Seraila's Pov.
" Satin bow headband or satin ribbon?.. " tanong ni Estelle sa akin habang inaayusan ang aking buhok.. Hmm.. Tiningnan ko ang aking buhok na golden-yellow at pinagmasdan kung bagay ba sa akin ang dalawa..
" I-pony tail mo na lamang ang buhok ko Estelle.. at hayaan mo ang bangs ko sa kanang bahagi tapos ilagay mo ang satin ribbon na kulay pula kung gusto mo.." ngumite sa akin si Estelle at ginawa ang sinabi ko.. Pagkatapos nyang gawin iyon ay tiningnan ko na ang sarili ko sa salamin.. Ang simple ng itsura ko pero maganda parin ang kinalabasan.. Bunagay ang style ng buhok ko sa kulay itim na long sleeve blouse uniporme na may naka-imprint na school emblem sa kanang bahagi at kulay pulang ribbon naman nagsisilbing necktie para sa girls. Habang ang palda naman ay kulay itim rin na may halong pula sa laylayan na hanggang below the knee lamang ang sukat.. Then above the knee naman na puti ang medyas namin na pinartneran ng itim na sapatos..
" Perfect.. Ang ganda mo na, My lady.. " natutuwang saad ni Estelle habang pinagmamasdan ang pinagsama naming masterpiece.. " Yeah girl power!.. " sabay naming saad at parehong nag-appir.. Itinuro ko sa kanya iyon ng pasekreto at tanging kaming tatlo lamang nila Tharathia ang nakakaalam nun..
* Knock..Knock..Knock..*
" My lady, naghihintay na silang lahat sa living room.. " pagtawag sa amin ni Weiron.. Opps.. Mukhang napasobra ang pagaayos namin ni Estelle at hindi namalayan ang oras.. Dali-dali kaming bumaba ni Estelle patungo sa living room.. Lakad-takbo ang ginawa namin ni Estelle hanggang makarating kami sa living room..
" I'm sorry I'm late.." paghingi ko ng Pasensya sa kanilang lahat.. Nakita kong nakaupo sila sa may mahabang sofa at nakangiteng binati ako..
" Slow as usual.. " Ehh.. Napatingin ako ng masama sa aking kapatid na ngayon ay tahimik na nagbabasa ng kanyang libro.. Ganoon pala huh?.. Tumikhim ako sandali na ikinalingon nya sabay bato ko ng aking bag sa pagmumukha nya haha Sapul!.. " What the hell?!.. " masama nya kong tiningnan dahil sa ginawa ko.. Hahaha Bleh! Buti nga.. Napatawa lahat ng nakakita sa ginawa ko. Mabuti nga at yung bag ko ang binato sa kanya at hindi itong sapatos ko kung hindi ay parang nasipa sya ng isang kabayo kapag nagkataon.. Biglang bumukas ang pintuan at dumating na si papa at Knight..
" After 11 years hindi parin kayong nagbabagong magkapatid.. " walang emosyong saad ni papa.. Lumapit lang sya sa aming dalawa at binigyan kami ng tig-isang kutos.. Yes, 11 years na ang lumipas simula ng mareincarnate ako sa mundong ito.. Sa una naninibago ako pero habang tumatagal, mas nasasanay na ako sa mga plot twist na nangyayari sa buhay ko... At ngayon, nandito na ako sa stage na pagpasok sa eskwelahan.. Ang simula ng Otome Game.. Ang stage kung saan mamimili na ang heroine kung sino ang gusto nyang makasama.. Definitely na hindi na nya mapipilit si kuya dahil sa may fiancée na ito; si ate Seleine at sigurado akong mahal nila ang isa't-isa.. Si Tharathia naman ay ibang-iba na ang ugali kaysa sa dating Tharathia na kilala ko sa game. Mas nag-improve narin ang relationship nila ni Serio kaya hindi na mangyayari ang pangb-bully ni Tharathia sa heroine ng walang dahilan.. After 11 years na nakasama ko sila, mas lumabas ang kagwapuhan at kagandahan nilang natural.. Maraming route ang nasira ko na patungo sa Sweetest at happy endings para kay kuya kaya ligtas na ang buhay nila Tharathia, Serio at Aleiro.. This past years, hindi ko pa rin nam-meet si Aleiro kaya hindi ko pa alam ang characteristic nya pero dahil nasira ko na ang route ni kuya, hindi na sya manganganib.. Siguro sapat na ang nagawa kong iyon para sa kanya..
" Ano pa bang hinihintay natin guys?.. Tara na!.." excited na samibit nila Tharathia at Serio.. Walang kaming nagawa kundi ang matawa sa inasal ng dalawa nagsimula na silang lumabas ng palasyo..
" Papa.. Bye.. " matapos kong magpaalam kay papa ay hinalikan ko sya sa kanyang pisnge.. ganoon din ang ginawa ni kuya at inakbayan ang kanyang fiancée na si ate Seleine at saka sumunod kayla Tharathia.. Inalalayan naman ako ni Knight sa aking kamay at sumunod na sa kanilang lahat.. Sumakay kami sa sasakyan na hinanda ni papa para sa amin.. Kaming dalawa ni knight ang magkasama sa isang kotse samantalang sa isang kotse naman si kuya at ate Seleine.. Sila Tharathia at Serio naman ay sumakay sa sarili nilang kotse papuntang school.. Ang school na pupuntahan namin ay isang bording school kung saan doon kami titira sa loob ng ilang buwan kada grade kaya kanya-kanya kaming dala ng mga bagahe.. Hala ginulo nga pala ni papa ang buhok ko!.. Agad ko itong hinagod at sinuklay gamit ang aking kamay.. napansin ito ni Knight at tinulungan nya akong ayusin ang buhok ko..
BINABASA MO ANG
I Have Been Reincarnated In An Otome Game (book 1)
FantasyTo save the villain from the hands of the heroine's destuction, Marie has been reincarnated in Aleiro's world to save it from it's destruction route and love him truly.. Can she saved him from the destruction?. or another hidden route will open that...