Chapter 10.

24 2 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 10.

EULA'S POV

Humiwalay na ko mula sa kaniya at tumayo na. Ayoko man pero kailangan ko nang bumalik para kay Suzy. Baka kung ano na naman ang gawin no'n.

"Kailangan ko nang bumalik para gumawa ng gamot. Pasensya na." Umiling siya.

"Naiintindihan ko po. Pasensya na kung naistorbo ko po kayo." Umiling ako sa kaniya. Ayos lang naman sa'kin kung makikita ko siya.

"Ayos lang naman sa'kin. Lagi akong may oras para sa'yo." Makabawi man lang sa kaniya kahit paano. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang nanay niya.

"Tara na. Ibabalik na kita sa academy." Hinawakan niya ang kamay ko at binalik ko na siya sa entrance ng academy.

~~~~

Nandito ako sa tapat ng bahay at pinauwi ko muna si Suzy para makakain ng pang-umagahan. Nakatingin ako sa buwan at bumuntong hininga.

"Umagang-umaga ay bumubuntong hininga ka na agad diyan. May nangyari ba?" Tanong ni papa at tumabi sa'kin.

"May naalala lang po, pa." Pinasandal niya ko sa kaniya at hinalikan sa ulo. May parte sa'kin na kailangan ko nang bumalik sa academy.

"Bumalik ka na anak. Ayos lang naman sa'min kung babalik ka. Baka sakaling bumalik din ang dating ikaw." Komento niya.

"Pero paano po kung bumalik lahat ng ala-ala ko na matagal ko nang kinalimutan? Ayokong maalala ang lahat."

"Hindi ka matututo kung matatakot ka. Hindi mo malalagpasan ang lahat kung matatakot ka hanggang ngayon."

"Tandaan mong may kailangan kang gawin sa academy. May pangako kayo sa isa't isa diba?" Tumango ako sa kaniya.

"Bumalik ka na para matupad ang dapat niyong gawin sa academy. Hindi kakayanin ni Erebus ng mag-isa 'yon." Pagkumbinsi niya pa.

"Saka para sa'yo nga pala 'to." May inabot siyang bulaklak ng at lalagyanan ng tsokolate. Galing na naman 'to sa anak ni Reaper.

"May nagpapabigay sa'yo. Hindi mo man lang ako sinabihan na may manliligaw ka na pala ngayon, anak."

"Nililigawan para bumalik lang sa academy." Komento ko at kinuha ko naman 'yon. Inamoy ko 'yong bulaklak at napangiti ako.

"'Yan ang ngiti na matagal ko nang hindi nakita simula no'ng nangyari ang trahedya." Komento niya.

"'Yung ngiti na binigay mo sa iisang tao na trinaydor ka." Huminga ako ng malalim. Hindi ko tanggap ang nangyaring 'yon.

Sa lahat ng mga ala-ala ko ay ang tungkol lang sa kaniya ang hindi ko kinalimutan. Nadismaya ako sa ginawa niya at hindi niya din tinupad ang pangako niya.

"Alam ko namang mangyayari 'yon pero nagbigay pa rin ako ng tiwala sa kaniya dahil sa umaasa akong hindi niya gagawin 'yon." Mahinang sagot ko.

"Sige na anak. Doon ka na sa academy. Bumalik ka na lang dito kung gagamitin mo ulit ang pana at palaso mo." Tumango ako.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa academy kahit na nagda-dalawang isip pa rin ako.

~~~~

Nandito ako sa harap ng academy at nakatitig lang doon. Gusto kong pumunta kahit para lang sa kaniya. Napa-upo ako sa sahig.

Gusto kong bumawi sa lahat, gusto kong tulungan si Reaper para turuan ang mga estudyante pero nagda-dalawang isip pa rin ako.

Ano ba dapat ang gawin ko para makumbinsi ang sarili ko na bumalik? Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang mga taong nandito.

Napatigil ako mula sa pag-iisip at napatayo ako nang may naramdaman akong prinsensya.

Isang delikadong prisensya ito at kinuha ko agad ang wand ko. Hinanap ko kung saan ito nanggagaling nang napatingin ako sa bandang academy.

May hawak itong pana at alam kong kasapi siya ng Archer's Creed. Kumikilos na naman sila pagkatapos ng labing limang taon.

"Isang kasapi ng Archer's Creed." Napangiwi ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Masaya akong makita ang Lunar Fox Witch." Sabi naman at agad kong kinontrol ang palaso niya para bumalik ito sa kaniya.

"Tsk." Natamaan siya sa braso niya at kung sana ay nandito lang ang gun-scythe ko noon ay dapat kanina pa ko nakalapit sa kaniya.

"Sagitta flamma!" Pag-chant ko sa spell at may lumabas na mga palaso na gawa sa apoy.

Na-protektahan niya ang sarili niya gamit ang barrier na nagmumula sa pana niya. 'Yan ang pinaka-nakakainis sa lahat eh.

"Levis flammae!" May lumabas na mga apoy sa paligid at pinaligiran siya nito. May kahinaan ang barrier nila at alam ko kung ano 'yon.

"Secent!" Umatake na sa buong paligid niya ang mga apoy. Nakita kong nakailag siya ng dalawang beses pero natamaan na siya ng iba pang mga apoy.

Pinanood ko siya at mas naghanda pa sa mangyayari. Kailangan kong makasiguro na patay na siya para hindi na siya makabalik pa sa base nila.

Nang nawala na ang usok na nagmumula sa mga atake ko ay nakita kong nakaluhod na siya sa pwesto niya at hinang-hina na.

Bigla akong may naisip, hula ko ay pwede ko nang gamitin dito 'yon. Gumamit ako ng gravity magic at nagulat siya dahil parang may pwersa sa kaniya na pumipigil kumilos.

Tumalon na ko papunta sa kaniya at sinuntok siya ng malakas sa mukha. Napahiga siya at nilabas na ang Book of the Moon.

Binuksan ko 'yung libro at naglabas ito ng parang vibration kaya nasira ang bubong ng academy at nahulog siya doon.

Sumunod ako at pagkabagsak ko sa sahig ay agad akong tumingin sa witch hunter na 'yon. Nang nakita kong tatayo siya ay ginamitan ko na naman siya gravity magic.

"Hindi ka matatakas." Mariing saad ko at naglakad palapit sa kaniya. Inapakan ko siya sa bandang dibdib niya.

"Ano ba talaga ang plano niyo?" Tanong ko. "Hindi mo na kailangang malaman. Hindi mo rin naman magugustuhan." Pumunta na sa harap ko ang Book of the Moon.

Mas lalo nang lumalakas ang ilaw nito at nang magpapakawala na ko ng isang malakas na atake ay may humawak sa pulso ko.

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko si Reaper. Doon ko lang napansin na nasa loob pala kami ng isang classroom.

"Wow. Nasira niya 'yong matibay na bubong." Rinig kong komento ng anak ni Reaper.

"Ayaw mo ngang bumalik sa magandang paraan kasi gusto mong naninira ka pa ng kagamitan dito sa academy." Komento pa ni Reaper.

"Pwede bang manahimik ka na." Sagot ko at napatingin doon sa witch hunter. Tinanggal ko na ang paa kong nakatapak sa kaniya at sinipa siya sa ulo.

Nawalan na siya ng malay at binitiwan na ko ni Reaper. "Patayin na natin siya." Sabi ko at umiling siya.

"Kailangan natin siyang piliting magsalita." Sabi niya at huminga ulit ako ng malalim. Hinawakan niya ko sa balikat at napapikit ng mga mata.

•••• END OF CHAPTER 10. ••••

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon