CHAPTER 17: Seasonal Flower Festival

549 36 0
                                    


Seraila's Pov.

" Quera este.. Abradabra.. " ng ibulong iyon ng babae, nagsiangatan lahat ng mga banner at ang mga isasabit na design sa ere katapat lang ng mga taong naglalagay nito.. Nasa may capital city kami ngayon ni kuya para bumili ng mga dapat bilhin para sa festival.. Hindi ko alam pero simula ng araw ng puppet show nila papa at kuya ay biglaan na lang naiisip ni papa na payagan kaming sumali sa Festival... Dahil dito, Mukhang magkakatotoo ang route ni kuya; ngayong, araw na ng festival.. Kahit wala pa akong ginagawa ay mukhang nagkaaminan na ang dalawa noong family bonding nila kaya masyado nilang idinidisplay ang pagkacouple nila.. Geez!.. Mga kabataan nga naman.. Siguro kung nandoon sila sa mundo ko, sila na ang perfect couple sa aming eskwelahan...

" Sera, Prince Xander!.. Bilisan nyo na!.. " naeexcite masyadong bulalas ng dalawa habang magkayakap.. Bruh!.. Ang lamig.. Hinawakan ni kuya ang aking mga kamay at inakbayan ako ng yakap..

" Malamig ang hangin kaya mas mabuti na kung katabi mo ako.. " haahaha.. siguro naiinggit si kuya sa dalawang magjowa na iyon.... Tinanggap ko na lang ito at hindi na nagreklamo pa. Naiinggit din naman ako kaya bakit pa ako magrereklamo?.. Mas mabuti na nga ito at hindi ako mao-out of place mag-isa. May kasama ako at iyon ay si kuya.. Naglakad na kami ng sabay patungo sa direksyon nila Serio at Tharathia na masayang nagkwe-kwentuhan.. Hmm.. Ang sabi sa kwento, nagkaroon ng love at first sight si kuya at sa heroine iyon.. Nakuha kaya ng heroine ang puso ni kuya?..

" Kuya, may nagugustuhan ka bang babae?.. " nakangiteng tanong ko habang sinusundot ng marahan ang kanyang tagiliran.. Gulat syang napatingin sa akin at namumulang itinago ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay.. Huh?.. So, totoo ngang may nagugustuhan si kuya?.. Kailan pa?!.. Pulang-pula ang tengga ni kuya habang pilit na inaayos ang tindig nya..

" Talaga kuya?!.. Inlove ka?!.. Kulay silver ba ang buhok nito na parang silk tapos may nakakahalinang kulay pink na kulay ng mga mata?.. " Pls. don't be the heroine.. Pls. hwag ang heroine... Masaya na sila Serio at Tharathia kaya pls. hwag ang heroine. Umiling lamang ng todo si kuya at sineryoso ang kanyang mukha.. " Kung hindi, eh di sino?!.. " iling lang ang ibinigay sa akin ni kuya at pilit na ilayo sa akin ang kanyang tingin... Maya-maya ay may isang boses ang nagsalita sa aming likuran..

" Prince Xander?.. Princess Seraila?.. " ng lumingon ako ay isang pigura ng babae ang nakita kong nakatayo sa aming likuran.. Maganda ito at simple lang ang pananamit.. Meroon itong kulay salmon pink na buhok at green na mga mata.. Hmm.. Bakit parang may kahawig sya?..

" Hmm.. Excuse me pero nagkakilala na ba tayo?.. " inosenteng tanong ko habang iniisip kung saan ko ba nakita ang kanyang pamilyar na itsura.. Parang nakita ko na talaga ang itsura nya eh! Saan nga ba iyon?.. Nagulat na lamang ako ng biglaang may sumiko ng mahina sa aking tagiliran.. Eeh?.. Ng nilingon ko ito, nakita ko si kuya na nakatalikod sa amin na may sobrang pulang mukha.. Aha!.. Alam ko na!.. Siguro, ito ang babaeng nagugustuhan ni kuya.. Hindi ko man sya nakita, sigurado akong nagkita na sila ni kuya ganoong kilalang kilala na nila ang isa't-isa.. Ngumite lang ang babae sa sinabi ko at nagbow ng kaunti..

" Pasensya na hindi ako nakipagkilala.. Ako nga pala si Seleine Alphasta.. Ang fiancée ni prince Xander.. " Magalang na pagpapakilala nito sa akin.. Owwwh!.. Sya ang fiancée ni kuya!.. Wait tama ba yung pangalan na narinig ko?.. Alphasta?!.. Hwag mong sabihin na......

" Kapatid mo sila Sigurd at Lewis Alphasta?!.. " di makapaniwalang bulalas ko sa kanya.. Hindi ko aakalain na may isa pang kapatid ang Alphasta brothers at babae pa ito.. Nagulat ito saglit sa tanong ko bago dahan-dahan na tumango.. Wow!.. As in wow!.. Good choice kuya!.. Kung magiging sister-in-law ko ang kapatid ng Alphasta brothers, hindi ba parang naging mga brother-in-laws ko narin silang dalawa?.. At isa pa, mas gaganda ang kaharian namin kung sila nga ang magkakatuluyang dalawa.. Mas may impluwensya ang kanilang pamilya kaysa sa heroine na walang ibang ginawa kundi ang mang-akit lamang ng mga capture targets.. " Miss Seleine, may kasama ka ba ngayon?.. " tanong ko rito.. Nahihiyang umiling lamang ito at malungkot na tumingin sa kanyang sapatos...

I Have Been Reincarnated In An Otome Game (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon