Chapter 18.

20 2 0
                                    

Date Published: June 17, 2020

CHAPTER 18.

NIX'S POV

When I arrived in the clinic ay naabutan ko si Nurse Phi na chine-ckeck up si Ms. Eula na wala pa rin malay.

"Ayos lang siya pero malakas ang epekto ng Sensory Seal sa kaniya kaya masyadong masakit ito para sa kaniya. Hula ko ay isang high-level witch ang naglagay sa kaniya." Sabi ni Nurse Phi.

"Maaari ang tatay niya? Para protektahan siya mula sa sakit na naramdaman niya noon?" Tanong ni papa.

"Pero Emiya, ano pa ba ang sinabi mo pwera lang tungkol sa mga kalaban noon?" Tanong pa ni papa.

"Wala na. Tungkol lang doon ang tinanong ko, Reaper." Sagot ni Mr. Emiya.

"Naalala ko din noon ay sabi niya may traydor mula sa council kaya nangyari 'yon'. Sa tingin mo, sino ang tinutukoy niyang traydor?" Seryosong tanong ni papa.

"Sa totoo lang ay hindi ko alam. Huli na din no'ng dumating ako. Nakita ko nang duguan si Ms. Hunter ng mga oras na dumating ako at nasira na rin ang pinakamamahal niyang gun-scythe." - Mr. Emiya.

"Umiiyak na siya no'n habang hawak ang braso niyang duguan sabay sabi 'hindi ko inaasahang magta-traydor siya'."

"No'ng tinanong ko kung sino ay bigla na lang siyang nawala at pumunta sa buwan para hula ko ay magpalakas at nagpagaling." Napapikit ng mga mata si papa.

Gano'n ba talaga kalakas o kalala ang nangyari noon para hindi siya bunalik dito sa academy?

"Ito rin ang dahilan kung bakit ayokong papuntahin dito ang mga nasa council noon dahil hindi pa natin kilala kung sino ang traydor." Komento ni papa.

"Kaya ba ako lang ang tinawagan mo?" Tumango si papa. "May tiwala ako sa'yo. Kasi kung ikaw man ang may gawa no'n dapat matagal ka nang patay dahil sa sumpa ni Eula sa'yo." Tumango si Mr. Emiya.

"And besides, I have a promise kay Ms. Hunter at alam kong alam mo kung ano 'yon."

"Oo. Alam ko 'yon, Emiya. Kaya nga no'ng umalis siya ay umalis ka din dahil sa nabigo ka sa misyon mong protektahan siya."

Bakit parang ang daming nangyaring problema noon sa kanila? Gano'n ba talaga kalala ang mga nangyari noon kaya nagsi-alisan silang lahat?

"Nandito lang naman ako dahil kay Ms. Hunter para makabawi na din. 'Wag na nating ulitin ang pagkakamali natin noon, Reaper."

"Alam ko. 'Yon din naman ang sinabi ko kay Eula no'ng bumalik siya dito. Gusto ko din sanang tawagan si Snow kaso galit pa sa'kin 'yon dahil sa nangyari kay Winter."

"Snow? Winter?" Tanong ko kaya napating sa'kin si papa. "Oo. Kapatid si Snow ng mama mo, anak." Napatango ako.

"Sino po naman ang nanay ko?" Tanong ni Rius na kanina pa tahimik. "Hindi ko alam, Rius." Sagot ni papa.

"Sa totoo lang, kung papakiramdaman mong mabuti ang prisensya niya, parehas sila ni Ms. Hunter." Komento ni Mr. Emiya.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon