< 18 >

1.3K 44 2
                                    

Ilang oras akong nanatili doon dahil para bang nawalan ako ng lakas na gumawa ng kahit ano.

Akala ko magiging maganda ang kalalabasan sa pagpunta namin sa europe pero nagkamali ako.

This is the place where he found himself and started to lose mine. Hanggang sa gumabi na at napagpasyahan kong umalis na roon dahil walang mangyayare kung nandoon lang ako sa lugar na iyon.

Lumabas na ako ng building at para bang wala ako sa sarili habang tinatahak ang kotseng ginamit ko kanina. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa tapat ng condo ko gamit ang sasakyan.

Wrecks is so mad at me and probably he hates everything about me.  I understand, it was my fault. If only I didn't lied to him and just told him the truth about tito ed, things wouldn't have been so complicated.

Nakapasok na ako sa condo ko at ang unang tinignan ko talaga ay ang kwarto ni wrecks. And yes, tama nga ako. Nawala na ang mga gamit niya sa kwarto, he left me already.

Masakit pero tanggap ko naman. I guess I have no longer business in here. Inayos ko na din ang mga gamit ko at nirescheduled na ang flight ko. Kaso naalala ko, kapag umalis ako ngayon ay baka magkasabay lang kami ni wrecks at kahit na gusto ko ay mas pinili kong huwag nalang dahil kinamumuhian niya ako ngayon at ayokong gumawa nanaman ng bagay na ikakadagdag ng galit niya sa akin.

Mahal ko si wrecks, I don't know where it started. Akala ko I was just thankful and grateful of course to him because he saved me. Pero hanggang sa araw araw na akong naroon sa tabi niya, taking care of him, and all I think about is him and then I realized I have fallen for him so deeply. I've always thought before the incident happen, there's always something special about him that made me feel like he's different from anyone else.

I thought I was just curious all along when still don't know each other and all I can see him is in that cafe, and then later on, I found out that he's the president of that company and also one of our investors.

But I guess, we do really have a connection with each other. And I hope, that connection that we have will stay forever.

Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak buong gabi sa kwarto. And here's ate chel, every hour, she's calling me and I chose not answer it because I am too fucked up.

And then I woke up feeling so tired and I can't even move because my eyes feels so sore for crying all night!

Naligo na ako at nagbihis, wala na din akong oras para magayos dahil wala namang magbabago kung mag aayos ako. I'm a trash.

Kinuha ko na ang maleta ko at nagsuot nalang ako ng cap and some shades to cover up my fucking eyes.

Nagpahatid na ako sa airport at buong biyahe ay nakatulala lang ako. And sigudo dahil narin sa pagod ay nakatulog din ako at kalaunan ay nagising dahil malapit na kaming mag land.

Sinalubong naman ako ng butler ko at ng makasakay ay nagulat ako ng bigyan niya ako ng pagkain.

"Kumain po kayo, ma'am."

Aayaw na sana ako pero ng maamoy ko ang pagkain ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Halos isang araw na pala akong hindi kumakain. At ng matapos ay napansin kong papuntang condo ko ang daan na tinatahak namin.

"Where are we heading?" tanong ko sa driver.

Lumingon naman sa akin ang butler ko at nagkamot ng ulo.

"Sa condo niyo po, ma'am."

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit kami pupunta sa condo ko eh the last time I've checked, sa mansiyon kami ni wrecks tumutuloy.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon