Chapter 23.

21 1 0
                                    

Date Published: July 1, 2020

CHAPTER 23.

EULA'S POV

Bumalik na silang lahat mula sa pag e-ensayo at tinignan ko 'yung lalaki kanina. Napabuntong hininga ako at nilapitan ulit siya.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya pero tinignan niya lang 'yon. Hinintay ko siyang tanggapin ang kamay ko.

"Matagal na kong ganito tumingin kaya masanay ka na ngayon pa lang." Sagot ko at wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang kamay ko.

Pagkatayo niya ay hindi na niya ako pinansin pa at bumalik na lang ulit mula sa pag-ensayo. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pwesto ko kanina para panoorin sila.

~~~~

Pagkatapos ng pag-ensayo nila ay agad akong dumiretsyo sa library para humanap ng bagong libro doon. Gusto kong magbasa para magpalipas ng oras.

Ang mga halaman na pinag-aaralan ko kahapon ay hindi ko pa rin tapos pag-aralan kaya nasa bahay lang 'yon at si papa na ang nagpatuloy.

Habang nakatingin sa mga libro ay napalingon ako sa direksyon na para bang may nanonood sa'kin doon at nakita ko si Saguitarius.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kaniya. "Gusto ko lang pong makipag-usap sa inyo." Nakangiting saad niya at tumango ako.

"'Wag tayo dito. Sumunod ka sa'kin." Pag-aya ko at dinala ko siya sa sikretong lugar ko sa academy.

~ ROOFTOP ~

Umupo ako sa bunong at tumani siya sa'kin. Inabot niya ang hawak niyang bote ng tsaa at tinanggap ko naman 'yon.

"Salamat. Ano pala 'yung gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ko. "Tungkol po sa mga nangyari noon. Alam kong meron ka pong nakakalimutan." Sagot niya.

"Pero masyado po kasi akong nacu-curious. Pati rin po si Nix." Dugtong niya pa. Pati rin naman ako ay curious na din sa mga bagay na hindi ko maalala.

"Ano ang gusto mong malaman?"

"Ano po talaga ang nangyari noon?" Bumuntong hininga ako sa tinanong niya. Ayokong sabihin muna sa kaniya ang tungkol doon.

"May umatake sa academy na mga witch hunters. Hanggang doon na lang ang naalala ko." Pagkwento ko.

"Okay po. Naiintindihan ko po 'yon." Sagot niya at napabuntong hininga din. Napatingin siya sa langiti.

"Mabait po si mama?" Kung gusto niyang malaman ang tungkol sa nanay niya ay dapat sinabi na lang niya ng diretsyuhan sa'kin.

"Sa totoo lang ay hindi ko alam kung mabait ba siya. Hindi ko naman siya masyadong kilala." Paninimula ko.

"Pero base sa mga usap-usapan ay mabait siya." Sagot ko. "Gano'n po? Bakit sabi ng papa niyo ay galing ako sa sumpa?" Tanong niya.

"Sumpa..." Tinignan ko siya at hinawakan sa pisnge. "Dahil ginawa ka niya dahil sa nasaktan siya." Sagot ko.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon