CHAPTER 6: Unsured Facts

1K 51 0
                                    

Seraila's Pov.

" Fraisia empire?.. " di siguradong sagot ko sa tanong ni Hadel.. Well, sya ang inassign na tutor ni papa para saakin. At first, ayaw ni papa sakanya sa hindi ko malaman na dahilan. Pero wala rin syang nagawa ng mapatunayan ni Hadel na kaya nyang ituro lahat ng kailangan kong malaman... Ano pa nga ba ang maaasahan mo sa kanang kamay ng hari at isa sa mga kinikilalang matalino sa Antarialle Empire.. Tumango-tango sya sa sinagot ko habang nagsusulat sa hawak nyang libro. Is my answer right?..

" Yes.. Your right. Mukhang may alam kang hindi ko inaasahan.. As expected to Antarialle's precious princess.. Pero sad to say, kokonti pa lang ang nalalaman mo sa history ng Antarialle.. " yes. Alam ko iyon dahil sa laro, mas pinofocus nila ang love story ng main character kaysa sa history nila. It's the good thing na may nalalaman akong tama kahit papaano.

" Well, ituturo ko muna sayo kung papaano nagsimula ang Antarialle Palace mula sa pamumuno ng iyong lolo. " Hmm.. lolo ko?.. Mabait kaya sya?, papaano sya namuno sa malaking palasyo na ito?.. " Sa pamumuno ni King Louis, ang iyong lolo, payapa ang buong bansa sa pamumuno ng iyong lolo. Hindi sya masyadong mahigpit sa kanyang mga katulong at lagi syang Naniniwala na ang mga tao ay dapat nagtutulungan.. So basically, ayaw nya ng war.."

" Then, namuhay ng mapayapa ang mga tao sa loob ng pamumuno ni lolo?.." wow! Ang bait naman pala ng lolo ko.. Hehe now that's the thing to be proud off!.. Pero nagulat ako ng umiling si Hadel na medyo natatawa.. Bakit?.. May mali ba sa sinabi ko?. Eh di ba, ayaw nya ng war?.

" yes.. Ayaw nya ng war.. Pero hindi ko sinabi na hindi sya tatanggap ng war lalo na kapag ikaw mismo ang nanghamon. Oo mabait ang former king pero maikli lang ang kanyang Pasensya lalo na kapag tungkol sa kanyang kaharian na ang paguusapan.. Ang rason kung bakit ayaw nya sa war ay dahil; He is a merciless king when it comes to battle.. Mapa bata o matanda ka man basta humarang ka sa dinaraanan nya, magdasal ka na dahil hindi ka nya patatawarin.. " seryosong pagkwe-kwento ni Hadel sakin habang nagsusulat parin sa hawak nyang libro. Oh!. Well hindi ko naman masisisi si lolo dahil ginawa nya lamang iyon para protektahan ang kanyang nasasakupan.. " Then pagkatapos ng 70 years, ipinamana nya ang trono sa kanyang nagiisang anak na si Caitel, ang iyong ama bago sya tuluyang mamayapa.. " so, Lahat ng alam ko Tungkol sa mundong ito bago ako mamatay, ay Tungkol lamang sa kaharian na pinamumunuan ni Xander. Ibig sabihin, ang tanging alam ko lamang ay ang concept at ang plot ng istorya sa love route ng heroine kay prince Xander.. Haist! Hindi ko nga alam na meron pa palang tatay si kuya Ruru kung hindi pa nya ako magiging kapatid.. How surprising..

" Kung ganoon, walang kapatid si papa?.. " takang tanong ko. Impossibleng mangyari iyon dahil ayon sa kwento, si duchess Beatrice, ang tita ni prince Xander ang dahilan kung bakit kinaayawan ni Xander ang mga babae. Napalingon sakin ng seryoso saglit si Hadel pero pinagpatuloy nya parin ang pagsusulat sa kanyang libro.. Ano bang importante sa libro na iyon at hindi nya mabitawan ito?.. Sinubukan kong sumilip ng konti sa kung ano ang ginagawa nya pero hindi ko magawa. Uhh.. Ano ba ang ginagawa nya?.. It's making me curious.. Agad syang ngumite ng bahagya at itinigil ang kanyang ginagawa

" I think hanggang doon na muna ang ituturo ko sayo.. Para sa iyong assignment, kumalap ka ng tatlo na facts about sa Fraisia Empire. Pwede kang magtanong sa mga taong nandito sa palasyo pero kapag hindi mo nagawa, hahalikan mo ako.. " pagkatapos nyang sabihin iyon ay agad na akong tumayo.. tsk!.. no way!..Sino naman kaya ang pwede kong pagtanungan ng assignment ko?..

" Umm.. Hadel?.. " napalingon sya saakin ng bigla kong tawagin ang kanyang pangalan..

" ano yung ginagawa mo kanina sa libro mo?.." well, kanina ko pa iyan gusto itanong sakanya dahil mas seryoso sya doon kaysa sa pagtuturo nya sakin. Gusto ko lang malaman kung ano ba iyong ginagawa nyang importante.. Sa una ay para syang nagulat sa tanong ko pero agad din naman syang natauhan at ngumise ng makahulugan. Yieek!.. What's with the creepy smile?!..

I Have Been Reincarnated In An Otome Game (book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon