Chapter 6

545 21 0
                                    

SANDY Pov

Napadilat ako ng hinawi ni Lola ang Makapal na Kurtunina sa Terrace ng kwarto ko. At binuksan ang sliding door. Mataas na ang sikat ng araw. Pero halos ayaw paring dumilat ng mga mata ko. Parang mabibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, Mahapdi. kusa itong pumipikit pa balik.

"Hija. Bumagon ka na, its already passed 12noon. San ba galing kagabi? sinong naghatid yung naghatid sayo? At asan ang kotse mo?" Si lola talaga kung makapagtanong hindi mo malaman kung alin ang una mong sasagutin. Umupo ako sa kama at sinandal ang likod sa headboard. Pinilit idilat ang akin mata. Nakita ko si lola nakaupo sa side kama ko. At bakat ko ang pag-aalala sa mukha nya. Ngumiti ako sa kanya upang ipakita sa kanya na okay lang ako.

"Si Grace po naghatid sakin lola. NagBar kami last night at uminom ng kunti. " Paliwanag ko. Bigla namang nagtaka ang anyo nito. At ikinabahala ko yun.

"Don't worry lola. Nothings wrong happened. And I'm safe. "explain ko ulit.

"It's not Grace who send you home last night. It's a guy, Don't you remember? " Napalaki ang mata ko sa tinuran ni lola. A guy? But who? Sa pagkakaalam ko si Grace naghatid sakin. Nang bigla kong naalala. "Ohh shoot!!! Grace can't drive! Pero sinOng naghatid sakin???" Naguguluhang tanong ko sa isip ko. I looked at lola.

"How did you know na hindi si Grace naghatid sakin lola? " tanong ko ulit. She smiled at me. Nakakalokong ngiti.

"I saw you last night akay nung guy, mukha naman nag- aalala at very careful sa pag alalay sayo kaya hindi na ako bumaba. ". Sabi pa ni lola. But who's the guy? shoot... Di ko talaga maalala. Tatawagan ko nalang si Arrianne or Grace kung sino inutusan nila para ihatid ako. Mga loko talaga mga bff ko, pinagkatiwala ako sa lalaki kahit alam nilang lasing na lasing ako?

Absent muna ako today. Masakit parin ulo ko. At wala akong ganang kumain. Ito na ba yung tinatawag na HangOver? Hindi na talaga ako iinom ulit, kahit gaano pa ko ka stressed. Biglang nagring ang phone ko. Si Grace. Agad ko yung kinuha at tinap ang answer bottom. Marami akong itatanong. Hindi ko pa man nailalapit sa tenga ko ang phone ko ay rinig ko na ang pagtili nito. Kala mo nakita si Zac Efron kung makatili ehh.

"BESSSSSST!!!! "Sigaw nito mula sa kabilang linya. Hindi ko na dinikit ang phone sa tenga ko. I can hear her even in a space. Sa lakas ba naman ng boses nito. Naiirita akong sumagot. Sarap kaya nito patayan ng tawag. Oa kung malatili ehh.

"Will you please stop doing that!? Talo mo pa ang serena sa tinis ng boses mo. "Sita ko rito. Narinig ko ang Malalim na paghinga nito.

"Okay okay kalma na. " muli'y nagsalita na ito ng maayos. Naghihintay ako sa sasabihin nito.
"Guess who brought you home last night? " kinabahan agad ako sa tanong nito. Pakiramdam ko totoo nga ang sinabi ni lola na lalaki ang naghatid sakin. Kinalma ko ang sarili ko. Ayaw kong awayin ito sa phone. Pero masasabunutan ko to sa personal promise.

"who? "malamig na tanong ko. At narinig ko na naman ang pagtili nito sa kabilang linya. hay Naku kahit ayaw kung umalis ng bahay mapipilitan ako. Binaba ko ang tawag nya at nagmessage ako na magkita kami sa Coffee shop. Dun parin sa dati. Pumayag naman ito. Nag shower na ako. Para gumaan ang pakiramdam ko. Agad agad ay nagbihis ako. Marahil ay papunta narin si Grasya sa Coffee shop. Tapos na ang klase namin ng ganitong oras. Dali dali akong bumaba. Nang makasalubong ko si Mommy. Humalik ako sa pisnge nya. Ganun din sya.

"May lakad ka? " Tanong nya sakin, Mukhang okay naman si Mommy, Hindi naman sya mukhang depressed sa pakikipaghiwalay ni Dad.

"Yeah Mom, I'm going to meet Grace At the coffee shop nearby. "

"You take care okay? And Don't drink again. "Nakangiting sabi nya sakin. Well, I won't drink again... I promise to myself. Ayaw ko ng magka hangover ulit. Nag pahatid nalang ako sa Driver namin. Wala pa kasi ang kotse ko. Pagdating sa Coffee Shop. May Familiar agad akong mukhang nakita. Shoot si Kenji nga yun. Agad kung nilibot ang mata ko sa Coffee shop. Hindi sa pag aano ha? sinisigurado ko lang na wala yung Nangtatapon ng Kape.

Pumasok ako at naupo sa bandang sulok. Wala pa naman si Grace. At wala parin akong balak um-order baka makita ako ng makulit na Kenji na yun. Maya maya'y napansin ko ang paparating na kotse, Kotse ko. Nagpark iyon sa tapat ng Coffee Shop. Agad akong lumabas para salubungin kung sino mang maydala niyo. Unang bumaba si Arrianne. Kaya nagtaka ako kung sino nagmaneho nuon. Alangan namang si Grasya.? Sumunod na bumaba si Grace sa Frontseat. Kinakabahan na ako. Hindi ko kasi makita kung sino ang nagmamaneho heavy tinted kasi ang kotse ko.

Bagsak ang panga ko ng makita ko ang driver. Shoot... My G.. hindi ko Alam ang gagawin ko kung babalik ba ako sa loob o kukunin ang susi at paharurutin iyon pauwi. Ito na nga at papasok nalang sana ako pabalik ng Coffee shop. Nang bigla kong masalubong si Kenji. Bigla nya akong hinawakan sa bewang at binitbit pabalik sa kinaruruonan nina Grasya gamit ang isang braso. Lakas nito ahh. Nakakainis lang nagmukha akong bata sa ginawa nito. Nagpupumiglas ako. At pilit na kumakawala sa Pakakahawak nya.

"I said put me down? " I shouted.

"Here. "sabi nya lang pagkababa nya sakin.. Inayos ko ang nagusot kong damit. tiningnan ko ng masama si Grace, pati si Arrianne na ngingiti ngiti pa. Anong nakakatawa ha?

"My key? "sabay lahad ng palad ko kay Bob na hindi tumitingin. Pero sa halip na iabot ang susi ay lumapit sya sakin.

"Can we talk? " Tanong nya. Umiling ako. At ano namang pag uusapan namin ng mokong na to.

"Just give me my key. " Masungit na sabi ko. Lumapit sakin si Grace at umangkla sa braso ko.

"Best I can explain. "

"Yeah. You should explain everything." Pagkasabi ko nun ay agad kong kinuha ang susi sa kamay ni Bob. At sumakay sa kotse. Pagka start ko nun ay binusinahan ko sila. Mga Nganga parin. Agad naman silang tumabi. Binaba ko ang bintana sa passenger seat.

"Are you guys coming or not? " Tanong ko kina Arrianne at Grace.
Bago sila sumakay, narinig ko pang nagsorry si Grace kina Kenji at Bob. Ano bang meron sa mga to at parang hibang na hibang ang mga kaibigan ko. Pakasakay nila ay agad kong pinaandar ang kotse. Tahimik lang silang dalawa. Alam kong hindi sila magsasalita hanggat di ako nagtatanong. Kaya inumpisahan ko na.

"Who brought me home last night? "Malamig kong tanong. Tumagal ng ilang segundo bago sumagot si Grace.

"B-Bob. "nanginginig ang tono nito. Tinigil ko ang kotse. Tumingin ako sa kanya. "Pero ginawa ko lang naman yun cause you're so drunk eh, tapos lasing narin si Arrianne.". Naiiyak ng paliwanag nya. Tumingin ako kay Arrianne. Yomoko lang sya.

"Sorry best. " Tanging sabi nya.
Nakakainis na nakakaawa silang tingnan. Bat ba kasi hindi nalang nya ako pinasundo sa driver. O kaya'y sabay sabay nalang kaming umuwi... Haizt... Nakakainis talaga. Ngayon puro sila sorry. Pano nalang kung may ginawa yung lalaking yun sakin.? Lord sana naman wala.

"Ayaw mo ba talagang kausapin si Bob? " Narinig kong tanong ni Arrianne.

"For what? "magkasalubong ang kilay na tanong ko rin.

"To say thank you. " Sabat naman ni Grace. Kailangan ko bang gawin yun? Para ano?Sinabi ko bang ihatid nya ko? Ginusto ko ba? The hell I care! Bahala na si batman.

Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon