Chapter 9

849 32 1
                                    

PAUNAWA :
Sa ano mang pag kakatulad ng kwento ninuman ay maaring nag kataon lamang ano mang salita ang mababasa ay parti lang ng ikagaganda ng kwento malawak na pang unawa ang kailangan.

Maraming salamat

Gelo Pov...

•Flashback

       Gelo umuwi ka muna sa bahay nyo tawag sakin ng aking mga kakilala ko namasukan akung helper sa isang maliit na Tindahan malapit sa amin. Pang dagdag narin sa pang araw araw at para makaipon dahil sa susunod na pasukan ay muli akung mag aaral ito ang pangako ko kay lola dahil nag mahinto ako ay tutol sya dito. Dahil paano nalang daw ang kinabukasan ko pag hihinto pero dahil ako ang may kagustohan ay wala rin si lola nagawa nong panahon kase nayon ay hindi ko talaga kaya. Mas iniiisip ko ang makakain namin ni lola at ang kanyang karamdaman na hindi namin matukoy dahil sa wala kaming sapat na pera para sya ang madala sa pagamutan.

Nag kukumahog akung umuwi sa aming bahay nadatnan ko doon ang ilan naming mga kapit bahay na nakikiusisa. Gelo bilisan mo inaantay ka ng lola mo pag pasuk kupalang ay nakita kung nakahiga si lola sa maliit nyang papag parang hinang hina ito. Lola ano po ang nangyare sainyo dadalhin kupo kayo sa hospital lola umiiyak na ako apo ayos lamang ako wag kana umiyak hindi ba may trabaho ka bakit nauwi kapa ayos lang ako apo kaunting pahinga lamang ito ay ayos na ako. Lola alam kung hindi kapo ok nanghihina ang katawan mo ano po ang nangyare sainyo. Gelo nawalan ng malay ang lola mo doon sa tabing kalsada mabuti nalang at may nakakita sakanya na kakilala at inalalayan nilang iuwi sya dito sa bahay nyo.

Mah pahinga na muna kayo dito lola lalabas lang po ako at hihinge ng tulong para madala ka ngayon sa hospital. Apo wala tayong pera maayos na ako dito nalang ako sa bahay ipag timpla mo nalang ako ng maiinom para mainitan ang aking sikmura at maya maya malakas na uli ako wag kana mag alala sakin. Siguro po lola hindi kayo kumain manlang bago kayo umalis ng bahay alagaan nyo naman po ang sarili nyo paano nalang po ako pag nawala pa kayo wala na akung ibang pamilya.

Tumayo ako at nag tungo sa kusina para ipag timpla sya ng kape manlang nag lugaw rin ako at linag yan ng isang itlog para may lasa kahit paano. Mabuti nalang at may inabot kanina yong babae sakin sa pag bubuhat ko ng kanyang mga binili. Lola kumain kapo muna ng mainitan ang sikmura mo nag lugaw po ako pinaupo kusi lola ng maayos medyo pahiga para masuboan ko ng lugaw. Apo ipangako mo sakin na mag aaral ka ng maayos at pag dating ng araw matutupad mo ang pangarap mo wag na wag kang susuko. Alam kung kaya mo gawin yon kahit wala na ako sa mga oras nayon wag mong hahayaang manatili kasa sitwasyon mo ngayon dahil kung wala kang gagawin hindi mag babago ang tingen sayo ng mga tao. Mag sikap at mangarap ka para pag dating ng araw makuha mo ito lahat sa mabuting paraan.

Kahit wala ako sa tabe mo magiging masaya ako apo lola wag kapo mag salita ng ganyan sa aking pag tatapos at pag tupad ng mga pangarap ay kasama kita. Lola ubusin mopo ito at mamaya ay gagawa ako ng paraan para madala kita sa hospital madalas napo ang pagka hilo mo baka po kung ano nayan lola nag aalala po ako sayo. Kung maari lang na ako nalang ang makaramdam ng sakit mo lola kukunin ko sayo yan dahil ako bata pa at kaya kung labanan kahit ano payan. Mahal na mahal po kita lola wag mo akung iiwan ikaw nalang ang may ron ako paano nalang ako lola pag wala kasa tabe ko. Apo nararamdaman kung nanghihina na ang aking katawan hindi narin ako pabata may edad na ako apo kaya tanggap kuna kung hanggang dito nalang ako. Ang gusto kunalang ngayon ay makasama kita yong masiguro kung ikaw ay nasa maayos na kalagayan kung sakaling ako ay umalis.

Wag kang malulungkot apo dahil doon makakasama kuna ang aking mga magulang kapatid. Doon walang hirap kaya wag mo ako iisipin sa twing maiisip mo ako apo sa twing nalulungkot ka isipin mo ang magagandang ala ala natin na mag kasama yong mga kwento ko sayo. Lalo na pag hindi ka makatulog noong bata kapa kung gaano tayo kasaya kumain kahit ang ulam lamang natin ay ilang pirasong tuyo o kung minsan ay linagang talbos ng kamote.

Ipangako mo sakin na matutupad ang mga pangarap mo sayo ko iiwan itong bahay natin. Diba nangako ka balang araw ay pagagandahin mo ito hindi man kagaya ng mga katabe nating bahay basta maging maayos lang ay ok na sakin. Sana pag maganda na ang bahay natin ay isabit mo ang aking larawan sa ding ding ng bahay na ito. Wag mong hahayaang kunin nila ito sayo dahil ito ang tanging pamana ko sayo na maiiwan. Lola naman wag kang mag salita ng ganyan matagal pa tayong mag sasama lola dito po muna kayo pupunta po ako saglit ng brgy. Para himinge ng tulong. Agad agad akung lumabas ng bahay iniwan ko ang aking lola na nakahiga sa kanyang papag at nag tungo ako sa brgy kung saan nandon ang ilan sa aking kilala at dating naging amo ni lola nong sya ay malakas pa.

Hindi naman sila nag dalawang isip na kame ay tulongan gamit ang service ng aming brgy. Nadali si lola sa malapit na pagamutan. Ayaw panga pumayag ni lola noong una munit wala rin syang nagawa sa aking pakiusap agad syang linagyan ng oxygen pag dating sa hospital dahil hindi sya makahinga ng maayos. Subra ang aking pag aalala halos manginig ang buo kung katawan lalo na ng ipasok nasya sa emergency room dahil sa patuloy na pag taas ng kanyang dugo. Ang sabe ng doctor may pumotok na ugat sa kanyang bandang leeg. Marahil ay dahil sa kanyang sakit sa high blood ang dahilan. Doc gawin nyopo ang lahat iligtas nyopo ang aking lola wala napo akung ibang pamilya kame nalang dalawa maawa napo kayo samin. Habang patuloy ako sa pag iyak wala akung nagawa kung hindi ang maupo nalang sa isang sulok at nag antay sa pag labas ng doctor Sa emergency room kung saan andon si lola.



Itutuloy.....

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon