< 19 >

1.4K 37 0
                                    

Matagal bago pa ako nakabalik sa table namin ni raven. Halos hindi ko maramdaman ang sarili ko dahil para bang nablanko ang isip ko dahil sa nangyare. Ni hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako ni raven.

"Mavy! Are you okay? You've been spacing out." nagaalala niyang tanong sa akin habang nakahawak sa balikat ko.

Halos tango lang ang naisagot ko kay raven. Napatingin ako sa gawi ng inuupuan ni wrecks kanina pero wala na siya doon. Bumalik nanaman ang sakit na naramdaman ko kanina dahil naalala ko nanaman ang masasakit na salita na sinabi niya sa akin na alam kong totoo.

Kasalanan ko naman kase talaga eh. Pati sila tito ed, nadamay sa magulo kong buhay. Kung hindi nalang sana nangyare yon, edi sana wala akong nasirang buhay. Okay lang sana na ako nalang ang masaktan huwag lang ang ibang tao, huwag lang si wrecks.

Halos hindi ako makausap ng matino ni raven tuwing tinatanong niya ako sa ginagawa niya. Napakagat nalang ako sa aking labi ng humarap siya sa akin at hinawakan ang noo ko.

"May masakit ba sayo? You don't look okay."

Mabilis naman akong umiling. "I'm...just tired." ani ko at umiwas ng tingin.

"Then you should've told me earlier, I'm done with here. I'll take you home, mavy."

Nanlaki ang mata ko. "Huh? H-huwag na, raven. Nakakahiya naman." pagtanggi ko.

Bigla namang nalungkot ang mukha ni raven habang nakatingin sa akin.

"Hanggang ngayon pa ba, tatanggihan mo parin ako mavy? I know you're not fine at konsensya ko na kung sakaling may mangyareng masama sa iyo."

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko maiwasan maguilty. Ilang beses ko na nga pala siyang tinatanggihan sa mga alok niya and in fact, halos siya na talaga ang gumawa ng project ko na dapat ay ako.

Sa huli ay pumayag na ako sa gusto niyang mangyare na ihatid ako. Mabait naman si raven, matalino, at siya lang talaga ang tinuturing kong kaibigan sa school.

Sumakay na kami sa kotse niya at sinabi ko naman sa kanya kung saan ako nakatira.

Tahimik lang ang naging biyahe namin dahil halos ang laman ng isipan ko ay ang mga katagang iniwan sa akin ni wrecks. Hanggang sa nakarating na pala kami sa harap ng building ng condo ko.

Pinagbuksan ako ni raven ng pinto at inalalayan ako sa pagbaba.

"Thank you, raven." tipid ko siyang nginitian.

"Always, mavy."

Akmang tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Mavy I know that you have a huge responsible in your company's business but as you can see, your grades are getting low. Nagaalala ako na baka kapag nagpatuloy ang ganito, baka you won't make it in grad and I don't want that to happen. You're smart, mavy. Please settle your priorities."

Nabigla naman ako sa sinabi ni raven. He's right and I don't know what happen but I still managed to smile at him even though I know in myself, my heart is now scattered into pieces.

Mas pinili ko nalang na hindi magsalita. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako tuluyang tumahak sa condo ko.

Hindi pa ako nakakarating ay tumulo na agad ang mga pinipigilan kong luha. Damn, I really don't know why is this happening to me!

At the end of the hallway, I found myself crying and letting out all the pain that I chose to hide moment ago.

Nanghihina akong napasandal sa pader at itinago ang mukha sa aking mga tuhod. I don't want someone to see me at this fucking state but at the same time, I'm just a human after all. Mahinang babae lamang na nakakaranas ng sobrang sakit na idinulot ng mga taong pinakamamahal ko.

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon