Chapter 15.

23 1 0
                                    

Date Published: June 6, 2020

CHAPTER 15.

THIRD PERSON'S POV

Nandito sila Reaper at Rius sa bandang auditorium at inuumpisahan na ang training para matutong lumaban si Rius.

"Ano po ang gagawin natin?" Tanong ni Rius habang nag-aayos ng target si Reaper sa harap niya.

"Titirahin mo 'to at dapat tumama sa pulang bilog." Paliwanag ni Reaper. "Pang-close combat man ako ay tinuruan din naman ako ni Eula noon kahit paano." Komento niya.

"Sige po. Umpisahan ko na." Sabi ni Rius at tinira na niya 'yung target.

EULA'S POV

Nandito na kami sa bayan ng Masterain. Hinahanap ko ang store na alam ko para sa upgrade ng mga armas.

Hawak-hawak ko ang gun-scythe kaya napapatingin sa'kin ang lahat ng mga tao na nasa paligid.

"Hindi mo ba pwedeng itago 'yang scythe mo? Nakakakuha ka ng maraming atensyon eh." Komento niya.

"Wala akong lalagyanan kaya wala kang magagawa, sa ngayon." Sagot ko at nakita ko na 'yung store na hinahanap ko.

Pumasok na ko sa loob at agad kong nakita si Manong Joey. Napatingin siya sa'kin at napangiti ng todo.

"Vulpecula, masaya akong makita ka ulit. Labing limang taon na ang nakakalipas no'ng huling nakita kita." Komento niya at napatingin kay Fenix.

"Anak mo?" Umiling ako. "Kay Reaper po. Anak nila ni Winter." Sagot ko habang natingin sa mga armas na nakasabit.

"Sabi ko na nga ba't para sa'yo ang gun-scythe na pina-ayos ni Erebus noon." Komento niya at tumango ako.

"May kailangan ka ba ngayon? O baka naman kailangan mo ng upgrade sa palaso at pana mo? O diyan sa gun-scythe mo?" Napatingin ako sa kaniya at umiling.

"Tumigil na po ako pagpa-pana, manong." Mahinang sagot ko at siyang bumuntong hininga.

"Kung gano'n, totoo nga 'yung mga balita tungkol sa nangyari noon." Komento niya.

"Meron po ba kayong magandang upgrade para sa twin handgun niya?" Tanong ko.

Pinakita naman ni Fenix ang twin handgun niya at tinignan naman nito ni manong.

"Oo. Meron ako dito at isang tama lang ng baril ay agad mamamatay ang matatamaan nito." Sagot ni manong at kinuha na ang baril.

"Babalik agad ako pagkatapos. Pwede niyong tignan lahat ng mga armas at subukan sa training room." Sabi niya at pumasok na siya sa isang kwarto.

"Gaano na pala kayo katagal magkakilala ni papa?" Tanong ni Fenix.

"Simula pagkabata. Magkasama na kami at magkaibigan." Sagot ko habang tinitignan ang isang crossbow.

"Hindi ka ba nagkagusto kay papa?"

"Gusto mong malaman ang totoo? Tanungin mo siya, siya dapat ang sumagot niyan sa'yo." Sagot ko.

Meisters vs Witches (Masterblade Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon