Chapter 2 - A shocking night (Part 2)

32 0 0
                                    

(Dali dali syang bumaba at nakita nya sa sala ang mga magulang nyang tadtad ng maraming bala sa katawan. Dahil dito, pumasok syang muli sa sala at tumawag sa PNP at sa Ospital para makahingi ng tulong sa nangyari. Kinuhanan saglit ng litrato ang mga biktima, at dinala na sa Ospital)

Lt. Aikawa: May alam ka bang motibo ng mga suspek?
Junpei: Sa ngayon wala pa po sir. Masaya po kaming umuwi ng bahay, at balak namin mag celebrate sana bukas.
Lt. Aikawa: May okasyon ba?
Junpei: Kagagraduate ko lang po ngayon sa college. Katunayan nga po nyan pagkatapos ng celebration bukas e didiretso ako sa PNP para makapag-apply po sana.
Lt. Aikawa: Congratulations
*kinamayan si Junpei*
Gustohin ko mang tulungan ka agad mag-asikaso sa pag-aaply mo samin eh mabuti pang samahan mo muna ang mga magulang mo sa ospital. Mas makakatulong yun.

Ospital POV:

(Nakarating sila sa Ospital ngunit ang mga biktima ay idineklarang Dead on arrival. At dahil dito, tumawag ang pamunuan ng ospital kay Junpei at nalaman nyang patay na ang kanyang mga magulang. Napaluhod sya at biglang nagluluha. Sinubukang kunin ni Lt. Aikawa ang pahayag ni Junpei, at nagulat ang mga nakarespondeng pulis sa narinig)

Crime scene...

Lt. Aikawa: Bata. *hinawakan ang balikat ni Junpei at pinisil ng kaunti*

Hindi tayo titigil hangga't hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay nila. Gagawa pa kami ng malawakang imbestigasyon ukol sa nangyari sa mga magulang mo. Kung gusto mong dumiretso pa rin sa amin bukas ay magsadya ka lang.

Junpei: *nagpunas ng luha* Marami pong salamat Lt. Aasahan ko po na sana makamit din namin ang hustisya sa lalong madaling panahon.

(Umalis na ang mga pulis sa Crime scene at duon na nila isinagawa ang pag-imbestiga.)

Bakit nyoko pinagbago?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon