CHAPTER 8: My first friend

785 43 0
                                    

Seraila's Pov.

Hours ang hinintay ko bago ko tuluyang isasagawa ang plano ko. Heh!.. Nothing can beat my plan!. Lahat ay polido at walang halong masamang bagay kaya sigurado akong magtatagumpay ito!.. Hinubad ko ang aking tsinelas at naglakad akong nakayapak. Maingay sigurado kapag nagsuot pa ako ng tsinelas at dumaan sa hallway.. Mabuti nang magpaa ako para nakokontrol ko ang mga yabag ko total wala naman sila Celine kaya hindi nila ako masisita ngayon.. It's my free time!!.. Binuksan ko ng dahan-dahan ang aking pintuan upang masiguro na walang kahit na sinong tao sa paligid. Ng magawa ko iyon ay dali-dali akong lumabas mula sa aking kwarto. Whooh! 1st mission accomplished.. Next step ay ang makapunta ako sa royal library.. Tumingin-tingin ako sa paligid kung meroong paparating na tao at ng masiguro ko nang walang kahit isa ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng Royal Library at pumasok roon.. " Wow!.." mahinang bulalas ko ng makita ang aking paligid.. Sobrang daming libro.. Lahat ng aking paligid ay napapalibutan ng mahigit milyon na mga libro at umaabot ito hanggang 2nd floor.. Encyclopedia, Dictionary, History, Language Guidance at marami pang iba.. Hmm.. Let's see.. Tungkol sa Blainoir Empire ang hinahanap ko so, maghanap tayo sa letter B.. Naglakad-lakad ako sa paligid upang mahanap ang mga libro na nagsisimula sa letter B ng mahanap ko na ay tiningnan ko ang mga libro na maaaring may konekta sa Blainoir Empire..

" Black Phenomenon, Blazing Fire of War, Black king V.S White king... " iyan ang tatlong libro na hinala kong may konekta sa hinahanap kong sagot.. Dinala ko ang mga librong ito sa isang lamesa at binasa ito doon.. Ok basahin muna natin ang unang libro na nakita ko.. " Black Phenomenon: Dati nang nabalot ng matinding kadiliman ang buong mundo sa kagagawan ng Black king.. Marami ang namatay at nagdusa sa pangyayaring ito. Sinisisi ng mga tao ang Black king dahil sa nangyaring ito at dahil dito, nagkaroon ng malaking trauma ang mga tao na naging sanhi ng mas malaking kaguluhan, ang Black Phenomenon.. Lahat ng puso ng mga tao ay nabalot ng kadiliman na syang ikinasira ng buong mundo ngunit sa gitna ng mga ito, naisilang ang isang munting pag-asa na pumigil sa lahat ng ito at binago ang lahat.. Muli, namayapa ang mundo at naging masaya ulit ang mga tao.. " Huh?.. Maganda syang istorya pero hindi parin ito ang hinahanap ko.. Agad kong itinigil ang pagbabasa ng mapagtantong wala itong kinalaman sa hinahanap kong impormasyon. Isinantabi ko muna ito at binasa ang pangalawang libro.. " Black king V.S White king: Deiron, ang pinakamalakas na black king spirit na nagpalaganap ng matinding kasamaan noon ay muling nagpalaganap ng kasamaan kasama ang pinagsisilbihan nitong amo.. Muli, lumaganap na naman ang lagim sa buong paligid at muling nasira ang kapayapaan sa puso ng mga tao. Pero sa kabilang banda, biglaang sumulpot ang isang tao na amo ni Weir, ang pinakamalakas na Light king spirit at kinalaban sila Deiron— Whaah.. Hindi parin ito yon.. " Haist! Huling libro na lang ang huli kong pag-asa.. Aabutin ko na sana ang libro at babasahin ng biglang namatay ang ilaw at lumagabog at pintuan.. Whaaah?..

* Click!.. *

Teka!. Hwag mong sabihin na inilock ako dito?!.. Whaaaahh!... Siguro akala nila walang tao dito?!.. Sisigaw na sana ako ng tulong ng maalala kong pumasok ako dito ng walang pahintulot.. Baka pagalitan ako ni papa at ni kuya kapag nalaman nilang nandito ako sa Royal Library ng gabi.. Naghanap ako ng pwede kong lusutan at nakahanap ako ng isang bintana na sobrang laki.. Agad ko itong binuksan at tiningnan ang maaari kong babagsakan.. Geez!.. Anong gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng talunin ang bintanang ito dahil sobrang taas ng babagsakan ko... Sobrang dilim dito kahit pa may liwanag na nanggagaling sa bintana ay natatalo parin sya ng kadiliman dito sa loob.. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa pisnge ko ng hindi ko namamalayan.. " *sniff* A-anong gagawin ko?.. Ayoko na dito.. P-papa.. K-kuya.. " napaupo na lang ako sa may tabi at niyakap ang aking sarili.. W-weiron.. C-celine.. S-sorry.. Hindi na dapat ako pumunta rito ng hindi ako nagpapaalam..

" Why are you crying?.. " nagulat ako sa boses na bigla na lang nagsalita sa aking likuran. Papaanong?.. Agad akong lumingon saking likod at nakita ko ang isang batang lalaking nakasuot ng itim na lumilipad sa ere. E-eh?. A-anong ginagawa nya rito?.. S-sino sya?..

I Have Been Reincarnated In An Otome Game (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon