< 26 >

1.7K 40 0
                                    

Gaya nga ng gusto kong mangyare ay bago pa tuluyang sumapit ang umaga ay nakahanda na ang flight ko paalis ng LA.

Ako na ang lalayo, ako na mismo ang lalayo sa kanya...ulit. Konti lang ang gamit na dala ko dahil bibili nalang ako doon kapag okay na ang sugat ko.

Nakasakay na ako sa airport at doon lang ako nakapag pahinga ng tuluyan na itong umalis. Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod at nagising ng makarating na kami.

I have our own branch in germany that's why I came here. Sa bawat bansang pinagtayuan ko ng restaurant ko ay may sinigurado kong may sarili rin akong pamamahayan.

Malapit lang kung saan naroon ang restaurant ko napiling kumuha ng condo. Just 5 minutes away when you'll take a car. And 15 minutes if you'll walk.

Sinundo na ako ng mga tauhan ko at inihatid sa condo ko. Hanggang sa makarating na ako at napahiga na ng tuluyan sa malambot kong kama. God, how I missed laying on a soft bed like this.

Parang andami ng nangyare ulit sa akin. Siguro naman, hindi malalaman ni wrecks na nandito ako, hindi ba? Napaka-impossible kung malalaman niyang nandito ako ngayon sa germany at makita siya rito samantalang nasa LA siya ngayon.


Napapikit ako ng mariin, bakit ko ba kasi inaalala ang mga bagay na yon?

Hindi pa ako tuluyang nakapagpapahinga ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tumatawag na si trevor sa akin. Napapakit ako at huminga ng malalim bago sinagot.


"Mavy! Nasaan kana? Bat wala ka pa sa opisina mo?"

Napalunok ako. Hindi ko nga pala siya nasabihan o kahit kanino man sa biglaang pagalis ko.

"I-I left already..."

"What? Anong oras ka ba umalis sa condo mo? May nangyare ba?"

Shit.

"N-nothing. I mean I'm in germany right now."

Ilang minuto bago siya sumagot.

"Ano?! Paano ka napunta diyan? Sinong kasama mo at bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napahilot ako sa aking sentido.

"I'm on my own, don't worry I'm fine. I just had to take care of something, baka magtagal ako dito."

Rinig ko ang mabibigat na hininga ni trev. I feel sorry for him, hindi ko siya nasabihan sa biglaang pag alis ko. Magkasama pa naman kami kagabi and then malalaman niya na wala na ako sa LA.

"I'm really sorry, trev. Babalik ako pero hindi ko pa alam kung kailan. I hope you understand."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil pinatay ko na ang tawag.

Nagpahinga nalang ako at nakatulog na. Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog, Ive never slept this way before. It felt so energetic and I'm in a good mood except my tummy, hindi nga pa pala ako kumakain.

Naligo na ako at nag ayos. Kinausap kona din ang mga staff ko na padalhan ako ng sarili kong kotse. I just want to be alone today. Naging okay na rin ang paa ko at hindi na ganon kasakit gaya ng dati. Bumaba na ako at sumakay sa kotse ko. Nagdrive na ako papunta sa pinakamalapit na mall para kumain at bumili ng mga kailangan ko.

Madami kase akong naiwan na gamit, especially konti lang ang dinala kong damit so I have to buy dahil baka magtagal ako dito.

At dahil sa naisip ay naalala ko ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kinagat ko ang pangibabang labi ko, why is this happening? Tuwing naiisip ko siya, ang daming pumapasok na tanong sa isip ko na wala man lang makuhang sagot.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon