Chapter 33

425 18 0
                                    

Bob's POV

Late na ko nagising, sunilit ko ang tulog ko. Medyo inaantok pa rin nga ako. Agad akong lumabas at natungo sa dining. Nakakaramdam na ako ng gutom. Wala ni isang tao man lang ang naroon kaya pumasok ako ng kusina upang hanapin si Aling Lodia. At di naman ako nabigo.

"Morning nay, asan ho silang lahat?"

"Ahh,sina Ma'am Lorraine at Sir Miguel po umalis. Si Ma'am Dennise naman po pumasok na. At si Sir Kenji po marahil natutulog pa sa kwato ninyo."

"Ahh. Okay po Nay, pa ready nalang ho ako ng table. Tatawagin ko na si Kenji para makakain na." Ani ko rito at tumango naman bilang sagot. Agad akong umakyat at nagtungo sa kwarto ko. Nawala sa isip ko na dito nga pala natulog ang mokong na yun at sa kwarto ko pa. Samantalang ako sa guest room. Pagkabukas ng pinto ay pumasok na ako sa silid pero wala akong nadatnang Kenji roon. Marahil ay nasa banyo pa ito. Agad kong inayos ang kama ko. At hinawi ang kurtina sa veranda ng kwarto upang makapasok ang liwanag ng araw sa silid.

"Jesus Christ!" Ani ni Kenji ng magulat na nakita ako paglabas ng banyo. Natawa nalang ako sa reaksyon nya.

"Tara na. Bumaba na tayo ng malakain na." Sumunod naman sya pagka labas ko ng kwarto. At dumeretso na kami sa dinning. Tamang tamang brunch na ang inihanda ni Aling loida.

"Gusto mo ba ng mango shake?"tanong ko kay Kenji.

"Yeah. that would be nice. Para naman refreshing." Tumayo ako at gumawa ng shake mula sa mga manggang dala namin kahapon. Pagkatapos ay bumalik na ako sa table dala ang dalawang baso at pitchel ng shake. Dinamihan ko na baka kulangin. Sinabihan ko narin si Aling Loida na gumawa rin para sa kanila at mga kasama sa bahay. Sayang naman kasi kung masisira lang yung mangga.

"You know what, I have figured out how nice woman Sandy is. Biruin mo she cares about everyone. I mean, not only about you, and us her friends. But everyone, just like Andrea and also you household staffs. She's kinda wife material." Papuri nya kay Sandy habang kumakain kami. I agreed with him. Actually napansin ko rin yun. That's why I liked her even more.
"I would be lucky kung suswertehin din akong makakilala ng isang Sandy na gaya mo." Dagdag nya pa.

"Well bro. at the right time and perfect moment you will find a woman who is destined for you." Sabi ko lang sa kanya at nagpatuloy sa pagkain, ganun din sya.

Pagkatapos kumain ay nag kanya kanya na kaming balikan sa mga silid namin. Agad kong dinampot ang phone ko sa side table ng bed. I checked it if I have a message. Just a changes of schedule's list of my appointments starting Monday.  Marami pang kailangang e adjust dahil sa gaganaping kasal ni Sam and Andrea next month.  Napabuntong hininga nalang ako. Medyo hectic kasi ang sched ko next month. May pa Palawan at Mindanao pa ko. Sabagay andito naman si Kenji para tulungan ako.

Muli akong bumaling sa cellphone ko at tinawagan si Sandy. Hindi ka kasi sure kung pumasok ba to o hindi. Wala man lang akong natanggap na message galing sa kanya. Hindi ba sya marunong bumati ng good morning? Sa pagkakaalala ko dati sya pa nga unang tumawag sakin eh. Nagriring na sa kabilang linya. Hinihintay ko nalang na sagutin nya. Kaya nga lang mukhang busy. Sinubukan ko ulit syang kontakin. And thanks God. Sinagot nya na.

"Hello Bob. This is Lola Menerva, Sandy accidentally left her phone again. Nasa school sya ngayon." Narinig kong paliwanag ni Lola sa kabilang linya.

"Ahh. Yes po lola. Okay po. I'll just call her again later lola. Thanks po." Pagkasabi niyon ay hinintay ko nalang na ibaba ni lola Menerva ang tawag. So pumasok pa sya kahit na pagod sya ng ilang araw? Lumabas ako ng guest room at nagtungo sa kwarto kung san naroon parin si Kenji.  Aba, at nagawa pa nito manood ng movie.

"What's with that long face?" He asked. I just looked at him seriously. Hindi ko alam bat ako pumasok dito eh. May sasabihin ba ako o itatanong dito? Bat ba kasi dito ako dinala ng mga paa ko? Lumabas ulit ako at bumalik sa guest room. Napaka boring naman dito sa bahay, ni hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muli ko kinuha ang cellphone ko at din-dialed ang number ni Dennise.

Bumped Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon