ay isa isa nang nagsibabaan ang mga bisita. Marami marami rin kami. Mahigit bente katao ang aakyat kasama namin. Magiging masaya to. Habang kumakain ay diniscuss ko na sa kanila gagawin namin buong araw sa bundok. Aakyat, Magluluto, kakain, magka camping, pwedeng maligo sa batis. May batis na madadaanan bago marating ang tuktok nito. Sa tuktok ng bundok na kami magka Camp. Para stargazing sa gabi. Isa isang cheneck ng medic ang blood pressure namin. After checking lahat naman are in good condition.

"Hija, pwede bang kaming mga may edad na eh sa kabila na lang dumaan? Dun nalang kami sa easy route. Pwede naman ang sasakyan dun diba? Kayong mga kabataan nalang ang mag hike." Pabirong tanong ni Daddy. Na agad naman sinang ayunan ni Tito Migs.

"But Dad, there will be no thrill kung aakyat kayo dun gamit ang sasakyan. Pwede naman po kayo sa easy route only if you go there walking." Balik kong biro sa kanya. Nagtawanan naman ang lahat. May narinig pa kong komento na nagmana daw ako kay Dad. Maloko. Pero in good way.

"Ano guys, payag ba tayo na sa easy route na lang ang mga Daddy's and Mommy's?" Some of them agreed and some are not. So it tooks few minutea before we made our final decision. And apparently, Parent's won. They will take the easy route.

4AM na kami nag-umpisang umakyat. Sana hindi kami abutan ni haring araw. Magandang pag masdan ang sunrise mula sa bundok na iyon.  Hindi naman masukal ang daan. May mga kasama din kaming guide. I, Grace, Arrianne and Dennise are together. Nakasunod naman sa di kalayuan namin sina Bob, Kenji, at Sam. May ilang teens din kaming kasama. Ang iba naman ay late 20's at early 30's. Meron din Couple.

Halos isang oras ng paglalakad, ramdam ko na ang pagdaloy ng pawis sa katawan ko. Ganun din ang mga kasama ko. We decided to take a rest for 10mins.  I took my thumbler and drink coffee from it.

"Is that a water?"He asked. Hindi ko alam na nakalapit na pala sya sakin. Umiling ako.

"Coffee." I said.

"I have water kuya if you want."Sabi naman ni Dennise.

"Its okay Den, Can I drink some from your coffee?"Balik nyang tanong sakin. Seriously? I thought everyone has this thumbler, I know I made this for each of us. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko sya. I found myself giving him my coffee.

"Thanks." He smiled at me and drink from my thumbler. Hindi naman kami nakatakas sa mga mapanghusgang mga mata. Kaya puro kantyaw na naman ang inabot namin sa mga siraulo naming mga kaibigan. Kahit ang iba naming kasama ay nakikigaya narin.

"Sabihin nyo na kasi kung kayo na. Lilihim pa kayo samin e." Biro pa ni Kenji.

"Oo nga." Tila second the motion namang sabi rin ng iba. Natawa na lang kami. At nagsimula na uling maglakad. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag nang marinig kong nagriring iyon. Si mommy tumatawag. Nagtatanong lang kung malayo pa ba kami. Kaya naman lumapit ako sa tour guide at tinanong kung malapit na kami.

Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon