Chapter 2

1.5K 42 1
                                        

Ang kwentong ito ay nag lalaman ng masisilang salita at malawak na pang unawa ang kailangan. Kung may pag kakapariho ng kwento ninuman ay maaring nag kataon lamang maraming salamat.

Gelo POV.

Sipag naman ng batang ito ang swerti ng magulang mong bata ka sa edad mong yan nag hahanap buhay kana. Ito ang madalas kung naririnig sa mga tao sa palingke sa twing mag titinda ako sa araw na sabado at linggo. Kung alam lang nila ang buhay ko hindi kuna nakagisnan ang mga magulang ko basta ang alam kulang hindi sila nag kasundo at nag hiwalay rin at mula noon ay hindi na sila samin nag paramdam. Para lang akung isang aso na pag katapos ianak sa isang sulok ay iniwan nalang basta basta at may pumulot na ibang tao para akoy mabuhay.

Madaling araw palang ay gising na ako para kumoha ng paninda sa mga taong gustong mag patinda sakin kahit ano lang basta may kitain ako sa dalawang araw na walang pasok. Ang ibang kinikita ko ay binibigay kusa lola ko pang dagdag sa pang gastos sa bahay maliit na halaga lamang ito at kung tutuusin ay kulang pasa pagkain namin sa loon ng isang araw at hindi pa dito kasama ang pang ulam namin ni lola. Masaya na kami sa kanin lamang at talbos ng kamote sa likod bahay mairaos lamang ang gutom.

Gabe na noong makaubos ako ng paninda kung gulay kahit paano ay may kinita naman ako at binigyan pa ako ng tirang pagkain doon sa maliit na kainan ng pinag tindahan ko. Masaya akung umuwi sa bahay dala dala ang kaunting pagkain sa maliit na plastik pansit at ilang hiwang karne kaya alam kung sapat na ito samin ni lola hindi na nya kailangang mamitas ng talbos o kung ano para may pang ulam kame ngayong gabe. Pero malayo palang ako sa aming bahay ay kapansin pansin na wala kaming ilaw dahil nga nasa gitna ang bahay namin ng magagandang bahay ay kita mo talagang kame lang ang walang ilaw. Pag pasok kusa loob ay naabutan kusi lola na hawak ang maliit na bunsol o gasera maliit lamang ang ilaw nito.

Marahil ay kakaunti nalang ang natitirang gaas at halos mamatay nanga sa subrang liit ng sindi. Lola bakit po madilim tayo hindi poba tayo pinasaksak ng kapit bahay apo andyan kana pala halika na at kumain na tayo hayaan muna hindi tayo nakapag bigay sa kanila ng bayad nong nakaraang linggo dahil binayad kurin sa tindahan. Mas mahalaga ang pagkain natin sa araw araw pag hindi ko binayaran ang nahiram kung bigay at dilata sa tindahan ay hindi na tayo papautangin. Lola magkano lang naman po ang kuryente natin iisang maliit na ilaw lamang po hindi poba nila kayang intindihin yon isa papo lola hindi po sila iba satin kamag anak po natin sila. Pamangkin mopo sila lola at apo mo ang mga anak nila.

Nako apo hayaan muna saka tutulog narin naman tayo pagkakain natin masama ang mag tanin ng galit sa kapwa. Kung iyon ang abot ng kanilang pag iisip ay hayaan natin intindihin natin sila dahil tayo ang nakakaunawa. Hayaan mo apo at mag lalaba ako bukas kina ma'm cecil yong teacher mo yong ibabayad nila sakin sa pag lalaba at pag lilines ng bahay ay ibibigay kusa kanila para bukas ay may ilaw na tayo kahit paano. Halika na dito alam kung pagod kasa pag tatrabaho buong mag hapon kaya gutom kana sigurado ako.  Kita ko ang ngiti ni lola at ito ang nag papalakas sakin makita kulang na masaya si lola ay masaya narin ako kahit hikahos kame sa buhay.

Ano bayang dala dala mo apo usal sakin ni lola habang nag hahayin sa maliit naming lamisa. Lola pansit po at ilang hiwa ng karne ito masaya kung sagot kay lola mabuti apo at mabait ang nagpa tinda sayo ngayong araw pero dapat ay wag kang liliban sa pag aaral mo pag araw ng may pasok at wag kang mag tatrabaho mag aral kalang at ako na ang bahala sa pang araw araw natin kaya kupa naman habang nabubuhay ako ay hindi ko hahayaang tumigil kasa pag aaral mo sisikapin kung mapag tapos kasa abot ng aking makakaya.

Nakausap kuna ang tita mo sya na ang bahala sa pag aaral mosa high school kaya dapat ay mag sikap kapa makapag tapos. Ilang buwan nalang ay makakatapos kana ng elementarya kaya pag sikapan mong wag kang liliban sa klase mo. Opo lola mag sisikap po ako at pinapangako kupo sayo lola pag may trabaho na ako ipapagawa ko ang bahay natin hihigitan kupa ang mga katabe nating bahay. Yang mga masasamang ugali dyan sa labas na akala mo sila na ang pinaka mayamang tao dito sa bayan natin lalo nayang mga chismosa nating kapit bahay na akala mo hindi nanggaling sa hirap lola isasampal ko talaga sa kanila ang mga natupad kung pangarap pag nakatapos na ako at nakapag trabaho ang sasama ng mga pag uugali. Halos hingal na ako sa inis kusa mga kapit bahay namin na ang ina ay kamag anak pa namin. Apo umayos ka ng mga pinag sasabe mo hindi ganyan ang tinuro ko sayo kung napag salitaan ka nila ng hindi maganda o kaya ay napintasan ka nila ay parti lamang iyon ng pagiging tao nila.

Walang taong perpikto apo marahil ay masama ang mga nasabe nila pero ang mahalaga ay hindi mo sila pinapatulan at maging mababang loob ka lagi sabe nga ng magulang ko noong nabubuhay pa sila. Pag binato tayo ng bato ay batuhin natin ng tinapay o kaya naman ay samahan pa natin ng maiinom na tubig. Dahil sa bandang huli ay maiisip nilang mali ang mga nagawa o nasabe nila sa kanilang kapwa sa huli sila mismo ang lalapit sayo para huminge ng tawad at pag ginawa nila iyon buksan mo ang dalawang kamay mo para sila ay patawarin. Maiksi lamang ang buhay ng tao apo kaya habang ang tao ay nabubuhay sa mundong ito dapat maging masaya at wag tayong mag tatanim ng kasamaan dahil sa huli kung ano ang tinanim natin ay iyon rin ang aanihin natin hindi man makita ng ibang tao ang mga nagawa nating mabuti sa kapwa andyan ang nasa taas at sya na ang bahalang gumanti sa kabutihan natin. Hindi natin kailangan ang mga matiryal na bagay dahil ang lahat ng ito ay pansamantala lamang sa atin kung ano tayo ng pinanganak sa mundong ito ay ganon rin tayong babalik sa kanya.

Itutuloy....

Mr. CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon