PAUNAWA
Ano mang pag kakahawig sa kwento ng kahit sino ay maaring nag kataon lamang malawak na pang unawa ang kailangan sa ano mang mababasang masisilang salita na gagamitin dahil ito ay parti o bahagi lamang para ito ay mas gumanda.Maraming salamat
GELO poV....
Andito ako ngayon sa intablado habang inaantay ang aking pag tatapos suot ang puting damit na aking inarkila. Hindi ko maipaliwanag na saya ang aking nararamdaman sa edad na 13 ay malawak na ang aking kaisipan kung ano ang plano kusa buhay. Ang tanging gusto at pangarap kulang ay maiahon sa hirap ang aking mahal sa buhay at si lola yon kita ko ang kanyang pag hihirap mula ng bata pa ako hanggang magka isip. Hindi nya alintana ang init ng araw sa tuwing sya ay mag papaupa sa pag tatanim ng palay ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang manipis na balat ay wala syang pakialam mabigyan lang ako ng pagkain at hindi kame magutom.Natatandaan kupa noong unang araw ng pasukan grade 1 palang ako noon dahil wala akung pang bili ng gamit ay bininta nya ang nag iisa nyang singsing na pamana pa ng kanyang mga magulang. Hindi kupa ito noon lubos na uunawaan dahil ako ay bata pa lamang iisa lamang ang nasa utak ko dahil alam kung kakaibang lungkot ang nakita ko kay lola ng ibigay na nya ito sa taong pinag bintahan nya halos hindi nya ito bitawan at alam kung nag dadalawang isip sya kung ibibigay ba nya o hindi. Nakita ko ang kakunting luha sa mata ni lola at hinalikan pa nya ang singsing bago ito tuloyang pakawalan sa kanyang mga palad.
Hindi pa doon nag tatapos ang sakrepisyo sakin ng aking lola andyan yong halos hindi sya kumain at lagi ako ang kanyang gustong unahin bago sya kumain. At ngayon nga ay araw na ng aking pag tatapos sa elementarya katabi kusi lola mabuti nalang at pumayag ang aking guro na ako nalang ang mag isang lumakad at si lola ay hihintayin nalang ako dito sa harap ng intablado. Malungkot kung iisipin dahil silang lahat ay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay munit ako ay nag iisa suot ang bagong sapatos na pinag harapan kupang mabili.
Sa pag kakayas o pag bibinta ng walis tingting ay nakabili ako ng hindi kamahalang sapatos. Masayang masaya ako dahil ngayon lamang ako nagkaron ng ganitong sapatos at mula ito sa aking pinag hirapan. Noon ay nakatingen lamang ako sa mga batang nakasuot ng bagong sapatos dahil may mga magulang silang andyan para sila ay suportahan. Pero kahit ganon ay masaya narin ako andyan si lola na alam kung mahal na mahal ako. Tinawag na ang aking pangalan at umakyat na kame ni lola sa intablado para kunin ang aking deploma ng pag tatapos AnGhelo Ron Mag***o inabot sakin ang maliit na puting papel na aking pinag harapang makuha sa loob ng ilang taon kasama ang midalya at iba pang parangal. Masayang masaya si lola na sinasabit sa aking leeg ang lahat ng aking nakuhang award.
Huminga ako ng malalim bago ko binuka ang aking bibig at nag salita sa harap ng aking mga kamag aaral guro at mga magulang na andito ngayon.
Una posa lahat lubos po akung nag papasalamat sa diyos dahil biniyayaan po tayo ng maganda araw ngayon upang maidaos ang mahalagang araw na ito. Sa aking mga kamag aaral binabati ko kayong lahat gayon ang mga magulang na andito ngayon sa pag suporta nyo saming inyong mga anak. Sa aking mga guro na lagi andyan para kame ay pangaralan ng tamang asal nag silbing magulang habang kame ay andito sa paaralan. At higit sa lahat pinasasalamatan ko ang aking lola na subra kung mahal na mahal sya ang nag iisang nag taguyod sa aking pag aaral at gumabay sa akin mula ng akoy magkaisip. Naalala kupapo noong unang araw ng pasukan bata papo ako noon tandang tanda kupa kung paano bininta ng aking lola ang tinatago at iniingatan nyang singsing na ang pag kakaalam ko ay pamana pa ng kanyang mga magulang sakanya. Halos ayaw itong bitawan ng aking lola at kitang kita kusa kanyany mukha at mata ang subrang lungkot sa mura kung edad noon ay ramdam ko kung gaano ito kagalaga sakanya. Munit hindi nya ito pinansin dahil sabe nya mas mahalaga ang aking pag aaral at makapag tapos ako ng pag aaral. Marami pang mga sakrepisyo si lola sakin at lubos po akung nag papasalamat doon sa aking kamag aaral na andito ngayon mapalad kayong lahat dahil buo at andyan ang inyong mga magulang para kayo ay suportahan at ibigay ang inyong pangangailangan kaya nararapat lamang na ito ay atinng pahalagahan at suklian. Kung wala si lola si lola ay wala rin ako dito ngayon kaya ang lahat ng ito ay inaalay kusa kanya nangangako po ako na hindi ko sasayangin ang mga pangaral sakrepisyo mo sakin gayon sa aking mga guro na walang sawang sumopurta at mangaral saking wag ako susuko sa buhay. Sa aking teacher at adviser marami pong salamat sa sinabe mo sakin nong araw na malapit na akung sumoko sa aking pag aaral sabe mopo sakin noon na hindi ka laging ganyan angelo mas mabuti ng sa una ang hirap kung sa bandang huli namang ay makikita mo ang bunga ng iyong pag sisikap. Wag kang susuko sa mga pangarap mo at sa huli mag tatagumpay ka kung susuko kana ngayon palang ay sasayangin mo ang lahat ng iyong nasimulan sa buhay. Mula noon lalo pa akung nag sikap at ngayon andito ako sa inyong harapan tayo ay nag tatapos ng elementarya mabuhay po tayong lahat at sundin ang ating mga pangarap sa buhay.
Ang lahat ay nag sitayuan at nag palakpakan habang ang iba ay nakita kung nag pupunas ng kanilang mga mata pati ang mga guro sa aking likuran ay nag palakpakan. Sinalubong ako ng ngiti ng aking kamag aaral pag baba ko ng intablado at nag yakapan kame at binati rin nila ako taong 2005 ng ako ay mag tapos ng elementarya.
Itutuloy....
