Chapter 3

727 29 0
                                    

Hindi na namin nahintay Si Arrianne sa pagmamadali ko. Sa room nya na kami nadatnan. Alam kong mag uusisa pa to bat di namin sya hinintay. Hinayaan ko nalang si Grasya magkwento. Mga intregerang to. Yung COFFEE GUY na naman ang topic. Buti nalang dumating si Prof.

Natapos ang first subject namin. patungo kami sa Cafe ng school. Wala pang masyadong gagawin kasi second week of school days palang. Hindi parin kompleto ang prof. In other word wala pang matinong klase. Mag kakasama ulit kaming tatlo. Habang naglalakad may bumati sakin.

"Hi Dhy." hinanap ko agad ang pinagmulan ng boses na yun. Pamilyar.

Sinasabi ko na nga ba, hindi ako nagkakamali. Ang mahanging si Andrei. Kung Makangiti eh.. Ngising aso.! Papalapit samin ang loko. Feeling gwapo talaga to, sabagay gwapo naman talaga to. Kasu nga masyadong bilib sa sarili.. Pag nakikita ko tong mokong na to pumapasok agad sa isip ko na basta lalaking malaki ang bilib sa sarili MANLOLOKO. Oh? bakit? eh sa yun ang paniniwala ko ehh.

Binilisan ko ang paglalakad. Medyo nauuna na ko sa Bffs ko. Umiiwas lang naman ako sa bagyong paparating baka di ko mapigilan ang inis ko. Pero nakasunod parin to.

Magkasabay na kaming naglalakad. Nangungulit parin ito.

"Ako ba talaga hindi mo tatantanan?? " Naiirita pero mahina lang ang boses kong tanong dito. Sa halip na tumigil ay patuloy parin ang ginagawa nitong ngising aso.

"Chill Dhy. Ang aga aga ehh, Ang Hot mo na.. Anyway you're so damn hot naman talaga.. Hotter than the sun. "sabi nito may pakindat kindat pang nalalaman.

Kumukulo na ang dugo ko... Sinasabi ko na nga ba at di magiging maganda ang araw na to. Hindi ko to pinansin patuloy lang sa pag lalakad as if he's not around. Naglakad pa to ng patalikod upang magkaharap kami. Pero hindi ko parin sya pinapansin, Nang bigla nalang syang natumba sa di alam na dahilan.

Ohh God. Ang Loko Nakabangga. Kawawa naman yung girl na nabangga nito. Tinulongan kong tumayo yung girl at ako na humingi ng sorry para kay Andrei. Damay rin naman ako sa katangahan ng lalaking to.

"Miss, Are you okay? " tanong ko rito. Napansin kong nabasa ang damit nito. Marahil natapunan ito ng dala nya juice sa cup.

"Yeah, I'm fine." Nahihiyang sagot. At alam kong di sya okay. basa sya ehh.. so I refuse.

"No you're not. Come with me. " at hinila ko sya papunta sa locker.

Pagdating namin sa tapat ng locker ko, agad ko iyOng binuksan at kinuha ang P. E shirt ko, saka inabut sa kanya,

"Here. Wear it." May pag aalinlangang kinuha nya sakin. Bakas sa mga mata nya ang hiya. Pero aanhin nya yun eh basang basa nga sya.? Hindi ko namalayan nasa likod na pala namin sina Grasya, Arrianne at ang mahanging si Andrei.

"Miss I'm really really sorry. If you want I will buy you another drink?" Si Andrei, nag sosorry nalang papa charming parin. Bat ba kasi ang hangin hangin nitOng mokong na to?

Nag excuse nalang ako sa Kanila at iniwan na ang mga ito, binilin ko nalang kina Grace at Arrianne yung babae, Naiinis na Kasi ako sa kayabangan ni Andrei. At Baka sumunod pa ulit ito at Mangulit.
Awa ng Diyos wala naman ng nakasunod.

Nagmumukmok ako sa Loob ng Library, Ang dami kong kinuhang books, pero parang wala naman ako sa mood magbasa.

Ilang oras na ko rito, Asan kaya sina Arrianne.?

"Hi! " Napatingala ako sa bumati sakin. Hindi na ko nagulat, si Girl na natapunan ng juice dahil samin.

"You're Sandy, Right? " ngumiti lang ako bilang sagot, hindi na ko nagtaka bat nya ko kilala, marahil nabanggit na nila Arrianne at Grace.

Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon