Chapter 45 | Eula.

22 1 0
                                    

Date Published: March 26, 2021

Nagising ako sa isang malamig na lugar at may nakita akong nasa kastilyo ako nila Winter.

Napatingin ako sa harap at nakita ko si Winter at katabi niya si Snow sa kanan niya.

"Anong meron?" Tanong ko. "Delikado na, Eula." Paninimula ni Snow sa 'kin kaya kinabahan ako.

"Susugod na ba sila Polynesian?" Tumango silang dalawa at napahinga ako ng malalim.

"Nakawala na sila ni Polynesian at nakakainis na." Komento ko. "Sabi ko sa 'yo ay 'wag mong tanggalin ang kwintas eh." Paalala ni Winter.

"Hindi ko na din naman alam na babalik ako dito, Winter. Hindi ko din inaasahan." Sagot ko.

"Hindi mo na kailangang sisihin ang sarili mo sa nangyari, wala kang kasalanan." Sabi ni Snow.

"Hindi ko kayo natulungan noon kaya nawala kayo ng parang bula." Sabi ko.

"Desisyon namin ang mawala ng walang paalam para magpahinga." Sabi ni Winter.

"'Wag mo nang sisihin ang sarili mo. Desisyon namin 'yon. Wala kang kasalanan doon." Dugtong niya pa.

Tumango ako at ngumiti sa kanila nang may naalala ako.

"Kamusta kayo?"

"Okay lang. Unti-unti nang bumabalik ang mga lakas namin kaya 'wag ka nang mag-alala." Napangiti ako at tumango.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Napamulat ako ng mga mata at nakita ko si Saguittarius na mukhang nag-aalala na naman sa 'kin.

Hinawakan ko siya sa kamay at napatingin siya sa'kin. Nginitian ko siya at napangiti din siya.

"Buti po, ligtas kayo, ma." Nakangiting saad niya at hinalikan ko siya sa noo. Inalalayan niya kong umupo sa kama at napatingin sa paligid.

Nakita kong wala lang malay si Reaper at nag-alala ako. Ano ang nagawa ko? Ano 'yung ginawa ko at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay?

"Anong nangyari kay Reaper?" Tanong ko at napatingin si Fenix sa 'kin. "Nauntog po sa puno no'ng tinabig niyo po siya." Sagot niya.

Napapikit ako ng mata at gumamit ng healing spell. "Remedium." Sabi ko at lumiwanag na ang katawan ni Reaper.

Agad siyang napaupo at nagising. Umupo siya sa kama at napatingin sa paligid na para bang may hinahanap.

"Winter! Sino 'yung gumising sa'kin? Sasabihin niya pa lang kung nasaan siya!" Pagwawala niya.

"'Wag mo nang hanapin kung nasaan si Winter, mapapahamak ka lang." Pabala ko.

"Ang lugar na 'yon ay nakakamatay, Reaper. Hindi normal ang lakas ng klima doon kaya delikado." Sabi ni Artemis.

"Pasensya na sa nangyari. Kontrolado ko siya no'ng una pero pagkatapos no'n ay nawalan na naman ako ng control." Sabi ko.

"Pero at least, may improvement. Hindi 'yung una pa lang ay nagwala ka na agad." Komento ni Katarina.

"Inaaral mo din naman ang pag-control doon pagka-alis ko mula sa academy. Pero ganiyan pa din." Paliwanag ko.

"Sabi ni papa ay mako-control ko lang ang Anima Santanas kung hahanapin ko ang liwanag na nasa puso ko pero hindi ko alam kung ano ang liwanag na 'yon." Dugtong ko.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon