FINAL CHAPTER

2.1K 44 1
                                    

"Meeting adjourned..." I said and get myself out in that room.

Niluwagan ko ang neck tie ko sa oras na nakapasok ako sa aking opisina. I comfortably sat on my swivel chair and check all the papers that I have on my table.

At sa oras na natapos ko na ang mga paperworks ay napatingin ako sa relo ko. Hmm, it's already 3:59. Tinawag ko ang secretary ko na agad pumasok pagkatawag ko.

"Ms. Dela Cruz, clear my remaining appointments today." inayos ko ang lamesa ko at kinuha ang laptop.

"Yes, Sir Arktwood!"

Pagkaalis ko sa opisina ay nagmaneho na ako papunta sa isang coffee shop. Pwumesto ako hindi kalayuan sa pintuan ng coffee shop na yon. Habang hinihintay siya ay inabala ko ang sarili ko sa trabaho.

Napatingin ako sa oras at maga-alas singko na pero wala pa siya. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa pintuan dahil tumunog ito. At doon ko nakita ang babaeng hinihintay ko, when her eyes met mine, I knew from the start that I want to know her more.

Dala ang kanyang mga gamit at laptop ay umupo siya sa bandang dulo ng coffee shop na ito. Hindi ko mapigilan alisin ang mga mata ko sa kanya, para akong hinihigip ng mga titig niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

I've met a lot of girls at her age but I've never had this kind of feeling. Iyong tipong nakakaadik siyang pagmasdan, hindi ka magsasawang titigan ang maamo niyang mukha.

Hanggang sa hindi ko namalayan, araw araw ko na pala siyang inaabangan sa lugar na iyon.

Tinignan ko ang oras and it's almost time that's why I called my secretary and when she enters the room, she was smiling.

Magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako. "Sir, I've already cleared your schedule today and the next day and this week..." chealsy said that made me smile.

Ni hindi ko nahalata na ang nakakapansin na rin pala ang mga tao sa paligid ko.

I sighed and slightly chuckled.

"Hmm, from now on, make sure that I'm free at this time..."

"Girlfriend po ba, sir? Ang swerte naman niya!" my secretary giggled.

Napahinto ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Umiling ako at natawa sa sinabi niya. Kahit kailan hindi pumasok sa isip ko ang salitang girlfriend pero simula ng mabanggit iyon ng sekretarya ko ay ang batang iyon agad ang pumasok sa isip ko.

I must be out of my mind.

"We need to do everything just to protect her, anak. Utang ko sa mga magulang niya ang buhay ko."

My dad told me to look after to that girl. Utang ni papa ang buhay niya sa mga magulang ng batang babaeng iyon. And to be honest, I pity her.

She's lonely and have no family by her side. Walang natira sa kanya kaya ang makita siyang pumasok sa eskwelahan at pagkatapos ay magtrabaho para sa kanilang kompanya ay tumaas ang respesto ko sa babaeng iyon.

Pasan niya lahat ang responsibilidad na naiwan ng magulang niya. Tanging ang pinsan niya lang na lalaki na kasalukuyang Vice president sa kanilang kompanya. Inako niya ang pagiging presidente sa edad niyang iyon. Lalo na at ang kompanya nila ang nangunguna pagdating sa mga local products.

Madaming tao ang gustong mawala ang pangalan ng kompanya nila sa unahan. Kaya nga ng pumunta siya sa europe para makita ang mga materyal na binili niya ay hindi ko mapigilang kabahan.

"I want to formally introduce myself even though I know you already know me, I am Mavy Eliszua Decares, please nice to meet you...M-Mr. Arktwood?"

WAY: Ayrxton Wrecker [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon