Ishgard's Pov.
Naglalakad ako ngayon papunta sa kwarto ni Seraila para gisingin sya mula sa mahimbing nyang pagkakatulog.. Dahil umalis na si Celine para ihanda ang darating nyang kasal, ako ang naatasang mag-alaga muna kay Seraila.. Ng makapunta na ako sa kanyang kwarto, agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa mahimbing na natutulog na si Seraila.. Inuga-uga ko ang kanyang balikat upang matauhan at magising sya mula sa kanyang tulog pero wala paring nangyari. Uulitin ko pa sana iyon ng may nakita ako na nakasabit sa kanyang leeg. Ano iyon?.. Nilapitan ko sya at kinuha ang bagay na iyon mula sa kanyang leeg.. Ano ito?.. Teka!.. Bakit nasa kanya ito?.. Sinong nagbigay sa kanya nito?. Posible bang nagkita sila ng batang iyon?. Bakit si Seraila pa?. Bakit nasa kanya ang Black Rose pendant?.. Hindi ko alam pero gabi-gabi nawawala si Seraila.. Sa una, hindi ko lang iyon pinapansin pero dahil nakita ko na ang necklace na ito sigurado na ako na sya ang napili ng lalaki na iyon.. Tsk! How troublesome.. Sabagay magkikita naman sila sa takdang oras at kapag nangyari iyon, hindi ko na alam ang mangyayari pa sa buhay nya..
****************************************************************************************************Seraila's Pov.
* Clack.. Plung..Clack.. *
Tahimik lamang kaming tatlo habang kumakain ng aming almusal... Si papa.. Hindi ko alam kung anong iniisip nya pero, hindi nya ginagalaw ang kanyang pagkain. Nakatingin lamang sya saamin nang may malulungkot na mga mata.. Parang may gusto syang sabihin pero hindi nya kayang sabihin sa amin.. Anong meroon sa kanya?.. itinigil ko ang aking pagkain at seryosong tiningnan si papa.. " Papa.. Meroon ka bang problema?.. " tanong ko sa kanya na nakapagpatigil sa pagkain ni kuya.. Sa tingin ko hindi lang ako ang nakakapansin sa kanyang ginagawa..
" Kung may sasabihin kayo, sabihin nyo na dahil hindi namin malalaman ang problema nyo kung tatahimik lang kayo.. " seryosong pangangaral ni kuya kay papa.. At kailan pa sya nag astang matanda kay papa?.. Sobrang tahimik ni papa and this silence is killing me.. Huminga ng malalim si papa bago sya magsalita..
" Fraisia Empire and Blainoir Empire offer a peace treaty.. " hindi ko alam pero feeling ko pinipigilan ni papa na maiyak.. Dahil bawat pagsasalita nya ay pumipiyok ang kanyang boses... Ang Fraisia at ang Blainoir?.. Ibig sabihin sumasang-ayon na sila sa mabuti at gusto na nilang magbago tama?.. para sa akin maganda iyon, mas magiging maayos ang kaharian.. Mas lalawak ang teritoryo at wala nang magaganap na gyera. Kung magkataon man, ay agad na kaming mananalo dahil sa suporta ng anim na emperyo.. Pero bakit malungkot si papa?.. Bakit parang mas hinihiling na lang nya na hindi nagoffer ang dalawang kaharian?.. Naga-alala ba sya na baka magtaksil ulit ang dalawang kaharian at lokohin sya na magreresulta ng mas magulong gyera?.
" Papaano kapag hindi mo tinanggap ang offer nila?.. Magkakagyera ba papa?.. Sasama ka ba sa gyera kapag nagkataon?.. " sa mga napapanood kong pelikula dati; kapag may nagaganap na gyera, laging kasama ang hari dito at sya ang mamumuno sa mga ito.. Nagaalala ako para kay papa dahil 4% lang ang kasiguraduhan na babalik ng ligtas si papa sa amin.. At ayokong mawala ang isa sa mga taong pinapahalagahan ko.. Para sa akin, ang existence nila papa at kuya ang pag-asa ko kaya kung may mangyayari mang hindi maganda sa kanila..... Hindi ko kakayanin.. Iminuwestra ni papa ang kanyang kamay papalapit sa kanya na nagsasabing; lumapit kami sa kanya.. Sinunod namin ni kuya ang gusto nya at umupo kami sa kanyang hita. Si kuya ang sa kanan at ako naman ay sa kaliwa. Inalalayan kami ni papa upang hindi kami mahulog at niyakap kaming dalawa..
" If someone wants one of your greatest possession,..... Will you gave it to them so that they can't hurt you and your family?.. " Tanong ni papa.. Mahirap sagutin ang tanong ni papa dahil kung ibibigay mo ang isa sa mga mahalaga mong kayamanan, sila lang ang makikinabang at labis ka lang masasaktan.. Pero kung hindi mo naman ibibigay, maaaring gantihan naman nito ang iyong sarili o kaya ang iyong magulang.. Naging masaya ka nga pero; mas maraming masasaktan at mahihirapan.. Tumikhim ako ng mahina upang makuha ang kanilang atensyon na nagawa ko naman..
BINABASA MO ANG
I Have Been Reincarnated In An Otome Game (book 1)
FantasyTo save the villain from the hands of the heroine's destuction, Marie has been reincarnated in Aleiro's world to save it from it's destruction route and love him truly.. Can she saved him from the destruction?. or another hidden route will open that...