Chapter 36 | Eula.

28 2 0
                                    

Date Published: March 10, 2021

Nandito na ko sa Battle Court at agad kong hinanap si Sagui nang nakita ko siyang naka-upo at nakatingin sa kwintas na suot niya.

"Sagui, umpisahan na natin ang training mo talaga." Nagulat siya nang tinawag ko siya. Tumayo na siya at naglakad palapit sa 'kin.

"Ano pong gagawin natin?" Tanong niya at napatingin ako sa kwintas niya. Alam ko kung para saan 'yan at kung ano ang ibig sabihin ng ilaw nito.

Hinawakan ko 'yon at tinanggal mula sa leeg niya. Binagsak ko 'yon sa sahig at inapakan.

"Hindi mo na kailangan 'yan. Wala silang maidudulot na maganda sa'yo, naiintindihan mo?" Tumango siya.

"Kunin mo na gamit mo at tuturuan kita kung paano gamitin ang pana may halong mahika." Napangiti siya.

"Sige po, mama. Saglit!" Nagulat ako ng sinigaw niya 'yon. Pati sila Katarina ay nagulat din.

"Ikaw po ang nanay niya, Ms. Eula?" Gulat na tanong ni Fenix. "'Wag mo kong kwestyonin." Sabi ko.

Ano kaya ang iisipin niya ngayon at nalaman na niya ang totoo? Mag-iiba kaya ang tingin niya o nararamdaman niya?

"Ikaw nga hindi ko kinwestyon kung paano ka naging anak ni Winter eh. Duwag ka naman." Sagot ko. Balik na naman kami sa dati.

"Ang sakit niyo naman pong magsalita. Tinakot niyo po kaya ako no'n." Angal niya.

"Ano na naman ang ginawa mo, Eula? Ang sama mo talaga sa anak ni Winter." Komento ni Katarina.

"Unang pagkikita namin ay binantaan ko sila ni Reaper at nandoon siya. Takot na takot siya sa'kin no'n."

"Bakit mo naman kasi pinagbantaan? Talagang matatakot 'yan. Pati rin naman ako ay natatakot din 'pag ginawa mo sa'kin 'yan." Pagkwento ni Artemis.

"Sumama ka na din, Fenix. May alam din naman akong spells na pwede kong ituro sa'yo habang wala si Winter." Sabi ko.

Naalala ko 'yung mga spells na ginagamit nila Winter at Snow saka pinag-aralan ko din 'yon dahil darating ang araw na 'to.

"Seryoso? Sige po." Tumayo na siya at lumapit sa'kin. Lumapit na din si Sagui sa 'kin.

"Tara na para maupisahan na. Kailangan mong humabol dahil ikaw ang nahuhuli, Fenix." Sabi ko.

Tumango siya at naglakad na ko papunta sa Court of the Moon.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Naglalakad kami sa gubat at nakasunod lang silang dalawa sa'kin ng tahimik.

"Ingat dahil baka mapalaban tayo." Sabi ko at napatigil agad. May nararamdaman akong paparating ngayon.

"Maghanda kayo." Sabi ko at hinawakan na nila ang mga armas nila. Hinawakan ko na ang gun-scythe ko.

May nagpakitang isang pamilyar na babae sa'min at napangisi ako. Sabi ko na nga ba't hindi magtatagal ay magpapakita din ang isa sa kanila.

Ang Four Preys of the Rat na kung tawagin ng lahat. Ang pinakalamakas sa lahat ng mga tauhan ni Polynesian.

"Ang insecto. Akala ko ay ang surot 'yung unang magpapakita eh." Komento ko at agad siyang nainis.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon