Chapter 5.

34 2 0
                                    

Date Published: June 5, 2020

CHAPTER 5

FENIX'S POV

Naka-alis na siya at hindi ko na siya hinabol pa. Baka atakihin na naman ako no'n. Kaya naman bumalik na ko sa academy dahil baka tapos na ang klase.

Ang saklap talaga 'pag napunta sa detention.

~~~~

Nakabalik na ko sa room at naabutan ko pa si papa na nagliligpit ng gamit niya. Naglakad ako palapit sa kaniya.

"Pa, nakita ko po siya sa gubat kanina." Pagbalita ko at napatigil siya mula sa mga ginagawa niya saka tumingin sa'kin.

"May ginawa ba siya?" Umiling ako. "Sinubukan ko po siyang kumbinsihin pero..." Napabuntong hininga siya.

"Wala na talagang pag-asa para mapabalik siya dito. Hindi ko naman kasi pwedeng tawagan ang iba mas lalo na't hindi ko pa kilala kung sino ang traydor noon."

Naglakad si Rius palapit sa pwesto namin. "Anong meron?" Tanong niya naman. Napabuntong hininga kami ni papa.

"Sinabi ko pa naman sa kaniya na kukumbinsihin ko siya sa kahit anong paraan pa." Komento ko.

"Sino? Sino 'yung gusto niyong kumbinsihin?" Tanong ni Rius. "Kaibigan ni papa para maging instructor." Sagot ko.

"Bakit hindi natin ligawan? Hula ko ay makukumbinsi naman natin siya kung liligawan natin." Komento ni Rius at nagkatinginan kami ni papa.

"Oo nga noh? Let's try that. Ligawan niyo kasi kapag ako, tatarayan lang ako no'n." Sabi ni papa at tumango kami.

"Let's go. Mag-plano na tayo." Hinila ko na si Rius paalis mula sa room para makapag-isip na ng paraan para makumbinsi ang kaibigan ni papa.

EULA'S POV

Nandito ako sa isang upuan na malapit na sa entrance ng academy at nag-iisip pa rin. Suot ko ang museta sa ulo ko na konektado sa balabal na suot ko.

(Note. Museta po ang tagalog ng hood.)

Napatingin ako sa yabag ng paa at nakita ko ang anak ni Reaper at may kasama siyang lalaki. Agad na nanlaki ang mata ko nang nakilala ko agad ang kasama niya.

Anong ginagawa niya dito?

"Ms. Vulpecula, we're here to convince you." Paninimula ng anak ni Reaper. Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang gagawin nila.

"Ito oh." Sabi ng kasama niya at may inabot na bulaklak. Napabuntong hininga ako sa pinag-gagagawa ng mga 'to.

"Ano kayo manliligaw? Sa tingin mo ba ay makukumbinsi niyo ko sa bulaklak na 'yan?" Tanong ko at tumayo na.

"Marami akong binasted dati na lalaki dahil hindi ako nakukuha agad sa mga bulaklak. Tanungin niyo si Reaper kung gaano ako kahirap ligawan noon." Dugtong ko pa.

Tumalikod na ko at naglakad na paalis mula sa harap nilang dalawa. Sa bagay, baka kapag siya ay kahit na lantang bulaklak na tatanggapin ko pa rin 'yon.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon