< 30 >

1.8K 45 0
                                    

Ilang minuto ang lumipas pero wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kanya.

"Do you really want to know about it right now?" ani ni wrecks na bumalik na ulit sa pagkaseryoso.

Nagulat ako roon. Bigla bigla nalang nagbabago ang mood niya at hindi ko yon inaasahan.

Napalunok ako. Gusto ko na nga bang malaman? Handa ko na bang marinig ang dahilan mula sa kanya? Ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng hawakan ulit ni wrecks ang kamay ko. This warmth feeling when I'm with him.

"You're not ready yet to know everything, eliszua."

Tama siya.

"I promise you, I'll tell you everything once you're ready."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa matapos at nasa loob na kami ngayon ng sasakyan niya.

"I'll take you home now."

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa. Naging tahimik ang biyahe namin kaya hindi ko na din namalayan na nakarating na kami sa tapat ng condominium ko.

Hindi na rin ako nagtaka na alam niya kung saan ako nakatira, he have his ways.

Lumabas si wrecks para pagbuksan ako. Gaya ng ginagawa niya ay inalalayan niya ako pababa kaya halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba tuwing magkalapit kami.

Lalo na ng magkatitigan kami habang hawak hawak niya ang bewang ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang malambot na bagay sa labi ko. Nanlalaki ang aking mata habang siya ay nakapikit habang hinahalikan ako.

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Naramdaman kong gumagalaw ang kanyang labi sa akin at hindi ko alam ang gagawin. Napapikit nalang rin ako at sinubukang sundan ang ritmo ng labi niya.

Hanggang sa humiwalay na kami dahil abot abot na ang aming hininga. Nag init ang aking pisnge ng sandaling dumako ang kanyang titig sa akin. Lumayo na rin ako mula sa kanya dahil sa hiya sa nangyare. I can't believe I kissed him back!

"Hey, look at me." hinawakan niya ang magkabilaang pisnge ko at pinaharap sa kanya, napalunok ako.

"I want to feel your lips again but I'm afraid I could do more than that right now. You should go, eliszua." kita ko sa mga mata niya ang hindi pag sangayon sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin at lumayo.

""Y-yeah, I should probably go now."

Nagmadali akong  naglakad palayo sa kanya pero napatigil din at lumingon sa kanya pabalik. Nakasandal siya sa kanyang kotse at hindi pa tuluyang umaalis habang mariin na nakatitig sa akin.

"T-take care!"

Kulang nalang ay tumakbo na ako para tuluyan na akong mawala sa tingin niya at ng makarating na ako sa aking kwarto ay napahiga ako dahil sa pagod.

Napahawak ako sa dibdib ko at hanggang ngayon ay ang bilis parin ng pintig ng puso ko. Hanggang sa napako ang aking mga daliri sa aking labi at hanggang ngayon parang ramdam ko parin ang init ng mga labi niya. Napalunok ako dahil sa naalala.

Ni hindi ko alam na nakangiti na pala ako habang inaalala ang mga nangyare kanina. He even cooked for us at alam kong siya ang nagluto noon dahil sa mga sugat niya sa kamay at sa lasa ng pagkain, alam kong si wrecks ang nagluto noon.

Marami siyang pera para mag hire ng chef para sa pagkain naming dalawa pero siya mismo ang naghanda. Napangiti ako dahil roon.

Niyakap ko ang aking unan at hindi mapigilang manggigil. Simula nung magkakilala kami, eto ang pinakaunang niyaya niya akong lumabas o pinaghandaan niya ako ng ganon. I never thought he could be like this.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon