Chapter 1

2.6K 51 5
                                    

     Paunawa:
             Ano mang pag kakatulad sa kwento ninuman ay hindi sinasadya at maaring nag kataon lamang ang mga salita,tauhang mababasa ay parti lamang ng kwento. Malawak na pang unawa ang kailangan maraming salamat.

       
Gelo PoV...

     Unang araw ng trabaho hindi na bago dito sa manila ang traffic medyo nakasanayan kunalang rin sa ilang taon ko dito wala ng bago. Mabahu mausok at kung ano ano pa sabe ngasa isang pilikula ang mundo ay parang isang palingke magulo maraming tao pag dika tumingen ng maayos ay maaring manakawan ka. Totoo nga litiral na nakaw talaga at matagal nayon ayaw kuna maalala college pa ako noon at dahil doon ay hindi ako nakapag exam muntik na akung hindi maka graduate.

Mabuti nalang ngayon at nakaraos na ako sa sunogan ng kilay buong akala ko talaga hindi na ako makakapag tapos. Ako ngapala si Gelo Marasigan hindi ka gwapuhan pero sabi nila maapil naman daw ayaw kunalang mag salita basta yon nayon kung ano nakikita nyo yon ako walang kaartihan. Wala naman talaga akung karapatan mag inarti unang una hindi ako gwapo walang yaman na maipag mamalaki simpleng tao at isa pa walang pera ahaha oo totoo yon.

Basta ang alam kulang may takot ako sa diyos ayaw kung gumawa ng hindi maganda lalo nasa kapwa naniniwala ako sa karma ano. Ang hilig kulang kumain at manood ng movie k-pop yon manood lang pala walang pagkain saka na pag may work na sa kagaya kung fresh graduate tipid tipid muna saka na ang luho pag nakaraos na. Mag isa lang ako sa buhay tanging ang tita ko lamang na nasa saudi ang nag papaaral sakin kahit masungit yon malaki ang utang na loob kusa kanya wala ako dito kung hindi dahil sa mga tulong nya sakin.

Bata palang ako hindi kuna nakita ang isa sa magulang ko kahit sarili kung ina ama diko mga kilala. Ano ngaba ang magagawa ayaw nila sakin wala rin naman akung makuhang sagot kay tita o kahit kay lola na nag palaki sakin noong nakaraang taon ay iniwan na ako ni lola masakit oo dahil ito lang ang nag mahal nag alaga sakin. Sa lola kulang naramdaman ang pag mamahal na hindi sakin binigay ng mga totoo kung magulang si lola yong andyan para alagaan ako kahit na minsan ay makulit ako sya yong nag tatanggol sakin pag inaasar ako ng mga bata sa paligid ko.

Noong nasa probensya pa ako nakatira kasama ang aking lola ay wala akung halos kaibigan. Hindi ko alam pero ayaw nila sakin isa daw kase akung putok sa buho anak na maligno anak ng nuno sa punso at ulila ilan lang yan sa mga tukso sakin ng mga bata sa paligid ko. Wait may isa pa pala baluga ulikba yan pa pala ang tawag nila sakin oh diba pangit talaga ako wag na kayo mag hanap ng gwapo itchura sakin kase wala ako noon kahit nga pang bili ng sabon na maayos ay wala kame tipid sa lahat ng bagay dahil tanging ang tita ko lamang ang nasuporta samin ng lola ko na kung minsan ay wala pa itong padala samin.

Kinalakihan kuna ang ganong sitwasyon ng buhay kaya pag may pag kakataon akung mag trabaho sa araw ng sabado at linggo ay hindi ko ito pinalalampas. Yan ako masipag sa lahat ng bagay lahat na ata ng trabaho ay danas kuna andyan yong nag titinda sa palingke ng mga gulay walis niyug at kung ano ano pana pweding pag kakitaan. Para may pang tustos ako sa aking pag aaral at ganon rin sa lola kuna tumatanda na pero ayon at subrang sipag parin kung hindi sya nag lalaba sa bahay ng mga teacher ko ay nag papaupa ito sa pag tatanim sa bukid at kung ano ano pa.

Pero iwan kuba kahit anong sipag sikap namin mag trabaho ni lola ay kapus na kapus parin kame sa buhay. Andyan yong puputolan kame ng kuryente ng kapit bahay kung saan kame nakikisaksak dahil wala naman daw kame maibayad. Minsan tanging saging lamang ang kinakain namin lalo nasa gabi naaawa ako sa lola ko subra kaya noon palang ay nangarap na akung yumaman magkapera at para mabilhan ko ng masarap na pagkain ang aking lola.

Ang sakit sa dibdib na makita mo ang mahal mosa buhay na halos walang makain matanda nasi lola kaya gusto kung iparanas sakanya ang buhay na maginhawa. Sa edad kung 10 ay mataas na ang pangarap ko walang puwang sakin ang pag lalaro ng kung ano ano hindi ako kagaya ng ibang kabataan na laro doon laro dito. Ako sa lahat ng oras ay pag tatrabaho ang nasa utak ko magka pera lamang ang tange kung pinang hahawakan sa aking sarili ay ang pangarap na makaangat sa buhay lage kung sinasabe sa aking sarili na hindi ako laging ganito na balang araw matutupad ko ang lahat ng aking mga pangarap sa buhay.

Lalo na ang magkaron ng maayos na bahay yong hindi kagaya ng tinitirahan namin ngayon na isang hangin nalang ay bibigay na. Siguro nga kung hindi kame napiligiran ng magagandang bahay ay matagal ng sira ang maliit naming pasira at puro tagpi ng bahay. Sadya ngang napag iwanan kame ng mga katabe namin dahil lahat halos sila ay magaganda na ang mga bahay nag papagandahan pero ang hindi magandang nangyare sa buhay nila ay kasabay ng pag angat nila sa buhay ganon rin ang pag sama ng kanilang mga ugali siraan doon siraan dito ganito si ganyan ganon si ganito yan sila sa araw araw.

Yong parang pag mayron si ganito at bagong ganon ay dapat matatapatan rin ng isa inggitan ganon. Kahit nga kame ay hindi nakakaligtas sa mga pang lalait nila kulang nalang ay palayasin kame sa sarili naming bahay dahil nakakasira daw kame ng tanawin dahil may isang bahay na bulok at pangit ang nasa gilid ng kanilang mga bahay. Hindi kunalang sila pinapansin sa twing makakarinig ako ng ganito pasok sa loon ng aking tinga at labas agad sa kabila.

Alam ko kase na hindi rin sila makakatulong sa buhay namin kung papatulan kupa at sa bandang huli ay ako rin ang magiging masama. Mahirap lang kame at ang mga kagaya namin ay walang karapatang magalit at mag riklamo. Kuya Kuya Gelo ikaw na diba maaga ka ngayon ano pang tinatanga tanga mo dyan maligo kana nangangarap ka nanaman dyan bumalik ako sa ulirat andito na pala ako sa manila at wala nasa aurora kung saan ako dati tumira namis ko bigla ang lola ko.

Itutuloy....

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon