< 15 >

1.5K 39 0
                                    

Matapos mangyare yon ay halos wala ng tumatakbo sa isip ko kundi ang mga labi ni wrecks! I can't get him out of my head!

Umalis nalang ako ng study room dahil wala naman akong patutunguhan doon. Pumasok nalang ako sa kwarto ko at humiga, doon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod ko ngayong araw.

Kinapa ko ang aking labi at nawala na ang pagdudugo roon. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko hanggang ngayon dahil sa nangyare. Parang hindi talaga ako makapaniwala na ginawa ni wrecks sa akin yon! He's my first kiss! Impit akong napatili at nagpagulong gulong sa kama.


Pero napatigil ako ng may sunod sunod na katok sa pinto ko. Napalunok ako at bumaba sa kama, dahan dahan kong binuksan ang pinto at nanlaki ang aking mata ng makita si wrecks na nakatayo sa harapan ko.

Hindi na niya ako hinintay na iluwag ang pinto dahil pumasok na kaagad siya at nabangga ako ng konti.

"Wrecks! Anong ginagawa mo dito?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya sa akin at agad na hinawakan ang labi ko. Halos manginig nanaman ang buong katawan ko dahil lamang sa naging haplos niya.

"Does it hurt?"

Gusto kong isipin na nagaalala siya sa akin pero sa tono ng boses niya ay talo na agad, sa mukha palang niya ay wala ng ibang pinapakita kundi walang emosyon.

"H-hindi. Okay lang ako, wrecks."

Nagiwas ako ng tingin sa kanya dahil para akong napapaso sa paraan ng pagtitig niya.

Binitawan niya na ang pagkakahawak at walang kung ano ano ay lumabas na siya ng silid ko.

Eh?

What was that all about?

Napanguso nalang ako at umupo sa may dulo ng kama ko. Hindi ko talaga maintindihan si wrecks! Ang hirap niya talagang basahin kahit kailan! Napasimangot nalang ako at humiga na ulit. Kinuha ko ang hotdog na pillow ko at niyakap iyon na para bang nanggigigil.


Maya maya pa ay napako ang tingin ko sa pintuan dahil tumunog iyon at iniluwa nun si wrecks kaya napaupo ako ng wala sa oras. Napatingin ako sa may kamay niya na may hawak na first aid kit ata.

Don't tell me...

Huminto siya sa harapan ko at nagulat naman ako ng itapat niya sa mukha ko ang first aid kit.

"Bakit? Anong gagawin ko rito?" nagtataka kong tanong.

"Treat your fucking lips."

Inilapag niya sa kama ko ang first aid kit at agad na umalis. Wait whut?

Pumunta siya dito para sabihing gamutin ko ang mga labi ko? Hindi ko maiwasan mapangiti at hawakan ang labi ko, nothing is serious about this though.

But it's his fault why this happened, maybe he is guilty for what happened to my lips. Aw, so concern na siya sa akin ngayon?

I giggled with that thought.

Ginawa ko ang gusto niyang mangyare, pagkatapos ay nagpahinga na ako dahil hindi ko na magagawa ang mga dapat kong gawin dahil laman na ng utak ko si wrecks. I can't think anything but him!

Nagising nanaman ako ng maaga at tinulungan si manang na magluto ng breakfast, ng matapos ay nagsulat ako ng mga notes para sa breakfast and lunch ni wrecks. Ibinilin ko kay yaya dore na ilagay ang mga iyon kapag kakain na si wrecks.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon