< 10 >

1.7K 40 0
                                    

Naluluha kong pagmasdan si wrecks na ini-examine na ngayon. Sa wakas at dumating na rin ang araw na ito!

Lumabas na ang mga doktor at excited na siyang makita at makausap si wrecks.

Umakyat ang kaba sa aking dibdib ng sandaling magtama ang mga mata namin. Walang emosyon ang mga mata neto pero dahil sanay naman na ako noon na ganyan siya ay okay lang. Mas mabuti ng nakamulat kesa naman nakapikit.

"Hi! H-how are you feeling?" masaya kong tanong na halata ding kinakabahan.

Hindi ito kumibo sa naging tanong ko. Tuluyan na akong nakalapit at umupo sa tabi niya.

"Hey, don't just stare, you know you can talk to me, wrecks." ani ko at biglang nailang sa paraan ng pagtitig niya.

"I don't know you."

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Kung kanina ay labis na ang aking kaba ay parang binagsakan ako ng langit at lupa.

"A-Anong sabi m..mo?" nanghihina kong tanong.

"I don't know you. I don't have a sister and I don't have a girlfriend. And you're not my type."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang lahat ng naramdaman kong saya kanina ay bigla nalang naglaho.

"H-hindi mo ako natatandaan? I'm M-mavy decares, don't you remember me, wrecks?" nagsusumao kong sabi.

Walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagbabasakaling maalala niya ako.

"Mavy Decares. Mavy. Mavy Decares. Does it ring a bell? I'm the girl you saved three years ago..." naiiyak kong sabi.

Binawi niya ang kanyang kamay. "I don't remember you, young lady. Now, get out of this place." seryoso netong sabi.

Napaawang naman ang aking labi dahil sa sinabi niya. Anong sabi niya? U-umalis ako rito?

Mabilis akong umiling. "I c-can't leave you." halos pabulong ko ng sabi.

This is too much too take.

Bumukas ang pintuan at iniluwa noon si ate chel na bakas ang saya sa mukha.

"Oh my god, it's true!" nanlalaki ang mata ni ate chel habang lumalapit kay wrecks na ngayon ay dilat na dilat na pero ang galing agad manakit.

"Dela Cruz." banggit ni wrecks.

Kulang nalang ay magtatalon sa saya si ate chel dahil nakabalik na nga talaga ang boss niya.

"I'm glad you're back, sir ayrxton!"

Bakit naman ganon? Naaalala niya si ate chel pero ako? Hindi man lang niya maalala.

"Is this your sister, dela cruz?" tanong ni wrecks kaya napabaling ang tingin sa akin ni ate chel at kumunot ang noo dahil sa sinabi ni wrecks.

"No, she's not my sister! Sabagay, ang ganda kase namin! Pero hindi ko siya kapatid, sir ayrxton. Siya si mavy decares, sir!" nagtatakang sambit ni ate chel habang palipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa.

Napakagat ako sa aking labi, pinipigilan ang paglandas ng aking mga luha mula sa aking mga mata pero sadyang hindi ko na ata kaya ng magbitiw pa si wrecks ng mga masakit na salita para sa akin.

"Get her out of he—-"

I cut him off. Ayokong marinig ng buo ang mga salita niya. Para akong sinasaksak gamit ang mga salita niya.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon