Chapter 11

851 30 4
                                    

Paalala...

Ang kwentong itong ay pawang mga kathang isip ko lamang sa mga Maaaring pag ka katulad ng kwento ninuman ay hindi sinasadya at nag kataon lamang.

Maraming salamat

Gelo POV..

     Ilang araw na pag kalibing ni lola ay hindi parin ako halos makakain ng maayos at makatulog sa gabi. Andon yong bigla akung magigising sa isang kaluskos akala kupa minsan ay nasa tabe kulang si lola at hinahaplos pa nito ang aking buhok sa aking pag tulog. Sa tuwing mananaginip ako ng ganon ay mas masarap ang aking tulog madalas nga ay mas gusto kupang ganon ang mangyari sakin sa gabe o kaya ay mas gusto kupang mag pakita manlang sya sakin para sa ganon ay mayakap ko si lola. Nararamdaman kunalang ang pag tulo ng aking luha sa tuwing maalala ko ang mga bagay na ginagawa nya sa loob ng bahay. Gelo tawag sakin ng aking tita ada medyo malakas ito at nagulat ako wala pa akung unagahan at kakagising kupalang noon. Akin na ang papel ng bahay na ito kame ang gumastos sa lahat ng pag kakautang nyosa hospital pati ang pag papalibing sa lola mo baon kame sa utang at gusto kung ibenta ang bahay at lupang ito para maibayad sa mga pag kakautang saad ni tita ada sakin.

Pero tita hindi po maari dahil ang bahay na ito at kay lola at saan po ako titira pag nawala pa ito sakin. Aba Gelo wala na akung pakialam don mag hanap ka ng matitirahan mo sa mga kakilala mo wala na akung pakialam basta ang gusto ko ay umalis kana at ibigay mo sakin ang titulo ng bahay at lupa sigaw nito sa aking harapan. Ang buo kupong pag kakaaam ay nag tulong tulong ang brgy. Para sa mga gastos ni lola pati posi mayor ay nag bigay rin kaya paano pong kayo ang gumastos sa pag papalibing sa aking lola. Saka tita Ada kamag kayo ni lola nararapat lang na timulong kayo ng walang kapalit di poba. Aba batang ito ang kapal naman ng pag mumukha mo para sumagot sakin ng ganyan. Ano ba ang tingen mo nag sisinungaling ako sayo wala kang utang na loob saka wag na wag mo ako matita tita anak kalang naman ng pamangkin kusa pg kadalaga ni hindi nga namin nalaman kung sino ang tutuo mong ama.

Lumayas kana sa pamamahay nayan dahil hindi sayo nararapat ang bahay nayan pag aari yan ng pamilya ko. Hindi ka namin kadugo kaya wala kang karapatan pag balik ko dyan ay ayaw kunang makita ang pag mumukha mo kaya umalis kana kung ayaw mong ipa brgy kita. Gulong gulo ang utak ko nong umagang ito saan ako pupunta at bakit nila nasabing hindi nila ako kadugo ang sakit naman nila mag salita purkit wala nasi lola kung dati hindi nila manlang ako lingunin ngayon ay hito at pinalalayas pa ako sa bahay na kinalakihan ko. Hindi ako papayag na maibenta nil ang bahay na ito. Sakin ito naiwan ni lola kaya sakin ito walang sinuman ang makakakuha nito sakin.

Gelo sigaw ng anak ni tita pag pasok palang nito sa loob kita muna ang pagka pangit ng itchura nito. Hindi naman pisikal kung hindi sa ugali kung anong gwapo ng kanyang mukha munit kabaliktaran sa kanyang ugali. Para syang angel na ugaling demonyo anong tinitingen tingen mo dyan Gelo ano nababakla ka sakin baka gusto mong makatikim ulit sakin sabay tawa nito. Ibigay muna sakin ang papil wag munang antaying magalit pasi mama dahil hindi mo magugustohan ang gagawin sayo non.

Ang papil ba ang sinasabe mo wala akung alam dyan saka hindi ako papayag na mapunta kung kanino ang bahay namin. Sakin ito iniwan ni lola kaya akin lang ito subokan nyo akung saktan isusumbong ko kayo sa brgy. Pasinggal kung sagot sakanya aba at kailan kapa natutung lumaban baka nakakalimutan mo Gelo Si papa ang kapitan dito ipapaalala kulang sayo. Di kay mayor tama kay mayor ko kayo isusumbong ang kapal ng pag mumukha nyong galawin ang bahay na ito . Sa laki ng bahay nyo gusto nyo pang mang angkin ng hindi sainyo aba at talagang may lakas kapa ng loob sunagot sakin ng ganyan.

Hindi ko namalayang sinapak na pala ako nito at bumolagta ako nalang ako sa lupa sa kanyang laki ay para akung tinapong karton. Hindi lang yan ang matitikman mo pag hindi ka sumunod sakin tumayo ka dyan kung gusto mong lumaban ay gawin mo sa liit mong yan para kalang isang kuto sakin. Tumayo ako munit hindi ko alam munit palayo ang aking tinahak tumakbo ako at nag tungo sa likod bahay upang hindi ako nila maabutan. Tinangka pa akung habulin munit mabilis akung tumakbo kaya hindi rin nya ako naabutan. Sa kanyang laki ay mahihirapan syang maabutan ang kagaya kung batang sanay sa takbuhan. Inantay ko ang hating gabe bago ako muling bumalik sa aming bahay ang plano ko ay kunin lamang ang aking mga gamit at aalis ako. Mabuti nalang nong mga nakaraang araw ay naitago ko ang mahahalagang gamit na naiwan sakin ni lola kasama na dito ang kaunting halaga na aking naipon. At ang mga papil na kanilang hinahanap ang titulo ang ng lupa at bahay kasama ang kinatitirikan ng mga bahay dito sa aking paligid na pag aari rin pala ni lola.

Munit sa kasamaang palad ay nahuli ako nila sa liit kung bata nagawa nila akung itali na parang isang aso. Napaka tigas talaga ng ulo mong bata ka at nagawa mopang tumakas ibigay munalang ang kailangan namin at makakaalis kana. Kahit hindi kana bumalik dito sa aurora ay wala kaming pakialam alam mobang hindi ka naman talaga namin kadugo inamapon kalang ng pamangkin ko at hindi namin alam kung saan ka napulot. Tapos mag mamana ka ng lupa at bahay ng ganon ganon ganon lang. Ang pangit tingnan dahil kame ang totoong kadugo samin dapat yan isang palu ng sinturon ang hinambalos saking likuran ng aking tito asawa ni tita ada. Tama napo masakit tama napo ang impit kung sigaw at iyak dahil sa panyong nakatali sa aking bibig. Hindi lang yan ang matitikman ko sa oras na hindi mo kame sundin hindi talaga ako umamin kung nasaan ang hinahanap nila sakin nasa utak kunalang ay kung mapatay man nila ako ay bahala na at hindi dapat mapunta sa kanila ang titulo ng bahay. Napagod nalang silang bugbogin ako at nakatulog narin ako dahil sa sakit ng aking katawan munit naramdaman kung may nag kakalag ng aking tali. Si tin-tin bunsong anak nila at bumolong sakin na kuya umalis kana habang wala pa sina mama at papa. Sa likod ka dumaan para hindi ka makita ni kuya bilisan muna habang nakain pasi kuya sa kusina ito ang pera lumayo kana dito kuya sorry sa nagawa ng pamilya ko sayo. Sana dumating ang panahon na mapatawad morin sila mag iingat ka kuya Gelo.





Itutuloy....

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon