Chapter 40.

14 2 0
                                    

Date Published: March 19, 2021

Nandito sila Artemis, Lethyel at Eileithyia sa silangang bahagi ng gubat at nagi-imbestiga nang nagsalita si Artemis.

"Mag-ingat kayo at baka mapalaban tayo ng wala sa oras." Paalala nito at hinanda na nila ang mga pana at palaso.

"Hindi kaya mas safe isipin na nasa ilalim sila ng lupa dahil sa daga naman ni Polynesian?" Tanong ni Letheyl.

"Pwede po silang manirahan sa mga puno at bahay kaya mahihirapan po tayong hanapin sila." Sagot ni Eileithyia.

"Kung gano'n, hindi lang pala sila sa ilalim ng lupa nakatira." Napabuntong hininga si Letheyl at tumahimik na.

Napatigil si Artemis mula sa paglalakad at lumuhod. Kinuha niya ang nakita niya at tinitigan 'yon.

"Isang ice shard?" Tanong nito at lumapit kay Letheyl. Pinakita niya ito. "Ice shard?" Tanong niya.

"Pero kakaiba ito."

"Baka 'yan ang tinutukoy ni Eula na ice shard level 2." Komento ni Letheyl at tumingin si Eileithyia sa ice shard.

"Nasa panaginip ko po 'yan, mama." Sabi ni Eileithyia. "May mga babae at hawak nila po 'yan." Pagtuloy niya.

"Ang sabi niya, iniiwan po nila talaga 'yan para kahit paano ay makatulong po sila sa'tin ngayon. Pinaliligiran po silang dalawa ng mga yelo."

"Kung gano'n, sila Winter nga ang natulong sa'tin sa paraan na alam nila." Komento ni Artemis.

"Sabi nila, bawat ice shard ay may iba't ibang epekto." Nagkatinginan sila Artemis at tumango. Tinago agad ni Artemis ang ice shard sa bulsa niya.

"Sa ngayon, dalawa pa lang ang alam natin." Komento ni Artemis at tumango si Letheyl.

"Bumalik na tayo sa academy at sabihin sa kanila ang tungkol dito. Ikwento mo doon ang lahat, anak." Tumango si Eileithyia.

Aalis na sana sila nang pinaligiran sila ng mga daga at Spirits. Agad nilang inatake ang mga 'yon para makawala.

Tumira sa taas si Artemis at umulan na ng mga palaso at natamaan ang mga kalaban. Agad silang tumakbo nang nakakita na sila ng daanan.

"Mag-ingat at baka magkawalaan tayo." Sabi ni Letheyl at nakalabas na sila mula sa gubat. Agad silang dumiretsyo sa academy.

"May mga kalaban kaya maghanda kayo!" Sigaw ni Artemis sa mga estudyanteng nakatambay kaya nagsipaghanda na sila.

Nagsilabas silang lahat at inatake na ang mga kalaban na nakita nila para protektahan ang academy.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito sila Emiya, Finlo, Reaper at Katarina sa taas na bahagi ng academy habang nanonood sa nangyayari.

"'Wag ka na muna lumaban, Katarina. Lugi sila pagdating sa 'yo." Sabi ni Reaper. "Naiintindihan ko. Obeserbahan na muna natin ang mga estudyante." Sagot ni Katarina.

"Kapag lumala na, doon ko lang magwala." Sabi ni Emiya at tumango si Katarina. Nanahimik na ulit sila.

FENIX

I'm here in the Court of the Moon practicing the spells that I've learned through the Book of the Raining Ice.

Habang wala pa naman sila Ms. Eula ay kailangan kong mag-practice pa rin. I am attracted to Ms. Eula because she's so great as a witch.

And I'm also in love with her. If I want to be worthy enough for her, I should be stronger than this. I should be strong to protect her.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon