Chapter 29

476 19 0
                                    

Sandy's Pov

Isa isa nang nag balikan ang mga galing sa batis. Marahil nakaramdam na ang mga ito ng gutom. Tamang tama naman na tapos ang niluluto. May iilang lamesa naman dito. Pero hindi magkakasya ang lahat kaya naman kanya kanyang pwesto na lang ang ginawa ng iba.

Naisipang magpakuha ni Daddy ng buko kay tata Siloy. Ang nagbabantay ng niyogan. Mukhang lahat naman ay nag-eenjoy ngayon.

Matapos kumain ay nagpahinga muna  ang iba ang iba naman ay naghahanda narin upang matayo ng tent.  Mabuti na lang sa bahaging to ng Camping site ay walang puno ng niyog. Delikado kasi kung sakaling meron.

Inaya ako ni Sam na bumaba at pumunta ng batis. Nagpaalam muna ako kina Dad at Mommy baka sakaling hanapin kami.  Inaya ko rin si Bob. Kaming tatlong lang yata ang Hindi bumaba kanina.

"Gusto nyo ba ng beer?" Tanong ko sa kanila bago kami bumaba. Agad naman tumango si Sam. Inaya ko syang kumuha sa cooler. Nagdala kami ng anim na lata. Inalalayan ako ni Bob pababa. Ilang minuto pa ay narating na namin ang batis. Agad akong lumusong sa tubig. Napakalamig nito sa balat sabayan pa ng preskong hanging. Agad naman silang sumunod. Inabot sakin ni Bob ang beer.

"Kumusta ang sugat mo?"Tanong nya. Oo nga pala, nawala sa isip ko.

"Okay lang hindi naman masakit."

"Palitan nalang natin ng band aid mamaya."Sabi nyang muli. Lumapit naman si Sam at kumuha rin ng beer.

"Cheers."Sabi nito. At ginawa nga namin iyon at sabay sabay na uminom.
"I finally got a bestfriend kuya Bob." Balinh nito kay Bob. Himala, tinawag nyang kuya si Bob. Nagkunot noo naman si Bob ng di nya makuha ang sinasabi ni Sam.
"I mean, Sandy is my bestfriend from now on. Right dy?" Nakangiti nitong sabi. Nagpapacute pa. Matatanggihan ko pa ba tong mokong na to. Feeling ko nagkaroon ako ng nakababatang kapatid kahit na magkasing edad lang kami nito. Actually mas matanda sya sakin ng tatlong linggo. Haha. Agad namang bumaling ang tingin ni Bob sakin. Lumangoy ako palayo sa kanila.

"Oo na... Wala akong choice eh."Sigaw kong sagot. Masyadong maingay ang agos ng tubig. Eninjoy namin ang malamig na tubig. Parang mga batang naghahabolan at nagtatawanan.

Nagpaalam si Sam na kukuha lang aya saglit ng chips at ilan pang beer.

"Babalik ako agad. Wag kayong gagawa ng milagro."Biro pa nitong sabi bago tuluyang umalis. Kaming dalawa nalang ni Bob ang narito.  Bumalik ako sa mababaw na gawi kung asan ang beer. Umupo ako sa bato at binuksan ang hawak kong lata. Masarap iyon. Malamig dahil binabad sa malamig na tubig ng batis. Patulog naman sa paglangoy si Bob. Napakagwapo nyang pagmasdan. Talaga namang kahit sinong babae ay nanaising mapansin nito. Lumapit sya sakin at umahon sa tubig.  Kita ko ang 8packs abs nya na bumakat sa t-shirt nyang kulay puti na basa ng tubig. Ang mga hita at binti nito, ganun din ang matipuno nitong braso. Sinong makapagsasabing subsob ito sa trabaho. Mukha araw araw yata tong nagwowork out.

"Meron pa ba?" Napapitlag ako sa isiping iyon nang marinig ko ang boses nya. WTF. Isamg dangkal lang yata ang pagitan ng mga mukha namin. Napaatras ako gawa ng pagkagulat.

"Okay ka lang?" He asked again.

"Y-yeah."Nauutal ko pang sagot. Shit bat natataranta na naman ako?

"May beer pa ba tayo.?" Tanong nyang muli. I gathered myself before I anwer, ayaw kong mataranta.

"Yeah, may isa pa. Kumuha na si Sam. Marahil pabalik na yun ngayon." Sagot ko sa kanya sabay inom ng beer na hawak ko. Tumango naman sya at umupo sa tabi ko. Nagcheers pa kami bago muling uminom.

"You know what, I wanna tell you what I really feel about you, But I lost my courage everytime you're near." Pagsisimula nya. "Maybe I was just scared to be rejected by you." I just let talk. I don't wanna ruin the scenery.
"It was love at first sight. And I thought I'd never see you again after that incident in the cafe. But after those times that we kept on bumping into each other. I knew it to myself it wasn't a coincidence anymore. I believed it destiny. " He said those words with his eyes shinning. He do looked really handsome. But I guessed this is not the right time to confessed mine.  Masyado nya kasing hinabaan.  Nawalan tuloy ako ng chance na sagutin lahat ng sinabi nya.  Nagdatingan na ang mga asungot.

Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon