Chapter 13.

27 2 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 13.

EULA'S POV

Pumasok na ko sa loob ng opisina at nakita ko si Reaper doon na nainom ng tsaa habang nakatingin sa bintana. Sinara ko na 'yung pinto at napalingon siya sa'kin.

Inilapag ko ang gun-scythe sa isang tabi at naglakad palapit sa pwesto niya. Nilapag ko naman ang mga gamit ko sa lamesa niya.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong ko. "Gusto lang naman kita maka-usap tulad noon." Sagot niya.

"Nasubukan mo na ba ang gun-scythe mo?"

"Hindi pa. Sasanayin ko pa ang sarili ko muna." Sagot ko. "'Yung gun-scythe..." Napabuntong hininga ako.

"Nasira siya dahil sa prinotektahan mo ang isang maling tao. Alam ko, Eula. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganiyan ka ngayon." Komento niya.

"Then why? Bakit mo ko pinilit bumalik kung alam mo?" Tanong ko sa kaniya at inabutan niya ko ng tsaa.

"Kasi kakailanganin mong bumalik para makabawi. Matalo 'yung mga kalaban. Para makaganti sa ginawa nila noon. At para makabawi na din." Seryosong sagot niya.

"Para mahanap si Winter at para hanapin ang mga kalaban para matalo sila." Dugtong niya.

"Seryoso ka?"

"Oo. May dapat silang pagbayaran at kailangan ko ring malaman kung ano ang nangyari kay Winter." Kinuha ko 'yung tasa ng tsaa at ininom 'yon.

"Sige. Naiintindihan ko." Sagot ko at uminom ulit. "'Yung batang babae na kasama mo kanina, anak mo?" Umiling ako.

"Estudyante ko mula sa bayan." Sagot ko at naglakad palapit sa sofa para umupo. Umupo din siya sa sofa na nasa harapan ko.

"Eula, kapag may nangyari o may nalaman ka, sabihan mo ko. Itatama ko na ang pagkakamali ko noon."

"Sige. Makaka-asa ka." Nakangiting sagot ko at ngumiti din siya. Na-miss ko 'yung ganito, 'yung mag-uusap kami na para bang walang problema.

"'Yung anak mo..."

"Anong meron sa anak ko?"

"Medyo bwiset na ko sa kaniya. Lagi akong binibigyan ng bulaklak at tsokolate." Sagot ko at uminom ng tsaa.

"Hindi ko alam kung kinukumbinsi ba ako o talagang nililigawan ba talaga ako. Mana sa'yo, hindi marunong manligaw." Komento ko pa.

"Eula naman, 'wag mo namang ganiyanin ang anak ko." Komento naman niya sa'kin at tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Tatawanan kita kapag nagkagusto ka sa kaniya." Komento niya pa at tinawanan ko lang siya.

"'Wag mo kong patawanin, Reaper. Hindi ako napatol sa bata." Napatayo na ko nang naubos ko na ang tsaa ko.

"Sasanayin ko na ulit ang paggamit ng gun-scythe. Kaya una na ko, Reaper." Paalam ko at naglakad na papunta sa lamesa para kunin ang gamit ko.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon