Seraila's Pov.
" Lacrima? " tanong ni teacher Caleia saakin para sa aming pagsusulit.. Simula ng matuto akong mag magic noong isang buwan, ikinuha na ako ni papa ng private tutor tungkol sa magic.. Haist! Akala ko graduate na ako sa pagkuha ng exam yun pala, kahit na nasa ibang mundo ako ay kailangan ko paring mag-aral.. Haist!..
" Isa syang uri ng bato na ginagamit upang mag-imbak ng mahika.. Maaari rin syang gamitin bilang communication through magic.. " napatango si miss Caleia sa sinagot ko sa kanyang tanong. Whooh!.. Mabuti na lang at nakuha ko sya ng tama!..
" Papaano naman mapapalakas ang wind attribute powers mo ?.. " nagisip muna ako ng aking isasagot.. Wind attribute?. Ahmm.. Ano bang nakakataas ng wind attribute?.Garwine Orb?
" Garwine orb po ba ang sagot?.. " hindi suradong pagsagot ko sa kanyang tanong. Well tatlo ang kayang magpataas ng wind attributes at hindi ako sigurado kung alin yun doon.. kaya garwine orb na lang ang pinili ko.. Pansamantalang nanahimik si miss Caleia at tiningnan ang libro nyang hawak..
" You should be confident on your answer especially when all of them are correct.. " malamig na saad nya saakin.. Whooh! Natamaan ko na naman ang tamang sagot!.. Hehe.. Ibabalita ko ito lahat kay Shadow mamayang gabi.. Gabi-gabi kami nagkikita ni Shadow at lagi ko sa kanya binabanggit ang mga nangyayari sa buhay ko.. Pero dahil nga madaya sya, hindi nya sinasabi saakin lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kanya ang lagi nya lang sinasabi ay.... Malalaman ko rin kung sino sya sa nakatakdang oras.. Tsk! Ang corny nya noh?.. May pa nakatakdang panahon pang nalalaman..
" Miss Caleia, may nalalaman po ba kayo tungkol sa Blainoir Empire?.." isa pa yan.. Hindi parin ako tumitigil sa paghahanap ng impormasyon tungkol sa Blanoir Empire.. At kapag magtatanong na ako tungkol sa emperyong iyon.....
" Mabuti na kapag wala kang kaalam-alam sa bagay na iyan, princess.. " Iyan lagi ang sinasagot nila saakin.. Ano ba talagang meroon sa Blainoir Empire?.. Bakit sila laging nagkakaganyan kapag binabanggit ko ang pangalan na iyon?... " Ang Blainoir Empire ang simula ng kaguluhan. Kaya mas mabuti pa na wala kang alam sa kanila ng walang pahintulot ng emperor.. " pahintulot ni papa?. Kung ganoon, papaya si papa kapag naghingi ako ng pahintulot?.. Pero.. Ang sabi ni Weiron, hindi ko pwedeng ipaalam sa lahat na may gusto akong malaman tungkol sa Blainoir Empire kung ayaw kong maparusahan ng matindi.. Magtatanong pa sana ako ng mahalata ito ni miss Caleia at inunahan na akong magsalita.. " Siguro alam mo na prinsesa kung ano ang Mana tama ba ako?.. " Mana?.. Tumango ako ng marahan sa kanyang tanong. Ito ang kumokontrol sa kapangyarihan ng mga mage at spirits at kung wala nito, mawawalan kami ng kakayahan na magcast ng magic.. " Ngayon, subukan mong magcast ng magic kung papaano mo mapapalawak ang takbo ng mana sa iyong katawan.. " Ipinikit nya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim.. " Subukan mong irelax at isipin mo na may parang tubig kang inaagos sa iyong puso, isip at kaluluwa.. Kapag nagawa mo na, mararamdaman mo na ang pagkabalanse ng isang bagay sa iyong katawan.. " hindi ko maintindihan ang sinasabi ni miss Caleia pero ginaya ko na lang ang kanyang ginagawa. Inerelax ko ang aking utak at wala akong ibang iniisip kundi ang pagiimagine ng tubig na pumupunta sa aking puso, utak at kaluluwa.. Matapos ng ilang minuto, biglaan na lang ako nakaramdam ng pakakabalanse ng isang bagay mula saaking katawan at ang... Pagkawala ng aking bigat?.. Wow! Feeling ko gumaan ako kahit papaano. " Magaling mahal na prinsesa.. Ngayon, subukan mong gumamit nito.. " ibinigay saakin ni miss Caleia ang isang parihabang kulay asul na parang dyamante.. Teka alam ko ito ah..
" Lacrima?.. Anong gagawin ko dito, Miss. Caleia.. " takang tanong ko s kanya.. Hinawakan nya ito ng saglit at nakita kong umilaw ito ng sandali.. Mula sa lacrima, lumabas ang bulto ng isang hindi pamilyar na tao.. Isa itong batang lalaki.. Huh?.. Sino sya?..
" Mama?.. Bakit ngayon ka lang napatawag?.." nakasimangot na tanong nito agad ng makita si miss Caleia.. " Alam mo bang kanina pa ako naghihintay ng tawag dito?!.. " halos naiiyak na paliwanag nito.. Kulay dilaw ang buhok nito at kagaya naman ng kanyang mga mata ang kulay cerulean blue na mga mata ni miss Caleia. Mama?. So ibig sabihin ay anak ni miss Caleia itong batang ito?.. Agad napatingin saakin si miss Caleia at tinitingnan ang magiging reaksyon ko sa nangyayari. Teka! Iniisip nya ba na baka magalit ako sa kanya dahil sa pagtawag ng anak nya?.. Nginitian ko sya at umiling ako ng bahagya.. Sigurado akong namimiss na nya ang anak nya.. Mas mabuti pa kung magusap muna silang dalawa.. Biglang bumagsak ang mga luha sa mata ni miss Caleia na kanina nya pa pinipigilan at nagpasalamat sa akin.. Tahimik naman akong umalis at iniwan sila para makapagusap ng masinsinan.. Hmm.. Parang may kamukha yung batang iyon.. Saan ko nga ba sya nakita?..
BINABASA MO ANG
I Have Been Reincarnated In An Otome Game (book 1)
FantasyTo save the villain from the hands of the heroine's destuction, Marie has been reincarnated in Aleiro's world to save it from it's destruction route and love him truly.. Can she saved him from the destruction?. or another hidden route will open that...