Chapter 28.

25 1 0
                                    

Date Published: February 17, 2021

CHAPTER 28.

EULA

Nandito na kami ngayon sa loob ng opisina at nakaupo. Inabutan kami ni Syrex ng mga tsaa at kape.

(Note. Sahy-reks po ang pronunciation ng Syrex.)

"Ngayon lang kita nakita ulit, Syrex." Komento ko sabay inom ng binigay niyang tsaa.

"Kakabalik ko lang ngayon, Ms. Hunter. Dapat talaga ay kahapon pa ko dito pero dumaan muna ako sa bilihan para bumili ng kape at tsaa." Sagot niya.

"Kamusta ka? Magaling na ba ang sugat mo?" Tanong ko. "Opo. Hindi naman ako masyadong napuruhan tulad niyo ni Winter." Sagot niya.

"Pasensya na."

"Wala ka namang kasalanan kaya 'wag ka ng humingi ng despensa."

"Matagal na naming pinagsasabihan 'yan, Syrex. Ayaw makinig. Si Reaper nga dapat ang sisihin sa nangyari eh." Sabi ni Emiya.

"Oo. Ako dapat ang sisihin dahil hindi ako nakinig when I have a chance to prevent it." Sabi naman ni Reaper.

Napahawak ako sa noo ko at pumikit. May komo-kontekta sa'kin ngayon. Sino kaya 'to ngayon?

Eula...

"Katarina?" Ngayon ko lang ulit siya nakausap kaya medyo nagulat ako nang komonekta siya sa'kin.

Mag-ingat kayo. May nararamdaman akong malakas na prisensya na nanggagaling sa gubat. Malapit na kong pumunta diyan para tumulong.

"Sige. Hintayin ka namin dumating. Mag-ingat ka dahil may umaatakeng mga Spirits dito." Sabi ko at tinanggal ko na ang kamay ko mula sa noo.

"Sino 'yon, Eula?" Tanong ni Emiya. "Si Katarina." Sagot ko naman. Nakita kong namutla si Reaper.

"Papa, okay lang po kayo? Bakit bigla kayong namutla?" Tanong ni Fenix.

"Masyadong galit si Katarina kay Reaper dahil sa nangyari noon. Sa'ming mga mangkukulam dito sa academy ay siya lang hindi napuruhan dahil sa tinakas ko siya." Sabi ko.

"Bakit po?" - Saguittarius

"Ipinangako ko na magiging okay lang kami at kailangan niyang iligtas ang sarili niya dahil sa buntis siya." Paliwanag ko.

"Pero nagalit siya nang nalaman niyang karamihan sa mga mangkukulam ay napatay ng mga kalaban habang kami nila Winter ay napuruhan ng todo." Dugtong ko.

"Ms. Hunter, buntis ka din ng mga oras na 'yon diba?" Napatigil ako dahil sa sinabi ni Syrex.

"Sino ang ama?!" Sabay na tanong nila Reaper, Fenix at Sagui. Uminom lang ako ng tsaa at hindi sila sinagot.

"Ayon lang. Ayaw na namang magsalita." Komento ni Reaper. "'Wag na nating ipaalala sa kaniya ang nakaraan." Sabi ni Emiya.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon