< 29 >

1.8K 47 2
                                    

Walang halos nagsasalita samin simula ng sumakay ako sa kotse niya at magmaneho siya.

Ang dami kong gustong itanong sa kanya lalo na at sabi ni ate chel na si wrecks lang ang makakasagot ng tanong ko pero ang ipinagtataka ko ay paano niya nalaman na nandito si wrecks? Hmm.

Tanging sa labas lang ako nakatingin dahil gumabi na at sobrang ganda ng mga tanawin. Ngayon ko lang siguro na-appreciate ang ganda sa bansang ito dahil hindi ko magawang lumabas mag isa at magaliw sa lalim ng gabi.

Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napalingon ako sa kanya. "You never leave your condo since you got in here, you should see the beauty of this place here with me." malalim at malamig niyang boses ngunit pakiramdam ko ay nag iba ang pakikipag usap na niya ngayon hindi gaya noon na maririnig mo ang galit tuwing nakikipag usap siya.

Tipid na lamang akong ngumiti at hindi na nagsalita pa. Napansin ko naman ang kanan niyang kamay na may maliliit na sugat at bandaid dito.

Anong nangyare sa kamay niya? Napaaway ba siya? Umiling iling nalang ako at inalis ang tingin doon saka tumingin nalang ulit sa labas.

Hindi ko inaakalang sobrang ganda pala ng bansang ito tuwing gabi. Mas lalo mo lang makikita kung ano ang sinisimbolo ng bansang ito. I've never got the chance to adore it because I was too busy for my business and looking for yummy foods.

Huminto ang sasakyan at nagmamadaling lumabas si wrecks at pinagbuksan ako.

Napakagat ako sa aking labi ng lumapat ang kanyang kamay sa aking kamay at inalalayan akong bumaba.

Aaminin ko, hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayare. The way he act when he's with me, itong mga sweet gestures na pinapakita niya sa akin. Hindi ko alam na ganito pala kasaya pero nakakapanibago. Lahat ng nararamdaman ko ngayon sa kanya ay bago at para bang hindi ko maisip na masanay sa mga ganitong bagay kasama siya.

"Where are we?" tanong ko at inilibot ang paningin.

May nakikita akong tubig sa hindi malayo dito.

"Sa tingin ko malalaman mo kung nasaan tayo dahil dito." aniya kaya tumingin ako sa kanya na may halong pagtataka ng makita ang kaba na nakaguhit sa kanyang mukha. Napangisi ako.


"Ano?"

Pinagmasdan ko siyang mabuti at bago pa siya magsalita ay naka ilang beses pa siyang lunok na ikinangiti ko.

"Since you love food, what food does have a patty, tomato and just cheese but it's a yummy combination?"

Seriously?

I let out a heavy sighed and look at him so intently.

"That was supposed to be a joke, right?" And I wore some awkward smile.

Ngumuso siya at ngumiti. "Fine, we're in hamburg." tumango siya sa sinabi ko.

I never thought that wrecks can be this sooo corny.

"I know, it was failed joke, RIP." he said and grabbed my hands once again.

Magkahawak kamay kami habang naglalakad at mas nauuna siyang maglakad sa akin kaya nagkaroon ako ng oras para pagmasdan ang mga kamay naming magkahawak.

It felt so unreal.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at pasimpleng kinuhanan ng litrato ito at dahil nakalimutan kong hindi pala naka-mute ay tumunog ito dahilan kung bakit napalingon si wrecks sa akin at sa hawak kong phone.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon