< 25 >

1.7K 41 0
                                    

Ng maisakay na ako ni trev sa sasakyan ay doon na ako nahimasmasan. Ng makapasok si trev sa driver seat ay agad kong hinawakan ang kamay niya para mapigilan niyang patakbuhin ang kotse.

"S-san tayo pupunta? Huwag mo na akong dalhin sa hospital trev, okay lang ako. H-hindi naman malala ang sugat e."

Kumunot ang noo niya at dahan dahang inalis ang aking kamay sa kanya.

"No, mabuti ng sigurado. You might get infection in that, we're going to the hospital." aniya kaya wala na akong nagawa kundi tumango.

Pinagmasdan ko ang sugat na nasa paa ko at hindi parin ito tumitigil sa pagdurugo.

Ni hindi ko man lang naramdaman kanina na nasugatan pala ako. Masyado akong naapektuhan sa mga titig niya.

Napakagat nalang ako sa aking labi. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko, we even had a contact kaya sigarudong si wrecks nga ang nakita ko kanina. Even my heart can recognised him.

Nakarating na kami sa hospital at gaya nga ng nangyare ay ginamot nila ang sugat ko.

"I'll take you home, I'll just pay the bills first."

I nodded. Umalis na siya kaya naiwan akong magisa na nakaupo sa waiting erea.

Pinagmasdan ko ang aking paa na may balot na ng puting bandage hanggang sa may dalawang pares na itim na sapatos ang tumambad sa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan ng marinig ang isang malamig na boses.

"Are you okay? How's your foot?"

Napalunok ako dahil sa narinig. Dahan dahan kong iniangat ang aking ulo para makita ang taong nasa harapan ko at nanlaki ang aking mata ng makita kung sino ang nasa harapan ko!

"W-wrecks..." I stuttered in shocked.

P-paanong... papaanong nandito siya sa harapan ko ngayon?!

Mas lalo akong nagulat ng umupo siya para mag pantay ang mukha namin. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nakikita ko ngayon. Totoo ba talaga ito? Ang lapit ni wrecks sa akin ngayon at kitang kia ko ang mukha ng lalaking nagligtas at minahal ko noon.

"I'm sorry about what happened to your foot, I must've startled you awhile ago."

Seryoso ang mukha niya pagkasabi niya noon at hindi ko alam kung may problema ba sa mata ko at nakikita ko ang pagaalala sa mga mata niya. Parang ang daming gustong sabihin ng mata niya sakin habang nakatingin ito sa akin.

Bakit?

And did I heard it right? He said sorry? For my foot? Napapikit ako at huminga ng malalim. This is too much to absorb.

Si wrecks ba talaga ang taong nasa harapan ko ngayon? There's no way he'll show up here and say sorry to me just because of what happened to my foot.

Iminulat ko ang aking mata at agad akong sinalubong ng kanyang mga mata. He's real. He's with me right now but why? Why would he show himself in front of me when he hates me to death?

"You hate me, so why are you here? Why would you show yourself into the person who made your life miserable?"

Hindi ko alam kung paano lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon ng hindi nabubulol o kinabahan man lang.

Naghintay ako ng sagot mula sa kanya pero tanging mainit na titig niya lang ang nakuha ko. Why can't he answer my damn question?

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon